chapter 86

241 28 0
                                    

Hawd pov:


"Saan natin sila ngayon hahanapin?" Tanong sakin ni Radik. Nagtatago kami ngayon sa isang kweba dahil hindi pa tuluyang gumagaling si Irama at nilalagnat pa siya. Hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sila Lekxus at Karex, nag-aalala ako para sa kanilang dalawa lalong-lalo na kila Amaya at Alina kasama ang mga kaibigan nila baka ano na ang ginawa ng mga dilim sa kanilang lahat.

Hinding-hindi ko sila mapapatawad kapag nasaktan ng kaunti si Amaya!

"Hintayin na lang natin na gumaling si Irama bago tayo sumunod kila Karex at Lekxus" sagot ko habang inaayos ang apoy sa loob ng kweba upang hindi ginawin si Irama wala pa naman kaming dalang kumot para sa kanya.

"Paano nalang kung nakatakas na pala sila?"

"Babalikan sana tayo nila Karex dito kapag nakatakas na nga sila pero hindi, kaya siguradong nandoon pa rin sila" hindi na siya sumagot at umupo sa tabi ni Irama na ngayon ay mahimbing na natutulog. Napatingin ako sa bukana ng kweba nang dumating si Dexter at nay dala-dala itong tubig na pinaskuha ko sa batis kanina.

"Heto" malumanay niyang inilapag ang tubig sa harapan ko at dali-dali ko naman iyong pinakuluan ng halamang gamot para sa karamdaman ni Irama, nalason si Irama at mukhang nakuha niya iyon sa kapangyarihang tubig ng Sireno sadyang nakakakilabot talaga ang kanilang kapangyarihan kaya dapat lang talaga na mag-ingat kamu ng todo sa kanila.

"Radik anong nangyari sa braso mo?" Napatingin ako kay Radik dahil sa tanong ni Dexter at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking pasa sa kanyang braso, wala pa naman ito kanina kaya paano siya nagkaroon niyan?

"Patingin" kaagad kong sinuri ang braso ni Radik. Ako ang gumamot kay Radik noong napurahan siya sa laban namin doon sa bruhang iyon at wala akong naalala na may problema sa bawat hibla ng dugo sa buong katawan niya kaya papaanong nagkaganito ang braso niya?

"Radik masakit ba?" Isang daplis lang ng hinlalaki ko sa kanyang braso nang bigla siyang napasigaw dahil sa sakit kaya nagulat kami pareho ni Dexter na pati rin si Irama ay nagising dahil sa ingay. Humingi ako ng paumanhin kay Radik at tinignan ulit ang kanyang braso, halos sakupin na ng pasa ang buong braso niya at nagiging kulay lila ito dahil sa matindeng pangingitim.

"Saan to galing?!" Kaagad kong kinuha ang napitas kong halamang gamot para sa mga pasa sa sako na dala ni Lekxus at pinakuluan iyon ng tubig kasama sa halamang gamot na para kay Irama. Hindi sumagot si Radik at nakatingin lang sa sahig kaya tinanong ko siya ulit pero umiling lang siya sakin.

"Hindi ko alam pero malakas ang aking kutob na ang kagagawan nito ay si Ferry" si Ferry? Siya ba yung mangkukulam na nakaharap namin nung nakaraan? Pero paano niya magagawa ito kay Radik na kasama naman namin palagi si Radik? Teka.

"Radik umamin ka nga, ano ang nangyari sayo?" Seryoso kong tanong sa kanila. Natahimik din sila Irama at Dexter nang makita akong seryoso habang si Radik naman ay nagaalinlangan. "Sumagot ka" maawtoridad kong utos. Napabuntong hininga siya ng malakas at tumingin sa mga mata ko ng seryoso. "Noong nakaraang laban natin sa mangkukulam ay...nagawa niyang kunin ang iilang hibla ng buhok ko" nanlaki ang mata naming tatlo dahil sa sinagot niya at nagkatinginan sa isa't-isa.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi samin?!" Sabay-sabay naming tanong kay Radik. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko marahil ay dahil sa takot at alam kung ganun din ang nararamdaman nilang dalawa para kay Radik. "N-natatakot ako" sagot niya at napapilipit dahil sa biglang paghawak niya sakanyang braso kaagad kong inalalayan siya upang makasandal sa pader ng kweba at lalo pang nilakasan ang apoy upang mabilis ring kumulo ang halamang gamot na pinakukulo ko.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now