chapter 39

503 33 4
                                    

Rallie pov:

"Kamahalan, may ipinadala na sulat po ang Hari ng Hanazed" agad kong sinenyasan na lumapit sakin ang aking kanang kamay na si Benedict. Marahan niyang iniabot sakin ang liham ni Haring Sander, iniabot ko naman din iyon.

"Maraming salamat Benedict, maari kanang bumalik sa iyong gawain" sambit ko pa sa kanya. Nagbigay pugay pa siya bago sinunod ang utos ko.

Tinignan ko naman din ang loob ng liham ng Hari at napangiti ako sa laman nito.

Sinasabi nito na, nais daw ng kanilang anak na si Prinsepe Karex na masilayan ang aking bunsong anak sa tore ng kalangitan.

"Kawal, ipatawag ang aking Reyna at ang aking mga Anak" utos ko pa sa isang kawal na nakatayo sa halige, agad naman itong nagbigay pugay sakin at sinunod ang aking utos.

Itinago ko naman din ang liham sa bulsa ng aking damit at sumandal sa upuan ko.

"Ano kaya ang ginawa ni Alina at nabighani ng sobra sa kanya si Prinsepe Karex?" Wala sa sarili kong naiusal, napatikhim naman ako ng nilingon ako ng mga kawal na tagabantay ng Trono.

Nawa'y walang maging hadlang sa kanilang dalawa.

"Kamahalan" napaharap ako nang biglang may tinig na lumitaw sa harapan ko, tinangoan ko naman din siya nang nagbigay pugay ito sakin.

"Ano ang iyong kailangan?" Kuryusong tanong ko sa kanya.

"Kamahalan, may mahalaga kayong dapat na malaman" magalang na saad niya sakin, napaseryoso naman ako ng tingin nang seryoso itong nilalabanan ang paningin ko.

"Mag-salita ka" utos ko pa sa kanya, tinangoan niya naman din ako.

"Rallie!" Napalingon kami sa pintuan ng bulwagan nang may biglang humadlang sa aming pag-uusap. Napababa ako sa Trono at sinalubong ang aking Reyna na ngayon ay natataranta ang mukha.

"Anong nangyayari sayo?!" Pag-alalang tanong ko pa sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat.

"Rallie, si Alina! Nawawala!" Natataranta nitong sambit.

"Akira!" Agad na tawag ko sa pinunong kawal na kanina pa nasa giliran ng trono, nagbigay pugay naman din ito at mabilis na kumilos.

Niyakap ko ng mahigpit si Mayi nang magsimula nang tumulo ang nga luha niya sa kanyang pisnge.

"Huwag kang mag-alala, si Alina iyon hinding-hindi siya magpapatalo kahit sino man" diin na sambit ko pa at hinalikan ang kanyang noo.

"Handrick padalhan mo ng liham ang kahariang Hanazed at iulat ang naganap dito!" Utos ko sa pinunong Ausejo, agad naman itonv nagbigay pugay at nagmadaling nag-lakad.

"Ama! Ina! Ano po ang nagaganap?! Bakit ang daming hukbo ang nagsikalat sa buong palasyo?" Sabay kaming napalingon sa likuran namin nang marinig ang tinig ng aking Anak.

"Ina! Ama!" Agad na lumapit samin si Amaya at niyakap kami pareho, sumunod naman din sa kanya si Proxy.

"Ama? Ano po ang nagaganap?!" Nag-aalalang tanong pa ulit sakin ni Proxy.

"Si Alina! Nawawala" sagot sa kanya ni Mayi, para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang mukha ni Proxy nang masagot ang kanyang katanungan.

"Po?!" Nagsilitawan ang mga luha ni Amaya sa kanyang mga mata nang marinig ang sagot. Niyakap naman din siya ulit ni Mayi na ngayun ay humagulhol na sa pag-iiyak.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now