chapter 75

261 23 0
                                    

Alina pov:

Lumipas ang iilang araw na ganon ang nangyayari, sa tuwing nasa Resolim ako ay si Lekxus ang palagi kong kasama at pag-uwi ko naman ay nasa kaharian si Aso minsan ay kalahating gabi o madaling araw siyang pumupunta sa kaharian habang ako naman ay naghihintay sa balkonahe sa pagdating niya. Bakas na bakas sa mukha ni Aso ang matindeng pagod at puyat, namamayat na rin siya at nagkakaroon na ng eye bags kaya hindi ko na mapigilan ang mag-alala ng sobra at heto oa pati na rin sila Ama ay may pinoproblema na halata sa kanilang kilos pero kapag nasa harapan nila ako ay ngiti lamang ang binibigay nila sakin.

May tinatago sila kaya mabilis kong pinaghandaan ang plano ko na alamin ang lahat at alam kong ang lahat ng kasagutan sa katanungan ko ay nasa silid-pulungan lang, pinagbabawal kasi ako ni Ama na magtungo doon kaya alam ko na nandoon ang mga kasagutan.

Kalahating gabi na ngayon at heto na ang multong pusa nagpagala-gala sa buong sulok ng palasyo, tulog na ang lahat pati na rin ang mga kawal ay nakatulog dahil sa nilagyan ko ng pampatulog ang buong pagkain dito sa palasyo at syempre sa tulong din ni Yna na walang alamag sa pinag-gagawa ko.

Una akong nagtungo sa silid-pulungan kung saan palagi nag-pupulong si Ama at ang mga Ausejo sa kaharian, naalala ko pa yung pumuslit ako sa silid-pulungan para mahanap ang kasagutan sa mga katanungan ko pero nabigo ako doon pagkatapos may magnanakaw na pumasok doon at may kinuha na kung ano man iyon, hindi ko alam kung para saan iyon ang ipinagtataka ko nga lang ay bakit yun lang ang ninakaw niya kung magnanakaw yun ay dapat lahat ay ninakaw niya di'ba?

Binuksan ko ang malaking pinto sa silid-pulungan nakuha ko ang susi'ng ito sa silid nila Ama at Ina. Madilim ang loob ng silid-pulungan, ipinapatay kasi ni Ama ang ilaw dito sa walang dahilan. Binuksan ko ang ilaw sa buong silid at tumambad sa harapan ko ang tumbok-tumbok na nga papel at libro na nagkalat sa buong paligid, napakarami ring mga balumbon ang nagkalat.

Una kong pinakealaman ang mga balumbon, kung ano-ano ang nabasa ko doon at hanggang sa mabasa ko roon ang pagpa-plano ng mga Ausejo sa buong Poliba na ipatigil ang kasal namin ni Aso tila nayanig ang buong mundo ko sa natuklasan ko ngayon ay alam ko na kung bakit kailangan ni Aso na hindi pumasok sa Resolim at ngayon din ay alam ko na kung bakit ganon na lamang ang galit niya sa matandang-Ausejo na yun. Bigla akong napakuyom ng kamao sa matindeng galit, anong karapatan nila na ipatigil ang kasal namin ni Aso?!

Hindi ako makakapayag!

Itinabi ko ang balumbon na yun sa gilid kung saan ko pinagtatabi ang mga nabasa na may sama ng loob, tutulungan ko si Aso sa mga Ausejo na yun bukas pero bukas din ay mag-hahanda na ang kahariang Solamen at Kratiña dahil sa susunod na araw na ang kasal nina Radik at Klara, madalas ko na lang din makasama si Klara at pati na rin si Kramiya sa Resolim kaya si Lekxus na lang ang palagi kong kasama, palaisipan din sakin si Lekxus dahil habang tumatagal na mag-kasama kami ay nag-iiba ang kilos at tingin niya sakin, yung tingin na kapareho kay Aso.

Marami ng mga balumbon ang naibasa ko at ang madalas na loob niyon ay ang plano ni Ama sa kaharian at sa kung ano-ano pa. Naagaw pansin ko ang isang ginintuang balumbon, magkapareho ito sa balumbon na nasa bulsa ni Aso noong huli niyang punta sa Resolim. Dinampot ko iyon at pinagmasdan ng maige, may nakasulat doon na Poliba kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at binasa iyon. Tulala ako matapos kong basahin ang nakasulat, ng galing sa Ausejo ng Poliba ang balumbon na iyon at ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin. Napag-alaman ko na natapos na ang hidwaan nina Aso sa Ausejo ng Poliba at matutuloy na ang kasal pero ngayon ay nais ng mga Ausejo na magtungo kaming lahat sa hukuman ng Poliba at ipaharap ako sa buong madla na ako ang itinakda.

Ako ang itinakda na magpapakawala sa mga anak ng dilim.

Isa sa matibay nilang ebidensya ay ang markang araw na nasa likuran ko na bata ko pa dinadala.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now