chapter 92

221 25 0
                                    

Alina pov:

"Dito muna tayo magpalipas ng gabi" saad ni Aso at ibinaba ang kabayo mula sa kagubatan, saglit pa muna akong napatitig sa kanya na marahang bumababa sa gubat bago sumunod. "Maupo ka muna diyan, gagawa lang ako ng kubo" tumango ako bilang tugon at naupo sa isang troso. Napatingala ako sa kalangitan at napatulala sa buwan na kasulukuyan ng paakyat sa kalangitan, biglang pumasok sa isipan ko ang markang buwan na nasa balikat ni Aso kung kaya't napatingin ako sa kanya na ngayon ay gumagawa ng maliit na kubo.

Tinitigan ko ng maige ang balikat niya kung saan naroroon mismo ang markang buwan pero nagulat ako nang biglang binato ni Aso sakin ang isang plastik na may lamang prutas at mabuti na lang dahil nasalo ko iyon dahil kung hindi paniguradong bagsak ang noo ko sa lupa.

"Hindi ako makagalaw ng maayos dito dahil sa kakatitig mo ang mabuti pa ay kumain ka nalang diyan" wika niya nang hindi man lang ako tinapunan kahit isang tingin tuloy hindi niya nakita kung gaano naging halimaw ang mukha ko dahil sa pagbato niya sa'kin ng prutas.

Walang modo!

Nakasimangot kong nilantakan ang prutas at saka inirapan siya ng todong-todo kahit na hindi niya iyon nakita. Napatingala ulit ako sa kalangitan at pinagmasdan na lamang ang buwan.

"Kumain ka na" saad ko nang matapos ng kumain at nilapitan siya upang iabot ng maayos ang basket na kalahati na lang ang natirang prutas dahil sa katakaman ko. Huminto siya sa kanyang ginagawa at kinuha sa kamay ko ang basket saka naupo sa gilid, napatingin ako sa ginawa niya at wala sa sariling napangiti. Sino naman din ang magaakala na pwede na palang maging construction worker itong Asong 'to.

"Siya nga pala Aso" bahagya siyang nagulat dahil sa pabigla-bigla kong pagupo sa tabi niya at paghawi sa kanyang damit upang makita ang balikat niya kung saan naroroon ang markang buwan, kaagad naman din siyang tumayo saka matalim akong tinitigan. "Manyak ka!" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Loko 'to?

"Kumakain lang ako ng tahimik dito, ng aano ka na diyan tsh!" Patuloy niya at naupo ulit sa troso na kinauupuan ko kanina, saglit akong natahimik sa gilid habang pinagmamasdan siya saka tumayo at pinamewangan siya. "Hoi! May titingnan lang ako sa balikat mo! Hindi ako manyak!" Tinaasan ko siya ng isang kilay pero yung Aso ay hindi man lang ako pinansin at umiling-iling pa.

"Ano ba!?" Sigaw ko sa kanya at tumingala naman siya sa'kin. "Bakit mo naman titignan ang balikat ko?" Nakangisi niyang sabi dahilan para mamula ako sa hiya pero hindi ko pinahalata at minatili ang galit na mukha.

Malalim akong bumuntong hininga at seryoso siyang tinignan. "Alam mo ba kung ano ang meron sa balikat mo?" Sumalubong ang kilay niya sa tanong ko at sinilip ang balikat. "Balat?" Napapikit na lamang ako at nilapitan siya ulit.

"May salamin ka ba?"

"Wala"

Napatikhim ako at hinawakan ang damit niya upang hawiin sana at ipakita sa kanya ang tinutukoy ko pero bigla naman siyang napahawak sa kamay ko upang pigilan.

"Huwag ka ngang bastos Alina" dinilatan ko siya ng mata at dahil sa galit ay malakas kong hinila ang damit niya dahilan para mahubad ang damit niyang pang-itaas, hindi ko nagawang sirain iyon dahil sa sobrang tibay. Nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ko at napatayo. "Ano ba?!" Inis niyang sigaw at aktong aayusin ulit ang damit nang hawakan ko iyon.

"A-Alina naman, h-huwag sa ganitong lugar" namumula ang pisnge niya at tainga at ngayon ay hindi na makatingin sakin bahagya rin akong nagtaka dahil sa panginginig ng kamay niya at panlalamig. "Nababaliw kaba?" Tanong ko pero napakagat lang siya ng labi kaya napabuntong hininga ulit ako saka tumingkayad upang makita ulit ang markang buwan sa balikat niya, masyado kasi siyang mataas.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now