chapter 72

291 29 2
                                    

Alina pov:

"Alina!" Napahinto at napatingin ako sa likuran ng marinig ang pangalan ko, nakangiti siya ngayon na tumatakbo palapit sakin. Hindi ako nagsalita bagkos ay tinignan lang siya na palapit sakin. "Uuwi kana?" Ngiti niya bigla naman akong kinutuban sa kilos niya. Tumango at tipid lang akong ngumiti sa kanya at saka nagpatuloy sa paglalakad pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang hawakan niya ang braso ko dahilan para matigil ako sa paglalakad at masamang tinitigan ang kamay niya.

"Bitawan mo siya" pareho kaming natigilan dahil sa mabigat na awra ang nasa likuran ko ngayon kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nanlilisik na ang mga mata niya samin, gulat ako na napatingin sa braso ko na kanina ay hawak-hawak ni Lekxus ngayon ay hawak na ni Aso at marahang ibinaba ang kamay upang mahawakan ang palad ko.

Salubong ang kilay niyang nakatingin ng diretso kay Lekxus habang si Lekxus naman ay walang emosyong tumingin rin sa kanila, kung mabigat ang tensiyon nila kanina pwes mas mabigat ngayon. "Tara na baka hinihintay na tayo ni Elena" hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at agad siyang hinila palabas ng Resolim, nung una ay gusto niyang kumawala mula sa pagkakahawak ko sa kanya pero kalaunan din ay hinayaan niya nalang ako hanggang sa marating namin ang karwahenan ng Resolim. Nadatnan pa namin si Radik na inaalalayan si Klara pasakay sa karwahe.

"Lumayo ka sa Lekxus na yun" gulat akong napatingin kay Aso ng bigla niya akong buhatin pasakay sa karwahe dahilan para mapatingin samin ang lahat, napahilamos na lamang ako sa mukha ng maisakay na niya ako sa karwahe ko, ang akala ko ay bababa na siya sa karwahe pero tinaasan ko siya ng isang kilay ng isinalampak niya ang sarili sa upuan na katabi ko lang. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi. "Sabay na tayo" nagkabit-balikat ako at saka bumuga ng hininga pero sa kaloob-looban ay gusto ko ng sumigaw at humalakhak na parang isang bruha.

"Aso, dati pa ba kayo mag-kaaway ni Lekxus?" Biglang kumunot ang noo niya dahil sa pag-banggit ko sa pangalan ni Lekxus, ngumiti na lang ako sa kanya at ipinungay ang mga mata kahit na mukha akong palaka kapag ginagawa iyon. Ilang beses niyang pinaikot ang mata habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko na nakapatong sa kanyang tuhod. "Ayaw kong marinig ang pangalan niya" pagsusungit niya at sinuntok ng malakas ang karwahe dahilan para magulat ang kutsero na muntikan na palang makatulog habang pinapalipad ang kabayo.

"Bakit nagagalit ka?" Isang matalim na tingin ang natanggap ko mula sa kanya at umirap ulit at ako naman ay naiirita na sa pag-iirap niya na parang isang babae, akala niya ba ay bagay siyang umirap? Mukha siyang bakla.

"Bakit naman kasi siya ang pinag-uusapan natin?" Iritadong tanong niya at saka tumingin sa labas, tumingin din ako sa bintana at sininghap ang sariwang hangin mula sa itaas. Napapangiti pa ako habang pinagmamasdan ang mga ulap na parang isang usok lamang at ang mga grupo ng mga ibong lumilipad pero gulat akong napalingon sa likuran nang biglang yakapin ako ni Aso, inilapit niya pa ang kanyang ilong sa batok ko dahilan para mapaangat ako ng balikat dahil sa parang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dulot niyon.

"Bata pa ako ay palagi akong sinusundan ni Lekxus at pinipilit akong maglaban kami sa isang paligsahan" napakurap-kurap na lamang ako dahil sa hindi inaasahang pagkwento niya, ayoko naman talagang pilitin siya tungkol sa kung ano sila ni Lekxus sadyang pinapatay lang ako ng pagka-kuryuso kung kaya't naitanong ko ang bagay na yun pero ayaw ko namang isipin niya na iniisip ko si Lekxus, ayokong gumawa ng mga bagay na ikakaselos niya.

Napapikit ako ng maramdaman ang malalim niyang paghinga sa batok ko at walang hiya naman din yung Aso na inaamoy pa ako na animo'y isang bampira. "Sa lahat ng bagay ay kinakalaban niya ako" natigilan ako sa sinabi niya at may kung ano ang pumasok sa isipan ko dahilan para kabahan ako. Mula sa balikat ko ay bumaba ang kanyang kamay sa beywang ko at lalo pa akong inilapit sa kanya.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now