chapter 2

3.3K 139 7
                                    

Alina pov:

Natulog lang ako paggising ko naka gown at may korona na ako.

What the hell is going on?!

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nangyari na ang nangyari. Napabuntong hininga na lamang ako, maganda ang suot ko ngayon. Nakasuot ako ng isang toga na maliit bagay lang para sa isang sanggol na katulad ko. Kumikinang ito, kulay puti at may mga diyamante na nakadesinyo dito. May korona rin ako na hugis puso at sa gitna ng puso ay may malaking jade doon.

Nabigla ako nang biglang may kamay na dumampot sa akin. mukhang siya yung babaeng nakausap ni Ina kanina, yung maid na pangalan yata niya ay Mesia. Nang lumingon ako sa giliran ko ay sumalubong sa akin si Ina na ngayon ay nag-aayos.

Ang ganda niya nakasuot rin siya ng toga at ang ganda ng toga niyang kulay pula na sa tagiliran ay may desinyo na rosas ngunit gawa sa tela. Sa ibaba naman ng toga ay may kulay itim na desinyo at napupuno ito ng ruby, kumikinang ang damit niya at tube ang porma sa bandang dibdib at ang korona naman ni ina ay yung parang korona ni Catriona Gray yung.

Miss earth ba yun?

Ayy. Basta nakalimutan ko hindi kasi ako mahilig sa model-model, nag pepensing lang ako at sumasayaw yun ang hilig ko noon. Pagkatapos niyang mag-ayos ay inilapit ako kaagad nung Mesia kay Ina, nginitian pa ako ni ina bago ako kinuha mula kay Mesia.

"Buri la sinya Alina, Alina Zin Membrent" sabi ni Ina at hinalikan ako sa noo.

Areng cool talaga ng name ko pang royalty.

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si ama na abot tainga ang ngiti.

"Jala?" tanong niya kay Ina.

"Omo jala!" sagot naman ni Ina sabay nilapitan si Ama.

What the hell? Jala? Tara? Yun ba yun?

Nasa kalagitnaan na kami ng daanan at ewan ko kung saan kami tutungo. Pinagigitnaan kami ng mga kawal na nakahilera sa kaliwa at mga katulong naman sa kanan.

Ganito ba talaga ang mga Royalty?

Gulat na napalingon ako sa kamay ni Ama na nakahawak na ngayon sa beywang ni Ina. Napatingin naman si Ina kay Ama at pareho na nag-ngitian.

Nakakakilig! O may! Ngayon lang ako nakasaksi ng ganito, ehh pano namatay si papa nung limang taon pa ako at pinag-bubuntis pa ni Mama si Jelly noon kaya wala na akong chance na makita ang sweetness nila pero ngayun.

"Uwahaha" tawa ko. Napalingon naman sakin ang lahat ng kawal at mga katulong at sabay-sabay pa talagang ngumiti.

Creepy!

Napataas ako ng kilay ng hindi nila inaalis ang paningin sakin na animo'y may masamang balak.

Nakakatakot naman!

"Kwahaha" sa walang dahilan ay napatawa ako na ikinadahilan upang mas lalong manlaki ang mga mata nila sa gulat.

Why?

Tinignan din ako nila Ama at Ina nang tumawa ako at sabay na ngumiti ng napakatamis.

"Bun dil pokij alina" sambit ni Ina at hinalikan uli ako sa noo.

Nakaka-ilang tanggap na halik na ako kay Ina, ah haha!

"Uwahaha" tawa ko pa ulit at ayun nganga na naman ang lahat pati na rin sila Ina at Ama.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now