Chapter 63: Khilil

287 30 0
                                    

Alina pov:

"Kuya, gising kana" napayuko ako sa dibdib'an ni kuya, kahapon pa siya hindi nagigising tapos nalaman ko pa na kahapon sa tanghali wala pa siyang kain paniguradong sasakit ang tiyan niya nito. "Ina, kain kana po" tipid ko lang nginitian si Elena at saka tumango, nilingon ko pa kung saan banda natutulog si Aso na ngayon ay mahimbing natutulog, nakakapagtaka kung bakit kaya natagalan ang isang 'to sa pag-gising? Katabi niya si Jelly na ngayon ay nakadapo sa kanyang balikat.

"Gisingin mo Ama mo" ginulo ko ang buhok ni Elena sanhi para lumapad ang ngiti nito sa pisnge. Napakunot noo ako nang mamataan sa di-kalayuan si Lekxus, bukas kasi ang pinto kung kaya't kitang-kita ko siya na ngayon at naglalakad sa kung saan, naalala ko yung sinabi sakin ni Roi na siya daw ang tumulong sa kanila kaya dapat talaga akong magpasalamat sa kanya.

"Elena, may pupuntahan muna ako, babalik ako" hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Elena at sala hinabol si Lekxus, mabuti na lang pala at tulog pa yung lalaking yun, paniguradong hindi ako papayagan nun.

Napataas ako ng isang kilay nang panay sa pagsalita si Lekxus, lumingon-lingon pa ako sa paligid niya pero wala naman siyang kasama, may third eye ba ang lalaking to?

Palihim akong lumapit at nakinig sa mga pinagsasabi niya.

"Kainis! Bakit ba!?"

"Ano ba ang kulang? Kailangan ko na talagang humabol!"

"Karex!!" Anong problema nito? Nanatiling tahimik akong nakasunod sa Lekxus na puro sa pag-rereklamo, nag-away ba sila ni Aso?

Bigla akong natigilan nang huminto siya sa paglalakad, bumuntong hininga ako. "Hoi" natawa ako ng napalundag siya sa sobrang pagkagulat, namumula siya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Narinig mo ko?" Punong-puno ang pagmumukha niya ng hiya, kitang-kita ko pa kung paano nanginig ang tuhod niya dahilan para lalo pa akong matawa.

"Siya nga pala gusto ko lang magpasalamat sa pagliligtas mo sa kapatid ko" bahagya pa akong tumungo upang maipakita sa kanya ang taos-pusong pasasalamat ko, nagulat naman ako nang bigla siyang umatras na may namumulang mukha. Anong problema nito?

"W-walang anuman, s-siya nga pala k-kamusta na siya?" Pinagiliran ko siya ng ulo sa bigla-biglang pag-uutal niya pero hindi na ako nag-abalang magtanong pa at sinagot na lamang ang kanyang katanungan, tumango-tango siya sakin na may malalim na iniisip, pinagmasdan ko ang buong kabubuuan niya.

Kung ipagkokompara ko siya kay Aso ay aaminin kong lamang pa sa kanya si Aso kung sa anyo pero kung sa kanilang katawan ay aaminin kong mas malaki ang katawan niya kompara kay Aso, palagi ba tong nag-eensayo? At may kataasan rin ang kanyang buhok kompara kay Aso, mas maputi rin siya kaysa sa kanya pero mas makinis naman si Aso sa kanya.

Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya.

Bakit ko ba sila pinagkokompara?!

Umiling-iling ako.

"Ayos ka lang ba?" Wala sa sariling napaatras ako sa gulat at aksidenteng natisod sa sandayals na suot ko pero mabuti na lamang at agad niyang nahawakan ang beywang ko kaya naman hindi bumagsak ang katawan ko, tumingin ako sa kanya pero agad rin akong napaiwas, masyadong malapit ang mukha namin sa isa't-isa!

Kitang-kita ko sa giliran ng mga mata ko kung paano siya namula at tumingin sa ibang direksiyon, umayos na ako ng tayo at saka lumayo ng konti sa kanya. Saglit pa kaming nagkatinginan bago ko siya nginitian, nakakailang to.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now