chapter 6

1.5K 82 6
                                    

Alina pov:



Ayun labanan lang kami ng tingin!


Akala mo ha! hindi ako magpapatalo sayo!


"Bakit ba ganyan ka!?" sigaw na tanong niya sakin.


Ano bang pinagsasabi ng kumag nato?  hell yeah! this is me Alina Zin Membrent! pero hindi ako magpapakilala sa kanya bahala siya sa buhay niya!


"Pakialam ko? pwede ba! Tantanan mo na ako!" inis na sigaw ko rin sa kanya, kumonot naman yung noo niya.


Haha pikon talaga to kahit kailan, ang initin ng ulo Psh!


"Ang kapal rin yang mala-pusang mukha mo no?! Sinong nagsasabi na gusto kitang kasama?!" pikon na sagot niya pa.


Ehh bakit mo ko dinala rito? Aso ka!


"ba't moko dinala rito?!" galit na tanong ko sa kanya.


"Para makaganti sa ginawa mo sakin! Unang beses pa kita nakita kahapon, ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo tapos Sinuntok mo ko nang dalawang beses, hinampas mo pa yung pinto sakin, tapos ang pinaka-iinis ko sa lahat sinipa mo ko! At sa bola ko pa talaga mismo!" sigaw niya sa mismong mukha ko.


What the hell?! Bola?


"Bwahaha!" Malakas na tawa ko pa. Naalala ko tuloy yung mukha niya nung sinipa ko siya, may pahalikhalik pang nalalaman.


Kasalanan mo yun kung hindi moko hahalikan hindi ko sisipain yang kawawa mong bola! Self defense lang yung ginawa ko!


"Ikaw pa talaga ang may ganang tumawa ng ganyan?! kahit kailan talaga nakakainis ka pusang-manyak!"  sigaw niya pa.



Ano raw pusang-manyak?? baliw to ah!


"Hoi kasalanan mo yun!, kung hindi moko hahalikan edi hindi ko na sana ginawa yun!pagtatangol lang yung ginawa ko!" mahabang sagot ko pa.


Sa totoo lang ayoko na ng away. Hindi ko kilala tong asong to pero kung mag-away kami para bang pinanganak talaga kami para diyan .


"Hoy karing pusang manyak ka, wala sa plano kong halikan ka panakot lang yung ginawa ko para matakot ka sakin at layuan moko! malay ko bang sisipain moko sa mismong bola ko!" inis na sumbat niya pa.


Astig ka ring manakot no! Bahala ka wala akong kasalanan doon!


"Kasalanan mo yun, alam mo ba na napakahalaga sa babae yung unang halik nila ha! Kaya hindi mo ko masisi!"sagot ko pa sa kanya. Totoo naman ah, mahalaga talaga iyon para sa mga babae. Namatay na nga lang ako sa Earth na virgin pa ang lips ko.


"Tsh! Mahalaga?! Eh yung sinipa mo di ba yun mahalaga?" Sarkastikong salita niya.


Ano naman din ang halaga ng Bola niya?


"Basta mas mahalaga yung sakin kaysa sayo, kahit na mamatay ka, hinding hindi mo to mananakaw, animal kang Aso ka!" inis na sigaw ko sa kanya at dahil dun kumunot lalo yung noo niya. Kulang nalang ng kaunti at magdudugtong na ang kilay niya.


"Mahalaga pala ah! E kung nakawin ko kaya ang mahalaga sayo?" sarkastikong salita niya pa sakin. Nanlaki naman yung mata ko at kumunot ng sobra yung noo ko feeling ko naging ekis na to.


I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now