chapter 87

237 24 3
                                    

Karex pov:

"Panginoon mukhang wala na po sila" Rinig kong saad ni Lander mula sa aking likuran. Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sa sapa upang magpahilamos sa mukha pero bigla akong napatingin sa isang talukbong na kulay itim na inaanod sa agos ng tubig papunta sa isang talon. Napatingin ako sa isang malaking talon at lumapit doon.

"Panginoon ano po ang susunpd nating hakbang?" Napalingon ulit ako kay Lander sa kanyang tanong saka tumingala sa kalangitan, malapit ng magtakip-silip at delikado na sa kagubatan kapag naabutan kami ng dilim. "Mauna na kayong bumalik sa kuta, magpapahangin muna ako dito" nagbigay-pugay silang lahat sakin at saka naglakad pabalik sa kuta.

Napaupo ako sa isang bato at pinagmasdan ang talukbong at wala sa sariling sinungkit ko iyon gamit ang aking espada. Pinagmasdan ko ang talukbong na sa aking palagay ay pagmamay-ari ng isang babaeng taong-bayan dahil sa disenyo at sa luma na ang talukbong na ito. Napabuntong hininga ako sabay piniga ang talukbong at isinabit sa isang sanga ng kahoy pero napatingin ako sa gilid ng kahoy na sinabitan ko ng talukbong nang may isang apoy na malapit nang mamatay, may mga buto rin ng isda at isang troso.

Napalapit ako doon at naupo sa troso kaharap ang apoy. Napansin ko rin ang tatlong patpat na nagkalat katabi lang ng mga buto ng isang isda. "Sino kaya ang gumawa nito?" Napatingin ako sa talukbong saka tumingin ulit sa apoy at inalala ang sinabi sakin ni Lander na may babae raw dito na inatake ng isang taong-kabayo kaya dali-dali kaming nagtungo dito upang tulungan siya, hindi ko ring maiwasan na si Pusa ang babaeng tinutukoy ni Lander.

E paano kung si Alina nga? Siya lang naman kasi ang kaisa-isang babae na alam kong hindi matatakot sa mga dilim. Ayon sa ulat ni Lander ay pinaalis raw siya ng babae at hinarap ang dilim kaya kahit na masakit ang binti ko ay pinilit ko pa ring pumunta dito.

"Alina" hindi ko alam kung bakit sa talon ako mismo tumingin. Tumayo ako at mabilis na pumunta sa talon, naghanap ako ng maaring madaan papunta sa ibaba ng talon at bumaba. Parang may nag-uudyok sakin na pumunta sa ibaba ng talon. Dahan-dahan lang ako sa pagbaba lalo na't may sugat ako sa binti pero bigla akong natisod sa isang kahoy kaya nagpagulong-gulong akong pababa. Napapikit pa ako ng mata dahil masakit na rin pati ang likuran ko at lalong-lalo na sa binti at braso ko at kahit na masakit ay pinilit ko pa ring tumayo at paika-ika kung maglakad.

Dahil sa paggulong-gulong ko ay malayo ang nirating ko kaya malayo rin ang nilakad ko palapit doon sa talon. Nang makarating ako doon ay wala na akong inabutan maliban sa isang tela na napunit, sa aking palagay ay may nahulog sa talon at dahil sa pagmamadali niya ay napunit ang kanyang kasuotan sa isang matulis na kahoy. May mga maliliit na sanga sa lupa ang naputol-putol senyas na may taong tumapak sa kanila, sinundan tingin ko ang isang daanan papunta sa itaas ng talon. Sa kabila kasi ako bumaba kaya hindi ko namalayan na may tao rin ang umakyat paitaas.

"Sana ikaw yan" kumuha ako ng isang sungkod at aktong aakyat na rin sana ako paitaas nang may biglang umatake sa likuran ko na isang anyong tubig kaya kaagad akong umiwas bahagya pa akong napatili dahil sa napalakas ko ang pagtapak sa binti ko kung saan naroroon ang sugat ko. Hinanap ko ng tingin ang umatake sakin at bumungad sa paningin ko ang Sireno na nakangiti sakin habang pinaglalaruan ang iilang hibla ng tubig sa kanyang palad.

"Naging mabilis yata ang pagtanda mo? Hmm ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga tao" ngumisi siya ng nakakaloko sakin kaya napakuyom ako ng kamao sa inis. Ikinumpas niya ang kanyang isang hinlalaki at doon ay biglang umangat ang tubig at naging anyong kabayo na ngayon ay inupuan niya, napansin ko ang paghina ng kapangyarihan niya dahil maliit lamang ang naging sira ng kanyang pagatake hindi katulad noong huling kaharap namin siya. Mahina rin iyon pero parang mas lalong humina pa ngayon.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now