chapter 81

243 26 1
                                    

Alina pov:

Pagkatapos naming kumain ng agahan ay agad na kaming nagpatuloy sa paglalakbay mukhang hindi naman umalis ang mga dilim sa kung saan man sila naroroon ngayon dahil kung saan kami dumaan kahapon ay yun lang din ang dinadaanan namin ngayon. Magkasabay kami ni Aso sa paglipad at nasa harapan namin sila Radik at Irama habang pinangungunahan naman kami ni Hawd. Malayo na ang nararating namin at hanggang ngayon ay palayo ng palayo pa kami.    

Matamlay akong pinapalipad ang kabayo.

Maganda ang mga lugar na dinadaanan namin at isa sa pinangarap ko ay ang makalabas sa palasyo at makapunta sa malalayong lugar. Natupad nga ang pinangarap ko pero sa maling sitwasyon at maling oras naman.

"Ayos ka lang ba?" Tipid kong nginitian si Aso at tumango ng dalawang beses kagaya ko ay matamlay rin ang kanyang mukha. Alam ko rin na buong gabi siya hindi natulog dahil pinagmamasdan niya lang ako siguro ay hindi siya makatulog kagabi. Pasimple akong tumingin kay Aso kahit pa na wala siyang tulog ay maaliwalas pa rin ang mukha niya hindi katulad ko na kapag walang tulog ay para ng mangkukulam ang mukha.

"Saang lupalok ba ng mundo dinala ng mga dilim sila Amaya?!" Reklamo ni Hawd at sumulyap samin. Hindi ako nakasagot at napatingin sa ibaba. Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung naging maingat lang ako sana ay hindi nangyari ito, kung naging malakas lang ako edi sana walang namatay at kung naging matalino ako sana ay hindi sila nakawala. Ang pagiging mabuti ko sa lahat ay maari rin palang maging kahinaan ko, dapat siguro ay maging mailap na ako.

Matuto rin ako.

"Aso may alam ka ba tungkol sa Hari ng mga dilim?" Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang kanilang Hari kung tuluyan na silang nakawala e bakit hindi ko nakita ang kanilang Hari? At isa pa ay malaking isipan sa akin kung bakit nila ako niligtas mula sa sariling banta din nila ano ba ang plano nila? May kailangan pa ba sila sakin? Expected ko kasi na wala na akong kwenta sa kanila sa oras na makawala na sila.

"Si Kuro" kumunot ang noo ko sa tono ng pananalita ni Aso. "Hindi mukhang halimaw si Kuro dahil kagaya natin ay tao ang katawan niya at kung ipagkokompara mo siya sa wangis nilang lahat ay siya ang pinakabatang tignan, maaring kasing-edad lang natin ang katawan niya pero ang totoo ay ilang libong dekada na siyang nabubuhay" inalala ko ang mga dilim pero wala akong nakita na taong inilalarawan ni Aso sakin at nakakasigurado naman ako na ang humarap samin ay ang sampung mata ng dilim dahil ang nasa likuran nila ay ang kani-kanilang hukbo na pinangungunahan.

Hindi kaya?

"Kung pagmamasdan mo siya ay para siyang hindi hari pero ang dragon na nakatatak sa leeg niya ay ang simbolo na siya ang hari ng mga dilim" naningkit na ang mga mata ko habang inaalala ang mga leeg nilang sampu pero wala akong maalala na may dragon na nakatatak sa kanilang mga leeg. "Aso, wala ang kanilang hari noong nakawala sila" tinignan ako ni Aso na para bang inaasahan na niya ang sinabi ko. Hindi na ako nagtataka kung hindi na siya nagulat sa sinabi ko dahil likas talaga siyang matalino at masuri rin siya sa isang bagay. Bagay na nais kong magkaroon.

"Hindi nakasama ang kanilang Hari dahil hindi pa lumilitaw ang ikalawang buwan na may dugo" taimtim kong pinakinggan ang sinabi niya at malalim na nag-isip. Suminghap pa siya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ikaw ang pinaka-kailangan nila para makawala ang kanilang Hari, Pusa" seryoso ang mga mata niya na tumingin sakin. Napahigpit ako sa paghahawak sa tali ng kabayo at saka bumaling sa araw na nagbubukang-liwayway. Maagang-maaga kasi kaming nagpatuloy sa paglalakad dahil maaring palayo ng palayo ang mga dilim samin at hindi namin sila mahabol pa ulit.

Ginintuang liwanag ang lumapat sa buong balat ko na mula sa araw na sumisilip sa malaking bundok. Sa oras na nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa buwan ay ang araw naman ang ginagamit ko upang tanggalin ang malamig at nakakalungkot na liwanag dulot ng buwan.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now