chapter 91

220 25 1
                                    

Karex pov:

"Handa na ba ang lahat?" Nakangiting tumango sa'kin ang lahat bilang tugon sa katanungan ko. Sinenyasan ko sila na bumalik na sa kani-kanilang mga pinaggagawa na siyang sinunod nila kaagad. Malamig at makakapal ang hamog sa umaga lalo na't hindi pa sumisikat ang araw sa kalangitan. Maaga kasi akong nagising at gayon naman din ang mga pirata kung kaya't napaaga rin kami sa lakbayin namin pauwi, nakikilala ko na ngayon ang lugar na aming dinadaanan senyas na malapit na kaming makauwi sa kaharian ng Plasderia.

"Kamahalan, tila ay may bumabagagab sa iyong isipan?" Napalingon ako kay Lander nang magsalita ito mula sa aking likuran, nasa pinakadulo kami ng sasakyan kung saan kaharap namin ang ginintuang araw na nagtatago sa malalaking kabundukan. Marahan akong suminghap ng malamig na simoy ng hangin at ngumiti ng kaunti. "Ang pagbabalik sa kaharian ang siyang ikinababahala ko" napakuyom ako ng kamao nang maalala ang mga madla na galit na galit kay Pusa kaya nga ayokong umuwi sa kaharian namin dahil halos ang mga tao doon ay kinamumuhian si Pusa.

"Dahil po ba ito sa iyong kasintahan?" Napatingin ako sa kanya at tumango ng ikalawang beses. Hindi na siya nagsalita pa at napatingin sa kalangitan.

"Panginoon, alam niyo ba ang kwento tungkol sa diyosa ng araw at buwan?" Pagbasag niya sa katahimikan, tumango ako bilang tugon. "Nalalaman niyo ba kung ano ang katotohanan sa likuran ng kanilang istorya?" Sa walang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman ay napalingon ako sa kanya at umiling-iling. Hindi ko maintindihan kung bakit naging interesante ako sa sinabi niya kung ang totoo naman ay wala namang kabuluhan ang kwento sapagkat wala namang makakapagsabi kung totoo ba sila o gawa-gawa lang ng isang tao.

"Bakit may nalalaman kaba?"

Bumuntong hininga siya. "Sinabi sa'kin ng isang mahalagang tao sa'kin na si Athena, ang diyosa ng araw ay nagpapanggap na tao upang manirahan dito sa ating daigdig" tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya pero mas pinili ko ang manahimik at makinig na lamang sa kanya ng taimtim. "Si Calix naman na ang diyos ng buwan ay nanirahan din sa ating daigdig kasama ang kapatid niyang si Athena at binago nila ang kanilang mga pangalan at katauhan" dugtong niya at napatango-tango naman ako.

"Hindi ko alam kung totoo ba ito pero ang sabi niya sa'kin ay sila daw ang nagkulong sa mga dilim iilang libong dekada na ang nakakaraan" nanlaki ang mata ko dahil sa narinig at napatulala.

****

"Calix" wala sa sarili kong sabi habang nakatanaw sa bintana sa loob ng silid ni Pusa na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin natutulog. Pinagmasdan ko siya at napalapit na rin upang ayusin ang kumot niya pero biglang nahagip ng kamay ko ang likuran niya kung saan naroroon ang marka niyang araw at nang mahawakan ko ang kanyang leeg ay ganon na lamang ang gulat ko kung gaano siya kainit kaya napakapa na rin ako sa noo niya.

"Alina?!" Sinubukan ko siyang gisingin pero umuungol lang siya at napataklob ng kumot dahil sa lamig. "Nilalagnat ka" wika ko at hinawi ang kumot niya pero pinangunutan niya lang ako ng noo at nagtaklob ulit kaya napakamot na lamang ako sa batok dahil sa wala akong alam tungkol sa ganitong bagay, hindi pa naman kasi ako nakaranas na nilagnat kaya paano bato?

"Pusa nilalagnat ka woi" mahina ko siyang niyuyogyog pero hindi niya ako pinapansin kaya napakamot ulit ako ng batok. "Matutulog ako..." Mahinang sabi niya, saglit ko siyang pinagmasdan at nagiisip kung ano ang dapat na gawin hanggang sa biglang sumagi sa isipan ko si Hawd kaya dali-dali akong lumabas at hinanap siya.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now