chapter 67: Khilil

282 33 10
                                    

Author's note: pasensiya na talaga dahil natagalan ako sa pag-update, sisihin niyo ang bagyong Odette siya ang may kasalanan :) isang buwan kasing nawalan ng kuryente sa lugar namin then nawala pa yung internet connection kaya ending matagal ako naka-ud, thankyou for understanding!





Proxy pov:

"Ayos ka lang ba?" Tipid ko siyang nginitian at bumalik ulit ang tingin sa entablado, kasulukuyan ng nag-lalabanan si Lekxus at si Zeus. Mula rito sa kinauupuan namin ay kitang-kita namin kung paano mahirapan si Lekxus sa pag-hinga, kahit na walang sabihin siya ay alam ko na nilason siya ng kalaban niya, nung oras na dumaplis ang espada ni Zeus sa pisnge ni Lekxus ay doon na siya nabiktima. Kahit maliit na sugat lang ang natamo mo pero sa oras na mapasukan ng sugat mo ang lason na nasa espada ni Zeus ay sapat na iyon para mamatay ka.

Wala sa sariling napakuyom ako ng kamao, hindi sila patas kung lumaban. "Proxy" natauhan lamang ako ng biglang humawak si Raya sa kamay ko at isinandal ang ulo sa balikat ko at sa walang dahilan ay bigla na lamang akong kinabahan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, ang lakas ng kabog sa puso ko.

"Ayos kana ba?" Mas lalo pang lumakas ang kabog sa puso ko nang tinignan niya ako, ang lapit ng mukha niya sakin na halos mahingahan ko na ang hininga niya. Agad kong binawi ang kamay mula sa pagkahawak niya at umusog palayo sa kanya na pinangunutan ng noo niya. "A-ahh o-oo" napakagat na lamang ako sa ibabang bahagi ng labi dahil sa hindi maintindihan kung bakit ako nauutal, napano naba ako?

"Bakit ka lumalayo?" Napayuko na lamang ako at nagkabit-balikat, bigla niya akong inirapan at nagpa-kross ng dalawang braso. Sinubukan kong hindi siya pansinin at ituon ang pansin sa entablado pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, hindi na niya ko pinapansin, ni-hindi niya rin ako sinusulyapan.

Galit ba siya?

"Ra—" bigla akong napatayo at napatingin sa entablado dahil sa kumalabog ng sobrang lakas at laking gulat ko ng makita si Zeus na duguan at muntikan pang mahulog sa entablado, hindi ko alam kung anong nangyari pero nakakainis hindi ko nakita kung ano yung ginawa ni Lekxus. Isang malakas na hiyawan ang dumagundong sa buong centro, bakas sa mukha ni Zeus ang sobrang sakit at mula rito ay kitang-kita ang pamamaga ng mata niya.

"Ano pa nga ba ang inaasahan mo sa prinsepe ng kahariang Xlordik" rinig kong bulong ni Roi na nasa tabi ko, umupo ako ulit at kinalabit si Roi. "Anong nangyari?" Bigla niya akong pinangdilatan ng mata kung kaya't inihanda ko na ang kamao ko na siyang ikinangiti niya ng nakakaloko. "Sinugod siya ni Zeus pero naunahan siya ni Lekxus at malakas siyang sinuntok sa mukha kaya tumilapon si Zeu—" hindi niya naituloy ang pananalita nang makarinig na naman kami ng isang malakas na kulabog at sa pagkakataong ito ay si Lekxus na naman ang muntikang mahulog sa entablado.

Nilapitan siya ni Zeus at akala ko talaga ay sisipain niya si Lekxus para mahulog pero hinila niya lang si Lekxus pabalik sa gitna ng entablado, pareho kami ni Roi na napatayo dahil sa hindi inaasahan kahit ang mga hurado at naguguluhan na rin sa nangyayari.

"Anong balak niya?"

"Delikado si Lekxus" nakita ko pa kung paano sumalubong ang kilay ni Roi at kung papaano niya ikinuyom ang kamao, malapit sa isa't-isa si Roi kay Lekxus kahit pa nag-kakaasaran ang dalawa at saka malaki rin ang tanaw na utang na loob ko sa kanya dahil sa pagsagip niya samin ni Roi kaya naiinis rin ako, gusto kong tumalon ngayon sa entablado at patayin sa bugbog yang Zeus na yan!

Napahawak kami sa hawakan na nasa harapan namin dahil sa ilang beses na pinagsisipa ni Zeus si Lekxus at hindi lang yun hinawakan niya pa ang buhok nito sabay itinaas sa ere at saka tinuhod at siniko, napahiyaw si Lekxus dahil sa sakit at pagkatapos niyon ay malakas niyang tinapon si Lekxus pero hinila niya ulit si Lekxus at ibinalik sa gitna ng entablado nang malapit na siyang mahulog. Napahawak ako ng mahigpit sa sobrang galit, wala siyang plano na talunin si Lekxus ang gusto niya lang ay paglaruan ito!

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant