Chapter 30

660 50 1
                                    

Alina pov

"Alina, maghanda kana" sambit sakin ni Ama. Kasulukuyan kaming naglalakbay papunta sa Kaharian ng kung sino man. Hindi kasi sinasabi ni Ama sa kung saan kami pupunta. Magkasama kaming lahat. Pinagitnaan ako nina Kuya at Ate sa karwahe habang kaharap namin si Ama at Ina.

"Ama, saan po ba tayo pupunta?" nababagot kong tanong. "Malalaman mo rin Anak ko." nakangiting sagot sakin ni Ama.

Hindi ko alam pero parang iba ang pakiramdam ko dito.

"Ama, malayo po ba?" tanong ko pa ulit.  "Oo, Anak at doon tayo matutulog ngayong gabi" sagot sakin ni Ina na ikinatagilid ng ulo ko. "Eh paano po yung Kaharian natin?" tanong ni kuya at inayos ang ulo kong nakatagilid. "Huwag kang mag-alala ang mga Ausejo na ang bahala doon" sagot naman ni Ama at ngumiti sa'kin kaya nakaramdam ako ng kaunti kaba.

"Mukhang mahalaga ang paparoroonan natin Ama ah" sambit ni ate at napaisip naman ako sa sinabi niya.

Sino naman din kaya yun? Sa pagkakaalala ko kami ang pinakamataas na kaharian dito so kami ang pinakamahalaga, wait hindi kaya?

"Ama, importante po ba ang pakay natin doon?" Seryoso kong tanong sa kanya, nagaalinlangan pa siya sa una kung sasagutin ba ang katanungan ko pero sa huli ay napabuntong hininga siya at sumagot.

"Oo anak"

Natahimik kaming lahat at napatingin na lang sa mga lugar na nadadaanan namin. Hindi ko naman iyon matanaw ng maayos kasi madilim na ang buong paligid. Naalala ko tuloy si Kramiya, buong araw ko siyang hindi nakita. Buong araw ko naman din nakasama ang Asong yun, bigla akong napasimangot.

Nakakainis bakit ba nagbago ang gong-gong na yun?

Naisandal ko ang ulo sa balikat ni kuya dahil sa sobrang pagod sa pagsasanay namin kanina na parang wala ng katapusan. "Oh, kamusta nga pala ang ensayo mo Alina?" tanong sa'kin ni kuya at napatingin naman silang lahat sa'kin.

Napabuntong hininga ako.

"Nakakapagod, malakas pala yung Asong yun" sagot ko at napairap ng lihim. Inakbayan naman din ako ni kuya na may malaking ngisi sa bibig tuloy bigla akong nairita. "Ay! oo, nga pala magkasama pala kayong buong araw ni Prinsepe Karex Lim Saleneon" napapikit ako ng mata dahil sa dila ni ate na dinaig pa ang isang kulisap dahil sa kadaldalan habang sila ama't ina naman ay napalaki ng mata at ngumiti na halos umabot na sa tainga.

"Ano ang naganap sa inyo anak?" tanong ni Ama. Napaayos ako ng upo at sinimangutan silang lahat. "Anong ganap samin? Edi away" sagot ko at napahalukipkip pero tinawanan lang naman ako ng apat kaya napanguso ako sa inis.

Pinagloloko ba ako ng sarili kong pamilya?

"Alam mo, nakakatawa kayong pag-tingnan ni Karex" panunukso sakin ni kuya na ikinainis ko lalo. "Anong nakakatawa? Ang sabihin mo nakakairita!" inis kong sagot at inirapan sila bahala na kung nanonood sa'kin sila ama pero naiirita na talaga ako!

Bakit kasi kailangan pa naming pagusapan ang bagay na may kinalaman sa Asong yun?

"Bakit ano bang ginawa niya at naiirita ka ng ganyan?" panunuksong tanong sakin ni ate at inis akong lumingon sa kanya. "Marami at hindi ako natutuwa doon!" pikon ko.

"Ano naman din ang ginagawa niya sayo?" Si ina na nakikisali na rin sa panunukso nila ate at inis rin akong bumaling sa kanya. "Basta ayoko nang balikan iyon" napairap ulit ako, feeling ko nga ay naduling na ang mata ko dahil sa pag-iirap. "Haha! Ang bilis palang kumilos ng Batang iyon haha" halos magsilabasan ang ugat sa noo ko nang si ama naman ang nanunukso sakin na sinabayan ng tawa nila ina.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora