chapter 76

207 23 4
                                    

Karex pov:

"Salamat, ama" tumungo ako ng kaunti kay ama upang magbigay galang bago siya talikuran. Papunta na kami ngayon sa Harden ng mga diwata para sa kasal nila Radik at Klara, hindi ako sasabay kila ama sa pag-punta doon dahil kila Pusa ang diretso ko. Hindi ko na siya pwedeng iwanan lalo na't alam na niya ang katotohanan. Pasakay na ako ng karwahe nang biglang dumating si ina at may dala-dala itong isang maliit na kahon na may kulay pula na disenyo sa itaas at puti naman sa bawat giliran nito.

"Nakalimutan mo" napangiti ako at kinuha mula sa palad ni ina ang kahon na kahapon ko pa dinala-dala. "Salamat ina" ngiti ko. Napansin ko ang kakaibang tingin ni ina sakin kaya napahalukipkip ako at umiwas ng tingin na siyang ikinatawa niya sabay katok sa noo ko. "Ang sarap parang pagtignan ang ngiti mo anak, minsan lang kitang makita na ngumingiti noon dahil ang suplado mo" saad niya sabay hila sa pisnge ko at ginulo ang buhok ko kaya nagreklamo ako sa kanya dahil kakaayos ko lang sa buhok ko kanina.

"Pero ngayon ay palagi ka ng nakangiti ng matamis" dugtong niya sa isang mahinhin na tono, napatingin ako sa mga mata ni ina na punong-puno ng ligaya. Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit, bukas na rin maigaganap ang kasal namin ni Pusa, bukas na kung saan matatali kaming dalawa na matagal ko ng hinahangad at pinangarap. "Nakakapanibago talaga pero masayang-masaya ako dahil nahanap mo na ang babaeng magiging Reyna mo ang akala ko talaga ay tatanda ka ng walang asawa" parang naiiyak na salita ni ina at hinagod-hagod ang likuran ko, napakamot ako ng ulo dahil sa huling sinabi niya.

Hindi kasi ako kailan man lumapit sa mga babae o kumausap man sa kanila dahil kapag may lumalapit sakin ay tinataboy ko o hindi ko pinapansin minsan nga ay may pinatalsik ako na babae sa Resolim dahil panay ang pag-aligid ng aligid nito sakin pero parang abot na sa isang daan na ang mga kababaihan na pinatalsik ko sa Resolim kasi masyado silang malandi kaya simula nun ay wala ng pahangas ang lumapit sakin maliban kay Pusa, nung una ay hinding-hindi ko siya gusto balak ko nga sana siyang patalsikin sa Resolim noon pero nabigo ako dahil anak pala siya ng isa sa makapangyarihang Hari sa Poliba pero hindi ko inaasahan na unting-unti ko na pala gustong makita at makasama siya. Ang akala ko ay dahil lang sa gusto ko siyang makilala ng buo pero nagkamali ako dahil nahulog na ako sa kanya.

"Nawa'y maging maayos ang pagsasama niyong dalawa" natawa na lang ako kay ina dahil kung makapagsalita siya ay kaming dalawa ni Pusa ang ikakasal ngayon. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata na may ngiti sa labi. "Ina, bukas pa ang kasal namin" tawa ko at saka nagbigay pugay sa kanya bago umakyat sa karwahe, natawa doon si ina at nagpaalam sakin.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang buong paligid, maaliwalas ang panahon at ang sarap damdamin ang ihip ng hangin pero hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba.

"Bilisan mo" utos ko sa kutsero na siya ring sinunod nito kaagad. Isinandal ko ang ulo sa bintana ng karwahe at ipinikit ang mga mata, pinipilit kong kalimutan ang kaba na bigla-bigla ko na lang nararamdaman pero bigo ako kaya panay ako sa pag-iisip ng kung ano-ano hanggang sa marating namin ang kahariang Plasderia. Palubog na rin ang araw, gabi kasi ang seremonya sa kasal nila Radik at Klara dahil ang iba na malalayo sa Harden ng mga diwata ay umaga na naglalakbay papunta roon dahil sa sobrang layo ng Harden ng mga diwata at isa pa ay sa gabi lang kasi lumalabas ang mga diwata upang basbasan ang dalawang ikakasal.

Bumaba ako kaagad sa karwahe at sakto rin ay lumabas sila Pusa sa palasyo. Dumiretso ang paningin ko kay Pusa na nakasuot ngayon ng kulay kahel na toga, maganda at kumikinang ngayon ang kanyang kasuotan kasama ang kanyang korona sa ulo habang ang buhok naman niya ay nakatali, ang ganda niya ngayon. "Ama!" Napatingin ako kay Elena na nakasuot ng kulay berde na toga at kagaya kay Pusa ay kumikinang ito ng todo kasama ang kanyang korona, patakbo itong lumapit sakin at binuhat ko naman siya sabay halik sa kanyang pisnge.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now