chapter 3

2.3K 108 3
                                    

Rallie pov:



Kasalukuyan kaming nag-pupulong ng mga Ausejo sa silid-pulungan. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa nag-mamasid na nakaitim na lalaki kagabi.

"Hindi ako makapakali lalo't na maaring may kinalaman ang aking bunsong anak sa anak ng dilim na yan!" sigaw ko sa kanila.


"Alam po namin kamahalan lalo't na't sanggol pa sa Prinsesa Alina" sabi naman ni maestro Frieck


"Ngunit hindi rin tayo sigurado kung isa nga sila sa anak ng dilim" sambit naman ni maestro Tarrick.


"Base sa inumungkahi nina Prinsepe Proxy at Prinsesa Amaya tungkol sa nakaitim na lalaking iyan, walang kaduda sila na nga ang anak ng dilim" sambit rin ni pinunong maestro na si maestro Handrick


"Ngunit imposible iyon, isang libong taon na ang lumilipas nang maubos ang lahi nila!" sambit naman ni maestro Kolick


"maaring may nakaligtas sa huling digmaan" sambit naman ni maestro Harlick


"Hindi!, nagkakamali ka! Hindi naman namatay ang mga anak ng dilim na kulong lang sila sa pang-habangbuhay na kulangan at walang sinuman ang makakabukas roon!" sambit naman ni pinunong maestro Handrick


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay Handrick, tumayo naman ito at nag-bigay pugay sakin. Tinangoan ko naman din siya at tsaka siya nag-simulang mag-kwento.


"Noong nakaraang libong taon nag-digma ang mga tao laban sa anak ng kadiliman ngunit hindi sila kayang talunin ng mga tao kung kaya't na-planohan ng lahat ng kaharian dito sa buong Poliba na mag-kaisa, pinamumunuan naman din sila ng mga Saleneon at sumagawa silang lahat ng plano kung paano sila tatalunin. May biglang isang babae at lalaki ang lumapit sa mga Saleneon, walang nakakikilala sa kanilang dalawa. Nag-suhestiyon ang dalawa sa mga Saleneon sa kanilang naisip na plano at sumang-ayon naman din ang mga Saleneon doon. Napag-planohan nila na ikulong ang lahat ng anak ng dilim sa purgatoryo. Sa galit ng Hari ng dilim, aksidente nitong nasambit ang isang orasyon at dahil dun namatay ang Babae at ang lalaki pero hindi parin natapatan ng Hari ng dilim ang kapangyarihan ng dalawa, ibinuhos ng Hari ang lahat ng lakas niya upang mapatakas ang iba pa nilang kasamahan at hanggang ngayon ay hindi pa iyon natutukoy ng mga Ausejo sa buong Poliba" mahabang salaysay ni Handrick, nagulat naman din ako doon, hindi ko ito batid.


"Paano mo nalaman ang lahat ng mga ito?" tanong ko pa sa kanya.


"Nakasulat po ito sa libro na ipinapasa-pasa sa bawat henerasyon, ngunit tanging ang mga pinunong maestro ng lahat ng kaharian sa buong Poliba ang tanging nakabasa nito" mahinahong sagot niya sa akin.


"Aabihin mo paano ba sila makakatakas? Maari ba ang ganon?" Kuryusong tanong ko, napalunok naman din siya doon.


"Nag-bigay ng orakulo ang libro na may isisilang na isang sanggol sa hinaharap na siyang magiging susi upang mabuksan ang purgatoryo" sambit niya pa, nanlaki naman ang mata ko doon.


Hindi kaya?


"Ayun sa orakulo ng libro, maaring sa henerasyon na ngayon ipapanganak ang sanggol na tinutukoy sa libro" dagdag niya pa.


I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now