chapter 14

982 54 0
                                    

Karex pov:


Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumapat sa mukha ko.


Nakatulog pala ako?


Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo pero bumungad sakin ang mga taong mahimbing na natutulog.


"Ang tagal naman nilang magising"


Nakaupo at nakaangat ang mukha ni Hawd na natulog habang si Amaya ay nakatalikod kay Alina.

Magigising ba siya ngayon?

Nilapitan ko si Alina at wala sa sarili na hinawakan ang noo niya.


(๏_๏)

Mabilis kong binawi ang kamay ko na nasa noo niya.


Ano bang iniisip mo Karex! Pero wala lang naman yun sakin ah!


Tinitignan ko lang naman siya kung mainit ba siya o hindi, walang ibig sabihin dun sa ginawa ko!


Wala na naman sa sarili akong napatitig ng matagal sa kanya, agad akong napasampal sa sarili nang mapagtanto ang ginagawa ko.

Ano bang nangyayari sayo Karex!


Sa irita ay bumalik na lamang ako sa upuan at naupo. Ewan ko ba kung napano ako ngayong araw siguro ay dahil sa walang ayos na tulog. Dahil sa kakatitig ng matagal kay Pusa ay biglang sumagi sa isipan ko yung dalawang lalaking naka-itim kahapon.


Sino kaya ang mga yun? At anong nilalang sila? Pero ano naman kaya ang kailangan nila sa Pusang yan? kung tutuusin sino naman din ang hindi gustong ihawin ang pusang yan.


Napatayo ako ng biglang imulat ni Pusa ang mga mata niya na siya ring ikinangiti ko. Mabuti naman at nagising na siya.


Napaangat ako ng balikat nang magsalubong ang mga tingin namin.


"Ahh! Repis!!" biglang sigaw niya na ikinadahilan upang magising sila Hawd at Amaya.

Walang hiya to ah! Kakagising palang nangiinis na! At anong repis eh kung baliin ko kaya ang paa ng pusang to!?

"Alina?!" biglang tawag ni Amaya at agad na niyakap ito.

"Mabuti naman at na nagising kana Alina"

Bakas sa mukha ni Pusa ang labis na pagka-gulat sa ikinilos ni Amaya bahagya pang tumagilid ang ulo nito nang bumitaw si Amaya mula sa pagkakayakap sa kanya.

Abnormal talaga!

"Anong ibig mong sabihin Ate?" takang tanong ni Pusa sa kanya.

"Ahh wala kasi kahapon ka pa natutulog at ngayon ka lang nagising" palusot pa ni Amaya.

"Nasaan na nga pala tayo?"

Ulyanin na pala tong pusang to

"Nandito pa tayo sa Kaharian ng Hanazed, naabutan kasi tayo ng dilim kaya hindi na tayo nakauwi pa" sagot sa kanya ni Amaya.

Sinabi nga pala ni Proxy kagabi na huwag na ipaalam kay Pusa ang nangyari kagabi sapagkat isa raw iyon sa utos ng Ama nila.

"Talaga ba? Ang haba naman pala ng tulog ko"

Sana nga hindi ka na nagising eh bwesit ka!

"Alina ayos na ba ang paa mo?" biglang singgit ni Hawd  tinangoan naman din siya ni pusa.


I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now