Chapter 32

18.6K 600 425
                                    

Dedicated to renseiselle_04

Tila parang nasa ibang mundo ako ngayon nang kaharap ko ang mga taong sinasabing totoong pamilya ko. Hindi ko man maintindihan ang lahat ng mga nangyayaring ito sa akin ay pilit kong binubuksan ang isipan ko sa posibilidad na sila ang totoo kong pamilya.

Yakap ako ngayon ng nagpapakilala sa aking ina ko, lola ko, dalawang kapatid kong lalake at ang sinasabi nilang anak ko.

Hindi ko maitatanggi na kamukha ng triplets si Blair na anak raw namin ni Ahmed. Kanina pa ito umiiyak sa harapan ko habang nakayakap ito sa akin.

Dahil sa hindi ko maipaliwanag na lungkot at bigat na nararamdaman ay umiiyak na rin ako katulad ng bata.

"I missed you, Mama…" paulit-ulit na sambit ni Blair.

"Namiss rin kita, Blair…" sabi ko naman habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Adi, hindi kami makapaniwalang nandito ka na ngayon. Ilang taon ka naming hinanap pero wala talaga kaming naging ideya kung nasaan ka." malungkot na sabi ni Kuya Hideyo at nasa tabi nito si Haru na tahimik lang ring umiiyak.

"M-mabuti at nahanap na ako ngayon nila Ahzik. Si Governor Dean Sandoval ang nagbalita sa kanila kung nasaan ako ngayon." mahina kong sabi.

Inamin ko sa kanilang wala akong maalala sa ngayon. Base sa sinabi sa akin ni Francis na Nikolai pala ang totoong pangalan ay nagkaroon raw ako ng Post Traumatic Amnesia. Babalik rin naman ang ala-ala ko ng kusa ngunit hindi pa ako nakakatiyak kung kailan iyon.

"Diyos ko at pagpalain nawa si Gobernador Sandoval. Natulungan niya ang magkakapatid para mahanap ka, apo." nakangiti ngunit umiiyak na sabi ni Lola.

Ang mga kapatid ng triplets, si Tito Trevor, si Tita Rica at ang apat pa niyang mga asawa ay nakangiti sa amin habang pinagmamasdan nila kami.

Hindi na rin napigilan ni Tita Rica at ng mga anak niyang babae na sina Yesheem at Sahara na maluha habang nakatingin sila sa amin.

Nakita ko pang napapaiyak na rin ang binatang anak na lalake ni Tito Essam na si Danielle ngunit hindi niya iyon ipinapahalata sa amin.

Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang punong kaginhawaan sa puso ko. Ramdam ko na ito ang totoong mundo ko at hindi iyong mundong ibinigay sa akin ni Nikolai na matalik ko palang kaibigan at pinagkatiwalaan ko ng lubos.

"Malaki rin po ang pasasalamat ko kay Governor Sandoval dahil nakita ko na po kayong totoong pamilya ko. Wala pa po akong maalala sa ngayon pero sisikapin ko pong bumalik ang ala-ala ko para maalala ko na kayong lahat." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Don't worry, Jianna. May doktor na kaming kinuha ng Tita Rica mo para ma-check ang kalagayan mo habang nandito ka sa bahay." sabi ni Tito Trevor at nginitian niya ako.

"Salamat po, Tito Trevor." pagpapasalamat ko naman na ikinatango niya.

"Gusto mo bang makausap ang mga kapatid na babae ni Nikolai, Adi? Alam na nila ang ginawa ng kuya nila sa'yo at ngayon ay balak nilang puntahan si Nikolai sa San Mariano para makausap nila ito." tanong ni Mama na ikinatahimik ko.

May mga kapatid na babae si Nikolai at nagawa niya akong dukutin at iwan ang mga ito nang dahil sa pagmamahal niya sa akin.

Anong klaseng pagmamahal ang mayroon siya na kaya niyang talikuran ang mga mahal niya sa buhay para lang itago ako at angkinin?

"Sige po. Pwede niyo po silang ipatawag dito bukas para makausap ko." sabi ko kay Mama.

Tumango siya at hindi na muling nagsalita pa.

The Triplets AddictionKde žijí příběhy. Začni objevovat