chapter 13

917 58 0
                                    

Proxy pov:

*Clank *Clonk *Clank *Clonk

Mga kalatong ng espada namin ni Roi, kasalukuyan kaming nag-eensayo habang si Hawd naman ay nakaupo lang. Wala naman kasi siya kaparehas, e.

"Bilisan mo at talonin mo na yang si Roi, Proxy!" sigaw pa sakin ni Hawd, kumunot naman ang noo ni Roi.

"Manahimik ka nga diyan Hawd!" inis na sigaw niya pa.

Tsk! ba't ba uso ang asaran ngayon?

Malakas si Roi, kung tutuusin siya ang pumapawala sakin sa buong baitang ng dalawangpu't isa

Seryoso siyang nakikipag-salubong ng espada sakin kaya naman nagseryoso na rin ako. Nang pahiga niya akong inatake ng espada, yumuko ako sabay mabilis siyang tinuhod sa sikmura at sinipa ng malakas ang kamay niya upang lumipad ang espada niya. Nang nasa lupa na siya ay agad ko namang itinutok ang espada ko sa kanya.

*Pak *Pak *Pak

Pumalakpak naman si Hawd habang naglalakad palapit samin, inalis ko naman din ang pagkatutok ko kay Roi sabay inalalayan siyang tumayo.

"Ang hirap mo talagang talonin Prox" masayang salita niya pa.

"Palagi kasi akong nag-eensayo ehh" pagmamalaki ko pa sa kanya.

"Hay sa wakas at makakapagensayo na rin ako, magpahinga ka muna Proxy kami na muna ni Roi ang maglalaban" tugon pa ni Hawd samin.

Hahakbang na sana ako papunta sa upuan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Karex.

"Maari ba akong sumali sa ensayo niyo?" tanong niya pa samin ni Karex. Napangiti naman ako sa kanya.

"Oo, naman" sagot ko pa.

"Aba ayos ah! Kompleto na tayo" masayang wika ni Hawd.

"Akala ko hindi kana mag-eensayo" wika pa ni Roi.

"Proxy maari bang ikaw ang makalaban ko ngayon?" Alok pa sakin ni Karex, nagulat naman din kaming lahat sa kanyang inalok.

Bakit niya akong gustong makalaban?

"Bakit naman si Proxy ang gusto mong makalaban?" tanong ni Roi sa kanya.

"Hindi ba, siya ang nangunguna sa buong baitang ng dalawampu't isa sa pakikipaglaban? Ako naman din ang nangunguna sa buong baitang ng labing anim at gusto kong masubukan ang lakas ng nangunguna sa baitang" dalawampu't isa" wika pa ni Karex na ikinadahilan upang manlaki ang mata ko sa gulat.

Kung ganon siya ang nangunguna sa baitang labing-anim? Masubok nga!

Pag-natalo niya ako ibig sabihin maaring kasing lakas sila ni Alina pero paghindi mas mahina siya kay Alina.

"Karex ano bang pinagsa-" hindi ko na pinagpatuloy pa ang salita ni Roi kasi nagsalita na ako.

"Sige tignan natin kung gaano ka kalakas" tumango pa si Karex sakin saka mabilis na nagbihis ng damit panglaban at humublot ng espada.

Nandito na kami sa harapan nila Hawd at Roi ang sabi nila nais nilang mapanood ang labanan namin ni Karex kung kaya't titigil muna sila pag-eensayo.

"Handa't simula!" sigaw pa samin ni Hawd.

Mabilis na sumugod si Karex sakin at inatake ako sa itaas at ganon nalang akong nahirapan sa pag-sangga dun sa bilis niyang kumilos.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now