chapter 57: Khilil

307 33 4
                                    

Alina pov:

"Mamatay na kayo mga uod!!" Kung hindi lang talaga ako kilala ni Aso siguradong mapag-kakamalan niya akong baliw sa katarantaduhang ginagawa ko, kahit ako ay nababaliwan sa sarili, ginawang ba namang mga barbie ang mga uod.

"Ako ang reyna!" Salita ko habang hinawakan yung kulay pink na uod at kunwaring maangas na naglalakad sa daanan habang ang ibang uod ay gulat na gulat sa nakikita nila. Wala kasi akong magawa, e. Gabi na tapos si Aso nagluluto pa kaya nabagot ako tapos ito pa talagang mga kawawang uod ang napagtripan ko.

Mahilig kasi ako sa mga barbie tapos kami ni Jelly ang palaging nag-aacting na parang mga prinsesa at ngayon tunay na prinsesa na talaga ako.

Bumuntong hininga ako.

Iniligpit ko yung mga uod at pinakawalan sa kagubatan. "Sorry mga uod" paumanhin ko pa at saka na nilapitan si Aso na ngayon ay abala sa pagluluto. Pang-ikatlong araw na namin bukas at apat na araw na lang ang nalalabi samin pero wala pa rin kami kahit isang tao ang natatagpuan. Puro mga higanteng hayop lang ang sumasalubong samin, psh!

"Tapos kana ba sa kabaliwan mo?" Inirapan ko lang siya at saka sumandal sa balikat niya, grabe napagod ako ngayong araw, ilang higanteng hayop na kaya ang pinatay namin?

Napahikab ako.

"Aso paano na yan? Wala pa rin tayong matagpuan na ibang kalahok" inakbayan niya ako. "Edi maghahanap ulit" napailing-iling na lamang ako sa sagot niya, paano namin mahahanap yung mga taong walang planong magpakita samin?

"Matagal pa ba yan?" Reklamo ko sabay hawak sa sikmura, kanina pa talaga ako nagugutom. "Madaya ka talaga" sumalubong agad ang kilay ko sa isinagot niya at nilingon siya pero pinangusuhan niya lang ako at isang himala na nagpa-cute yung baliw.

"Ang madaya ba ang pinagsasabi mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ako yung lalaki tapos ako yung nagluluto" nakanguso nitong sagot sakin, nagtaka naman ako.

Dapat ba talaga na babae ang palaging nagluluto? Pwede naman siguro lalaki din a?

"Psh! Kaya mo na yan" tumayo na ako kaagad kasi baka ako pa yung palutuin ni Aso dun sa niluluto niya, masyado pa akong pagod para magluto total siya naman tong hind nakakaramdam ng pagod kaya, kaya niya na yan.

Bumalik ako ulit sa kung saan ko man pinakawalan ang mga uod at hinanap sila ulit, mabuti pa yung uod ang paglaruan ko kasi hindi nagrereklamo. Nagpagapang-gapang ako sa mga halaman at hinanap yung mga uod ko pero wala ako kahit isa mahanap.

Nandito pa naman yun kanina, a? Ang bilis naman nilang maka-alis. Napakamot na lamang ako ng ulo at tumayo, nakakainis naman bakit wala yung mga uod dito?

Nanlaki ang mata ko nang sa kalagitnaan ng dilim ay may umilaw na kulay pula sa tagiliran ko, hindi ko na nagawang lingonin yun dahil nahawakan na niya ang beywang ko gamit ang malaki at mabalahibo nitong kamay.

"Asoo!!" Malakas kong sigaw nang bigla akong itaas ng kamay na yun at mula sa itaas ay kitang-kita ko kung anong halimaw yung dumampot sakin. Isang higanteng gorilya! "Aso!! Tulungan mo ko!" Sigaw ko sabay na nanunubok na kumalas mula sa pagkakahawak sakin ng gorilya pero para akong bato na nanigas nang inilapit ako ng gorilya sa mukha niya akala ko talaga kakainin niya ako pero isang malaking halik ang natanggap ko sa ulo mula sa higante niyang labi.

"Yuck!! Asoo!!" Gusto ko nang umiyak nang may naiwan na laway yung gorilya sa ulo ko. "Alina!" Sagot niya sakin pabalik pero laking gulat ko nang tinakbo ako ng gorilya sa kung saan, paano nato?

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now