chapter 54: Khilil

384 35 0
                                    

Alina pov:

Wala pa ring humpay ang pananabik na nararamdaman ko ngayon, kasulukuyan na kaming nakasakay sa karwahe patungo a Khilil. Kasama namin si pinunong-guro at si gurong Hermos sa karwahe habang nakasunod samin ang ibang mga kalahok sa iba't ibang baitang sa Resolim, bale limangpu ang bilang ng mga karwahe na papunta sa Khilil.

"Hoi, Pusa umupo ka nga" halatang iritadong utos sakin ni Aso, inirapan ko lang siya pero napaupo pa rin ako ng hatakin niya ang katawan ko at pinaupo sa tabi niya. "Psh! Nanonood lang, e" reklamo ko sabay pinakross ang dalawang braso, kahit kailan nakakairita talaga siya. Masyadong kj.

"Siguradong handang-handa kana prinsesa" nakangiting tinangoan ko lang si pinunong-guro, hindi ako nakaramdam ng kahit konting kaba. Itong araw nato ay lilibutin ko talaga ang buong Khilil!

"Siguradong magtataka ang lahat kung bakit may babae ang napasama" salita ni gurong Hermos na may halong panunukso, tinaasan ko lang sita ng tingin. Bahala sila sa kung ano man ang iisipin nila sakin basta gagawin ko ang gusto ko, wala akong pakialam sa kanila!

"Hoi, Pusa huwag na huwag kang makipagusapan sa kanila" rinig kong salita ni Aso na nasa bintana ang paningin, nakita ko pa ang pagtawa ng dalawang matanda na nasa harapan namin pero inirapan ko lang silang tatlo. Tumingin na lamang ako sa mga tanawin na tinatahak namin, sobrang ganda talaga ng buong lugar na dinadaan namin kahit na puro ulap lang ang nandito pero kahit na maganda pa rin.

Sa susunod na bukas pa ang paligsahan kaya naman may dalawang araw pa ako para gumala sa buong Khilil, basta isa lang iyong isla na nagpalipad-lipad sa ere kaya kayang-kaya kong lakarin buong isla na yun.

Napatingin ako sa araw nang sumagi sa mata ko ang liwanag niya at ang ipinagtataka ko ay hindi nananakit ang mata ko nang tutokan ko ito. Napahawak ako sa sentido nang sumakit ang ulo ko, ewan ko ba pero parang may naalala ako sa liwanag ng araw.

"Pusa, ayos ka lang ba?" Napabaling ako kay Aso sa tanong niya at napalaki ako ng mata nang bigla niya na lamang hinaplos-haplos ang noo ko parang nakahalata siya na nananakit ito.

"Hay naku, parang gusto ko nang lumabas ako yung lalanggamin dito, e" kumunot ang noo ko sa pamamaktol ni gurong Hermos. "Ho, ho kahit matanda na ako ay naiingit pa rin ako ho, ho" ngumiwi ako kay pinunong-guro, grabe talaga ang dalawang 'to bakit ba kasi dito pa sila nakasakay? Sana naman dun nalang sila sa ibang karwahe, kairita.

"Tsh, pwede kayong tumalon huwag kayong mag-alala walang sasalo sa inyo" napahalakhak ako ng malakas sa isinagot sa kanila ni Aso, wala na akong pakialam kung magmukha man akong bruha sa paningin nila dahil sa hitsura ko ngayon basta natatawa ako, lokong asong 'to. "Mapanakit talaga kahit kailan ang mga Saleneon" si Pinunong-guro na napatampal sa kanyang noo habang si gurong Hermos ay nakasimangot na animo'y inagawan.

"Tsh, sa tagal niyong namuhayan sa mundong 'to, wala kayong nahanap?" Pareho silang dalawa na natameme, tinahimik ko na lang ang bibig ko dahil baka totohanin nila ang sinabi ni Aso na tumalon sa karwahe.

Napahikab ako.

"Tsh, hindi ka ba natulog kagabi?" Umiling ako. Sino naman din ang makakatulog sa gabi, e buong araw akong natulog kahapon. "Halika" inilapit ni Aso ang katawan ko sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Pinabayaan ko naman din iyon dahil inaantok talaga ako, naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

Hindi ko na pinansin ang pagmamaktol ng dalawang matandang nasa harapan namin at ipinikit na lamang ang mata.

_____   ______

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now