Chapter 32

550 36 2
                                    

Radik pov

"Karex" pangangambang tawag kay Karex. Gusto ko siyang awatin at pagsabihan pero natatakot ako, masyadong napakabigat ng tension niya ngayon hindi pa nga siya nagsasalita o gumagalaw pero kakabog na nang napakabilis ang puso mo sa tension na pinapakita niya ngayon.

Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.

Parang normal lang ang mukha niya ngayon na nakatingin kay Alina pero iba naman din ang sinasabi ng mga mata niya.

Walang nagsasalita samin maliban sakin na panay tawag lang kay Karex. Para ring naistatwa ang lahat ng mga tao dito. Kahit si Trolo bakas sa mukha niya ang takot at kaba at lalong lalo na sa tatlong babae na nakaupo sa sahig.

"Karex" sambit ko ulit sa kanya ng marahan siyang naglalakad patungo kay Alina na ngayon ay nawawalan na ng malay.

Nanlaki ang mga mata ni Alina nang makita si Karex na nasa kanyang harapan at nakatitig sa kanya. Alam na ni Alina kung paano magalit si Karex dahil sa pangyayari sa kaharian nina Klara pero iba ang galit niya ngayon. Normal tingnan pero matindi kapag lumabas na.

"A-aso" bulong ni Alina at sinubukang tumayo.  "Alina" agad na tawag namin ni Kramiya nang mawalan ng balanse si Alina. Mabuti nalang at nasalo siya ni Karex. Nagulat ang lahat ng biglang niyakap ni Karex si Alina sa harap ng lahat.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka lumaban?" rinig kong bulong ni Karex. Hindi naman sumagot si Alina sa kanya. "Gurong Balina" biglang tawag ni Karex kay Guro na kakarating pa lamang.

"Naku Bathala anong nangyari? Alina" gulat na bungad ni Guro at lumapit kay Alina at Karex. "Dalhin niyo siya sa Silid-gamotan at gamotin niyo ang sugat niya, huwag na huwag kayong mag-iiwan ng peklat sa balat niya" walang emosyon na utos ni Karex kay Guro na agad ring tumango. "Ikaw?" baling sa kanya ni Guro.

"Susunod ako" maikling sagot ni Karex at maraha namang inalalayan ni Guro si Alina upang makalakad. "Aso halika na sabay na tayong pumunta doon" aya ni Alina pero nginitian lang siya ni Karex at mahinang kinatok ang kanyang noo. "Susunod ako" nakangiting sagot sa kanya ni Karex at napatingin sa kanyang kamay na nalagyan ng dugo ni Alina.

"Guro umalis na kayo" utos niyang muli habang nakatitig sa kanyang palad. Tumango ulit si Gurong Balina at umalis akay-akay si Alina. Sumunod naman din ang iba pang mang-gagamot na kasama ni Gurong Balina kanina sa kanila.

Nang makaalis na sila sa bulwagan ay doon lang gumalaw si Karex at humarap kay Trolo.

Lagot, eto na.

"Ano?! Kakalabanin mo ko ha!?" tapang-tapangan na hamon ni Trolo kay Karex pero bakas naman ang takot sa tonong yun. Tinignan lang naman siya ni Karex pati na rin ang tatlong babae na nasa sahig. Nandiri ako nang biglang tumayo ang isang babae at nagpapaganda pa talaga sa harapan ni Karex.

Ang landi talaga! Siguro yan ang dahilan kung bakit nagkaganun si Alina.

"Sino ang nanguna sa inyong awayin siya?" malamig na tanong ni Karex sa kanilang lahat. "Syempre siya no? Siya ang umaway sakin, ipinagtanggol lang nila ako, tignan mo nga ang ginawa niya sakin" pagiinarte ng babae at lumapit kay Karex. Hahawakan na sana niya si Karex pero agad na lumayo si Karex sa kanya at sa isang iglap ay tumalsik na ang babae sa sahig! Malakas siyang sinuntok ni Karex! Lahat kami ay nagulat at napatingin sa babaeng nawalan ng malay.

"Haya!" sigaw ng dalawang babae sa babaeng nakahandusay sa sahig. Nakalapit ang isa sa nakahandusay na babae habang ang isa naman ay pinigilan ni Trolo. "Haya" usal ng babae at malungkot na tinignan ang kaibigan. Nagulat na naman ako nang biglang sipain ni Karex ng napakalakas ang isang babae na kaibigan nila dahilan para mapalipad rin ito sa kung saan.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now