chapter 68:Khilil

216 25 2
                                    

Karex pov:

"Puntahan muna natin sila" walang reaksiyon ko siyang tinignan, hila-hila niya na ngayon ang braso ko papunta sa kung saan man naroroon sina Proxy at Elena. Mamaya pa kasi magsisimula ang ikatlong yugto ng torneo at ngayon ay lalo pang dumarami ang mga hurado. May inilagay na rin sila na malaking karatula sa itaas ng entablado kung saan nakasulat roon ang paaralang Resolim laban sa paaralang Meñial.

"Aso, hindi ba kahinaan ninyo ang mga lason?" Napatingin ako kay Pusa na ngayon ay nakatingin lamang sa ibaba, lalo niya ring hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Napasinghap ako sabay gulo sa kanyang buhok pero hindi pa rin siya lumilingon sakin kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa dahil nag-aalala siya sakin, akala ko ay doon lang siya kay Lekxus nag-aalala.

"Hindi ako tatablan ng lason kapag hindi ako nasugatan" pilit kong pagaanin ang pakiramdam niya pero parang lalo pa siyang nanlumo dahil sa sinabi ko, ibinaba ko ang kamay ko at saka mahigpit na hinawakan ang kanyang palad. "Pangako, mag-iingat ako" ngiti ko, saglit niya akong tinignan bago tumingin sa harapan. "Ako mismo ang sasakal sayo kapag hindi mo tinupad ang pangako mo" tumango-tango ako sa kanya sabay ngiti pero inirapan lang ako ng Pusa, kahit kailan ang hirap niya talaga minsan tinatanong ko ang sarili kong nag-papanggap lang ba si Pusa na babae, para kasing hindi siya babae ang hirap abutin pero mas gusto ko ang tulad niya.

Nag-bubukod tangi sa lahat.

"Hindi ka ba nahiya nung pumunta ka sa entablado para magpakilala?" Kuryuso kong tanong, kanina kasi ay bakas na bakas sa mukha niya na nahihiya siya sa mga hurado siguro ay dahil siya lang ang babae saming lahat. Nilingon niya ako sabay ngumisi ng nakakaloko, napangiwi na lang ako dahil nag-sisimula na naman ang loko-loko niyang ugali.

"Sa ganda kong to mahihiya ako? At isa pa ako lang ang magandang dilag sa inyo kaya syempre sa akin ang tingin nilang lahat" napapikit na lang ako dahil sa umiiral na naman ang kayabangan niya, parang dinaig niya pa ang pagkayabangan ko. "Tsh, marami rin kayang babae ang nagsisigawan sa pangalan ko" buwelta ko rin at siya na naman ngayon ang napangiwi, ganito talaga kami palagi, nag-aaway ewan ko ba kung normal pa ba kaming dalawa.

"Mas maraming lalaki ang naghihiyawan sakin no" agad na sumalubong ang kilay ko sa sinabi niya pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay at saka ako inunahan, napapadyak na lang ako sa inis at mabilis siyang sinundan. Hindi talaga ako manalo-nalo sa kanya!

"Tignan mo nga naman, nagkasalubong pa talaga tayo" bigla kaming napahinto nang lumitaw sa harapan namin sina Zeus at Abigail na ngayon ay loko-lokong ngumisi samin. Kapag ginalit talaga ako nito siguradong tapos na ang laban. Biglang napameywang si Pusa at mataray silang pinagtitinginan na animo'y nangliliit yung Pusa.

"Sino kayo?" Bigla akong natawa dahil sa pagmaang-maangan niya, ito yung pinakagusto ko sa kanya, yung pagiging magaling sa pangasar at pang-away ng iba maliban nalang kung ako yung kaharap niya. "Ganyan na ba talaga kayong mga kabilang sa sampu? Dahil sa kayamanan niyo at kapangyarihan niyo ay hindi niyo na pinapansin ang katulad namin na mga hindi kilalang tao?" Sarkastiko niyang sagot na patanong samin, naiintindihan ko kung bakit ganito na lamang sila ka desperado para lang manalo, dahil iyon sa galit nila sa amin, gusto nilang patunayan na maaring maging malakas ang iba kaysa sa mga kabilang sa sampu pero may mga bagay  silang hindi nalalaman tungkol samin.

"Ok" tipid na sagot ni Pusa at walang sabing tinalikuran sila na animo'y para silang isang hangin, biglang namula ang pagmumukha ng dalawa dahil sa galit. Aktong susugurin na sana nila si Pusa pero agad akong humarang sa harapan nila. "Mamaya na tayo maglaro" tipid akong tumingin sa kanila at agad na sumunod kay Pusa, narinig ko ang pagmumura at pagpapadyak nila sa inis pero wala naman din silang magagawa kundi ang maghintay.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now