chapter 58: Khilil

348 32 4
                                    

Lekxus pov:

"Ano? Payag ka?" Pang-aalok ko sa kanya pero gaya kanina ay tinanggihan niya ako, ang hirap naman ng babaeng 'to! "Tch! Huwag kang mag-alala hindi naman magagalit yung kasintahan mo" nakangiwi kong dugtong pero tinanggihan niya na naman ako. Ayaw pala ah!

Nakangisi kong kiniliti-kiliti yung tiyan niya.

*Blaaggg!!*

Halos mahalikan ko yung halige sa sobrang lakas ng sapak niya sakin, napahawak pa ako sa pisnge ko at kumikirot yun ng sobra. Gulat man ay nilingon ko pa rin siya pero maangas na tingin ang dinantnan ko, ang lakas naman niya? Babae ba yan?

"Kapag ayoko, ayoko!" Sigaw nito sakin at bago pa man siya makaalis papalayo sakin ay agad ko na siyang pinigilan. Kami ang ikapangalawang grupo na nakapasa sa laro, laking-gulat ko nga nang maaga ang dalawang to na nakapasa pero ngayon ay maiintindihan ko na.

Malakas siya.

"Tch! Libre ko nga ngayon" pangungulit ko ulit at sabay na sinundot-sundot ang pisnge niya, nakita ko pa ang pagsalubong ng kilay niya kaya agad na akong napalayo, baka sapakin na naman ako. Masakit kaya. "Ayoko" malamig nitong tugon at naglakad paalis pero hinabol ko na naman siya.

"Pangako, mabubusog ka talaga" pangungulit ko ulit at sinundot-sundot ang balikat niya, mabuti na lamang at nakayuko ako nang bigla niya akong sipain, umatras na naman ako.

Ang hirap talaga nito!

"Isang lapit mo pa talaga—"

"Lekxus" nakangiti akong nanigas sa kinatatayuan ko. Kahit na hindi ko siya lingonin ay alam kong abot langit na ang galit nito, bakit ba siya magagalit, e nakikipagkaibigan lang naman ako?

Patay ako nito!

Humingi pa ako ng tulong kay Alina gamit ang mga mata pero pinameywangan pa naman ako at tinaasan pa talaga ako ng isang kilay, ang taray!

"Uy! Karex mahal! Nandito ka pala, haha" masigla kong usal sa kanya at sabay na tinapik-tapik ang balikat niya pero nanatiling walang emosyon ang mukha nito at kinakabahan na talaga ako! Mahirap kasi basahin ang nasa isipan nito baka nga hindi pa ako nakakurap ay hulog na ako sa tore'ng to! At isa pa matatanggal ako sa laro nito kapag nakaipag-away ako, nakakasigurado naman ako na hindi ako yung kakampihan ni Alina kaya patay ako nito!

(٥↼_↼)

Bakit ba kasi ang kulit ko?

"Haha, sige mauuna na muna ako" akala ko talaga nakalusot na ako pero akala lang pala! Walang sabing hinawakan ba naman ako ni baliw sa kwelyo ko. Patay na talaga ako nito!

"Hehe, Karex mahal naman talaga kita, e" pang-bobola ko pa pero hindi talaga nadadala sa ganitong kalokohan yung baliw, masyadong seryoso!

"Ama" nanlalaking mata akong lumingon sa isang bata na nasa likuran ni Karex, nakatingin ito sakin at ewan ko lang ha, ang sama ng tingin ng bata sakin. Anong problema nito?!

Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan ni Karex ang kwelyo ko pero agad rin akong napatulala nang binuhat ni Karex ang bata na kanina'y tinawag siyang ama. May anak na pala sila?!

"Tsh! Lumayo-layo ka Lekxus" naiwan akong nakanganga sa likuran nila habang pinagmamasdan ang tatlo na papalayo na sakin. Paanong may anak na sila? Wala pa naman yan kahapon ah? Anong ginawa nila?

"Lekxus!" Nakabalik lang ako sa sariling diwa nang sigawan ako ni Dexter, sa galit ay sinigawan ko rin siya. "Ano ba! Tinatawag na tayo sa bulwagan!" Hindi ko siya pinansin at una nang naglakad papunta sa bulwagan, kung ipinatatawag na kami ay ang ibig sabihin lang nun ay nakarating na yung ibang kalahok pero hindi pa rin mawalay sa isipan ko yung bata kanina.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Место, где живут истории. Откройте их для себя