chapter 16

822 59 1
                                    

Alina pov:


Ano ba ang iniisip ng lalaking asong to!

Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit naging lokoloko ngayon ang Asong to? Kasulukuyan ng umalis si Kramiya at Klara ngayon para magsulat ng Liham at sumunod naman din si Radik sa kanila dahilan para maiwan kami ni Aso dito sa silid ko ng mag-isa!

Ang sabi ni Aso dito na rin daw sila sa mismo kong silid matutulog kaya naman sinabihan ko na rin sila Kramiya na ipagsabi kay Mesia na magdala ng higaan rito. Nakaupo lang si Aso ngayon malapit sa bintana sa kung saan man nakaupo sila Radik at Klara kanina habang malalim ang iniisip.

"Hoi aso!" tawag ko pa sa kanya at gulat naman ding lumingon siya sakin.

"Sabihin mo nga *hatchu* sakin bakit dito kayo matutulog?"

"Kanina ka pa tanong ng tanong diyan nakakairita kana!" inis na sagot niya pa at ibinaling muli ang tingin sa labas.

Ako pa talaga ang naging nakakairita?!

"Loko loko ka rin talaga no *hatchi*sino naman ang hindi magtatanong ha! *hatchi* Bigla bigla kayong dumalaw dito tapos *hatching* bigla bigla rin kayong matutulog dito tapos ikaw pa na si *hatchi* The Great Aso ang *hatching*matutulog sa silid ni Pusa ha!" inis na sigaw ko pa sa kanya.

"Ang ingay mo manahimik ka nalang pusang pala-hatching" sagot niya pa na hindi man lang lumilingon sakin.

"Aahh!! *hatchi*Bwesit ka sa buhay ko!"

"Magpasalamat ka na lang at dinalaw pa ka namin kahit na kailangan ko pang mag-ensayo para sa darating na paligsahan" sambit niya pa na nakapagtigil sakin.

Oo , nga pala may paligsahan na magaganap sa susunod na tatlong buwan.

"Saan ba gaganapin *hatchi*ang paligsahan?" tanong ko pa na ikinalingon niya sakin ulit.

"Sa Khilil" sagot niya pa.

Khilil saan yun?

"Asan yan?"

"Tsh! ang ignorante mo" sagot niya pa.

"Pwede ba *hatchi* sagotin mo na lang ako!" Inis na sigaw ko sa kanya. Malay ko ba sa Khilil na yan, e paaralan lang naman ang napupuntahan ko!

"Ang Khilil ay nasa kalagitnaan ng kalangitan at diyan lahat ginaganap ang mga paligsahan sa buong Poliba" sagot niya pa.

Oo nga pala Poliba ang tawag dito sa continent nato na may higit 1000+ na kaharian at ang kaharian nila Aso ang nangunguna sa buong Poliba bilang pinakamayaman pumapangawala naman ang kaharian namin, but what the hell Khilil nasa center ng sky?

"Ano bang *hatchi*kalagitnaan ng kalangitan ang *hatching* pinagsasabi mo!?" tanong ko pa sa kanya.

"Hay nako Pusang ka, alam mo ba ang tungkol sa lumilipad na isla? Ang Khilil ay ang pinakamalaking isla na lumilipad sa kalangitan at gumigitna ito sa buong kalupaan ng Poliba kaya naman doon nalang napagdesisyunan ng mga Ausejo na ganapin ang lahat ng paligsahan dito sa Poliba" paliwanag niya pa.

Teka hindi ko yan alam ah!

"Ba't hindi ko yan alam?" tanong ko pa sa kanya ulit, napapikit naman ng mata yung Aso.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now