chapter 25

628 47 0
                                    

Klara pov:


Kakaalis lang ni Alina at Karex sa silid ko. Dinalhan nila ako ng pananghalian at binantayan na rin nila ako buong tanghali na pinagpapasalamat ko.

Napatingin ako sa bintana.

Bakit hindi dumating si Radik? At nasaan si Kramiya? Hindi kaya magkasama sila?


Kumirot ang puso ko dahil sa sariling naiisip. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na gawin ang kabastusan na yun kay Radik.


Sana hindi siya galit sakin.


Ang sabi sakin ng manggagamot kanina na ang dahilan ng pagkawala ko ng malay kanina ay dahil sa sobrang puyat. Sinabi niya din na mabilis naging mahina ang puso ko dahil sa pagiiyak ko ng tahimik.


Hindi ko lang talaga kaya ang ginagawa ng aking pamilya. Hindi ko kaya gawin ang kahilingan nila.


Tumulo na naman ang luha ko dahil sa inasal ko kanina kila Ina at Ama. Nasampal ako ni Ama at si Ina naman ay inatake sa puso. Mahina ang puso ng aking Ina at namanahan ko naman din yun. At mas lumala ang sakin nang dahil sa pagiiyak ko at pagpipighati ng tahimik.


"Sana malakas rin ako katulad ni Alina" wala sa sarili kong naisambit.


Dati ko na talaga kilala si Alina. Noong una ko siyang nakita ay yung nagaaway sila ni Karex. Aksidenteng nasuntok ni Alina si Karex sa mga araw na yun. Hindi pa sila magkakilala noon at pinagkamalan ni Karex si Alina na nasasaniban at doon na nagsimula ang istorya nila.


Nasaktan ako doon. Nasaktan ako dahil unti-unti nang nahuhulog si Karex sa kanya. Pero si Radik una ko siyang nakilala noong tinulungan niya ako at nahulog naman din agad ang loob ko sa kanya dun.


"FLASHBACK"


Nagmamadali akong tumakbo dahil huling huli na ako sa klase. Hindi ko na masyadong pinapanood ang dinaraanan ko kasi wala ng ibang nasa isip ko kung hindi ang mahuli.


*Blaaagg!*


Napatumba ako sa lakas ng pagkabangga ko ewan ko kung sino ang nabangga ko. Dahan dahan akong tumingala sa kung sino man ang nadaanan ko at laking gulat ko nang si Jerya ang nakabangga ko. Kilala si Jerya sa buong palapag ng Baitang labing anim dahil sa masama niyang ugali.

Umupo ako ng maayos at nagbigay pugay sa kanya.

"Patawad Jerya hindi ko sinasadya" paumanhin ko.

Nang aktong papatayo na ako ay tinulak niya ako sa dibdib at sumobsob ang likod ko sa matigas na sahig. Napadaing ako sa sobrang sakit ng likod ko. "Sino ka!? Wala kang modo!" sigaw niya sakin at pinaglakihan ng mata. "Hi-hindi ko si-sinasadya" pilit na salitang sabi ko.."Wala akong pakialam! Binagga moko kaya pagsisihan moto!" sigaw niya pa sa mukha ko.

Dinampot niya ang buhok ko at hinila ito upang patayuin ako. Napasigaw na naman ako sa sakit. "Ano! Masakit ba? Sa susunod na banggain moko hindi lang ito ang madadatnan mo" bulong niya sa tenga ko habang malakas na hinihila ang buhok ko. "Itigil mo yan Jerya!" narinig kong sigaw sa harapan ko. "Ra-Radik?" nanginginig na sambit ni Jerya

Radik?


"Bitiwan mo siya kung ayaw mong ikaw ang hilain ko ng buhok!" Sigaw niya. Agad naman akong binitawan ni Jerya. Nanghina ang tuhod ko kaya hindi ako nakatayo pero nasalo naman ako ng lalaking tumulong sakin. Napatingin ako sa kanyang mukha. Matangos ang ilong niya, maputi siya at pula ang mga labi at puno naman ng kabutihan ang mga makikinang niyang mata.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now