chapter 82

226 35 0
                                    

Alina pov:

Pangtatlong araw na namin ngayon na naglalakbay para hanapin ang mga dilim dahil hirap na hirap na kaming hanapin sila parang may ginawa sila para hindi sila maamoy ng Aso. Kasulukuyan na kaming patungo sa hilaga dahil maari daw na nandoon ang mga dilim lalo na't doon ang dating kaharian ng Hadrak na gumuho.

"Sandali" biglang tumigil si Hawd kaya napatigil rin kami. Nakatingin ngayon si Hawd sa malayo kaya napatingin kami roon at doon ay may nakita kaming dalawang kabayo na ngayon ay palapit samin kaya naman naghanda kami dahil maaring kalaban ito pero laking gulat ko ng maaninag ang mukha ng lalaking nasa unahan.

Anong ginagawa nila dito?!

Isang malakas at maglutong na mura ang pinakawalan ni Aso nang makalapit na sila sa amin ngayon. Nakangiti siya ng todo sakin kaya napangiti rin ako pabalik pero si Aso ay agad na humarang sa harapan ko.

"Aba ang layo ng narating mo Lekxus!" Sigaw ni Radik na halata namang inaasar si Aso na ngayon ay napakabigat ng presensiya. Nahuli ko din ng tingin sila Hawd at Irama na tumatawa dahil kay Aso na wala ng nakakaintindi kung napano na.

"Hinanap ko kayo mabuti na lang at nahabol pa namin kayo" nahuli ko ang pasimpleng pagsulyap sakin ni Lekxus bago bumaling kay Aso. "Ang layo naman nararating ng pang-amoy mo pati dito nakarating ka, sagabal" kumunot ang noo ni Lekxus dahil sa singhal ni Aso sa kanya at ngayon ay nagkakatitigan na naman sila na animo'y may kuryente sa kanilang mga mata. Si Dexter ay kaagad na lumayo at sumali sa bilang nila Radik na tumatawa ng palihim habang ako naman ay nakatingin lang sa dalawang nag-aaway.

"Tch ang malas nga, e pati kasi ang baho mo ay nasundan ko pa" sarkastikong tugon ni Lekxus at umiling-iling dahil sa sariling sinabi habang si Aso naman ay malamig itong tinignan na animo'y nangliliit. "Edi umuw ka" kaagad na humarang sila Hawd sa gitna nila Aso nang umaktong susugurin ni Lekxus si Aso. Pinatagilid ko ang ulo ko at nagpalit-palit ng tingin kay Aso at Lekxus.

"Alam niyo, ang cute niyo" sabay-sabay silang tumingin sakin na may pagtatakang tingin. Kinalibutan tuloy ako dahil para silang mga nasa horrors film na bigla-biglang tumingin sayo. Nagtataka ang mukha nilang lahat maliban kay Aso na nakanguso ang mukha. Alam niya kasi kung ano ang ibig sabihin ng cute, e parati ko kasing pinagsasabihan si Elena na cute kaya ayun nakuha niya kung ano iyon nang matagal.

"Huwag na tayong mag-aksaya pa ng panahon at hanapin na natin ang mga dilim" saad ko at nagtaka naman ako nang lumapad ang ngisi nila Radik, Irama at Hawd na napatingin kay Lekxus kaya ayun kinalibutan tuloy si Lekxus sa tatlong kumag na nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

Biglang inilabas ni Hawd ang puting tela na may bahid ng dugo ni Alumina at kaagad naman din iyong inagaw ni Radik sabay isinubsob sa pagmumukha ni Lekxus dahilan para mahulog at salohin si Radik ni Hawd kasabay ng puting tela na sinubsob ni Radik kay Lekxus. Galit na galit si Lekxus kay Radik pero hindi niya nagawang pagtuonan ang galit niya kay Radik nang may suminghot-singhot siya na kung ano.

"Teka ito yung" kumunot ang noo niya at napatingin kay Hawd na ngayon ay tumango-tango sa kanya. "Ang dugo ni Alumina ang isa sa dilim" tugon ni Hawd na ikinalaki ng mata ni Lekxus at Dexter. Napatingin pa sakin si Lekxus kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Ibig niyong sabihin ay hinahanap niyo ang mga dilim?" Tanong niya sakin, naguguluhan man ay tumango ako sa kanya. "Umuwi na tayo" biglang singgit ni Dexter pero napahinto siya nang hawakan ni Lekxus ang tali ng kabayo niya. "Mabuti pa at umuwi kayo tsh" singhal ni Aso kaya heto na naman ang nagkukuryentihang tingin ni Aso at Lekxus.

"Karex kailangan natin si Lekxus para mahanap kaagad ang mga dilim" nagtaka akong tumingin kay Hawd dahil sa sinabi niya mukhang mahalata niya naman na naguguluhan ako kung kaya't nagsalita siya. "Kakayahan ng mga Ploxara ang tukuyin ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang amoy" napangiti ako ng todo kay Lekxus at nilapitan siya sabay hawak sa dalawa niyang kamay.

"Maari mo ba kaming tulungan?" Pakiusap ko. Sandaling natigilan at hindi nakakilos si Lekxus at nagulat nalang ako dahil may dalawang malalaking kamay ang dumampot sa beywang ko at inilipat ako sa ibang kabayo. Kunot noo kong tumingin sa likuran ko at doon ay bumungad sakin ang mukha ni Aso na namumula sa inis pati rin ang ilong nito ay namumula ng todo para siyang kamatis ngayon. Magkasama na kaming dalawa sa iisang kabayo kaya naman muntikan ng tumakas ang kabayo ko mabuti na lang at agad iyong nahawakan ni Hawd.

"Pwede ba! Huwag ka ngang lumapit sa bakulaw na yan tsh! Humawak pa ka sa kamay niyang madungis!" Humalakhak ng napakalakas ang tatlong kumag na sinalihan ni Dexter habang si Lekxus naman ay tulala sa kamay niya na kanina niya pa tinititigan at eto naman si Aso na paulit-ulit akong iniirapan.

"Psh!" Kaagad akong bumalik sa kabayo ko mabuti naman at hindi umangal ang Aso. Nang matahan na sa kakatawa sila Hawd ay pareho kaming napatingin kay Lekxus na ngayon ay nagitla dahil sa mariing titig namin sa kanya. "Lekxus tulungan mo naman kami o" pakiusap ni Hawd. Nakita ko ang pagnguso ni Dexter mukhang tutol talaga siya sa pagsama samin pero wala rin siyang magagawa kapag pumayag si Lekxus.

Pasimpleng sumulyap sakin si Lekxus at tumango ng tatlong beses kaya napamura si Aso ng malutong na malutong. Tinaasan ko siya ng isang kilay pero inirapan niya lang ako.

Parang babae.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakbay at ngayon ay pinangungunahan kami ni Lekxus dahil siya lang ang may kakayahan na hanapin ang mga dilim. Nandito kami sa huli ni Aso ayaw niya raw na lumapit kay Lekxus tapos hinatak niya lang ako dito at hanggang ngayon ay namumula pa rin ang ilong niya at nakanguso habang nililinisan ang kamay ko na parang tanga.

"Lagot ka talaga sakin kapag sinubukan mong lumapit ulit kay Lekxus" natigil ang paningin ko sa ilong niyang namumula kaya hindi ko napigilang pisil-pisilin ang ilong niya nairita siya sakin pero pinabayaan niya naman ako. "Bakit namumula ang ilong mo?" Hindi ko na naihinto ang pagpipisil sa ilong niya dahil nahuhumaling na ako. Hindi siya sumagot sakin bagkos ay umiwas ng tingin at ngayon ay pati tainga niya namumula kaya para na akong pusa na pinaglalaruan ang yarn yun nga lang tainga ang tirada ko ngayon.

"Ang cute mo Aso!" Gigil kong sabi at kahit na malayo ang distansiya namin sa isa't-isa ay pinilit ko pa ring halikan ang ilong niyang namumula. "Seloso talaga ang Aso ko!" Tawa ko bigla siyang lumingon sakin pero agad ring umiwas ng tingin at napayuko, ngayon ay buong mukha na niya ag namumula.

"Hoy mamaya na yan mga loko!" Pareho kaming inis na nilingon si Radik na ngayon rin ay nagmamadaling lumayo samin. Umayos kaming dalawa ni Aso at binilisan rin ang paglipad nang naiiwanan na nila kami.


Sa bawat karatig bayan na nadadaanan namin ay wala kahit isang tao ang nakikita kong lumalabas sa bahay marahil ay ito ang ikakabuti sa kanila upang mailigtas ang kanilang buhay pero paano ang mga trabaho nila? Ang pag-aaral nila?



Ang laki ng epekto sa mundo dahil sa nga dilim na yun .

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now