chapter 64: Khilil

284 30 0
                                    

Karex pov:

"Ayos ka lang ba?" Kanina pa ako hindi mapakali dahil kay Pusa na palagi na lamang natutulala. Hindi siya sumagot sakin kaya naman napahawak ako sa balikat niya na siyang ikinagulat niya, ganito na lang siya palagi kapag kinakausap ay wala sa sarili at kapag naman hinahawakan mo nagugulat, ano bang nangyayari dito?

"Tinatanong kita" hindi siya nakasagot bagkos ay ngumiti siya sakin ng nakakaloko. "Tara, kumain na tayo" tumayo siya at pilit akong hinihila ngunit hindi ako nagpadala sa kanya. "Tapos na tayong kumain" natameme siya.

"Ahh, nasaan si Elena?" Pinagiliran ko siya ng ulo sabay turo kay Elena na natutulog, sa pagkaka-alala ko ay siya ang nagpatulog kay Elena, bakit wala siya sa sarili ngayon?

Natutop ulit yung bibig niya at saka naupo ulit. Nakatayo lamang ako habang pinagmamasdan siya. "Aso, bukas na hindi ba?" Tumango ako bilang tugon, nakita ko sa mga mata niya kung paano siya nasabik ngunit may halo iyong galit at paghihiganti hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si Proxy mukhang napuruhan siya sa lason na yun pero si Pusa ang pinaka-inaalala ko, mag-mula ng kahapon ay palagi na lamang siyang tulala at hindi na makausap ng maayos na para bang may palaging iniisip na malalim.

Bumuntong hininga ako sa kawalan at saka naupo sa kanyang tabi na ngayon ay pinagmamasdan ang kalangitan mula sa malaking bintana. "Ano sa palagay mo ang mangyayari sa hinaharap o sa susunod na mga araw pa?" Bahagya akong nagulat sa tanong niyang iyon at kaba nang lingonin niya ako na may seryosong mata. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng todo sa tanong niyang yun.

"H-hindi naman ako isang bathala para malaman ang hinaharap" parang tinusok ang puso ko nang masilayan ang mapait niyang pag-ngiti, pakiramdam ko ay may nalalaman na siya sa kung ano ang mang-yayari sa kanya at sa lahat. Sa oras na malaman ng lahat kung sino at ano ang pagkatao ni Pusa ay siguradong itatakwil siya ng lahat.

"May naganap na bang isang digmaan dito sa mundo?" Napalunok na naman ako sa itinanong niya, kahit na nasa kalangitan ang paningin niya ay alam kong may namumuo na mga luha sa mga mata niya. Suminghap pa muna ako bago siya akbayan, alam kong magaganap ang nakasaad sa libro at sa araw na yun ay nakakasigurado ako na mapupuno ng kalungkutan at dilim ang buhay ni Pusa kaya hanggang sa hindi pa iyon magaganap ay nais ko munang maging masaya siya ngayon. Nais kong pigilan ang magaganap pero alam ko na hindi ko iyon kayang pigilan lalo na't nasa propesiya na iyon ang tanging makakapigil lang sa propesiya ay ang mga diyos at diyosa.

"W-walang m-magaganap na d-digmaan" napakagat ako ng labi sa pag-uutal ko, hindi maaring mahalata ako ni Pusa. Napalunok na naman ako nang lingonin ako ni Pusa pero nasa kalangitan lamang ang paningin ko at hindi ko magawang tumingin sa kanya ng deretso sa mga mata. "Paano ka nakakasigurado?" Pilit kong sinalubong ang mga mata niya at saka ngumiti ng pilit, ayokong mag-sinungaling sa kanya pero kailangan kong gawin to.

Patawad Alina.

"Payapa na ang lahat, walang digmaan ang magaganap sa Poliba" napatango-tango lang siya sa sinabi ko halatang hindi kumbinsido, mahirap talaga siyang mapaniwala. "Pero kung magkaroon man ng digmaan, sa tingin mo makakayanan ko?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niyang yun, napaiwas ako ng tingin sa kanya at saka sinubukang pigilan ang kabang nararamdaman.

"B-bakit mo naman nasabi ang mga yan?"

"Kasi malakas ang pakiramdam ko na may magaganap na digmaan" napalunok na naman ako, hindi ko nagawang sumagot agad sa kanya. Katahimikan ang naghari saming dalawa bago siya magsalita ulit.

"Kalimutan mo na lang yun, halika mabuti pa't mag-handa tayo para bukas" kumalma lang ang sarili ko nang nginitian niya ako, yung ngiti niyang gustong-gusto kong masilayan. Nakangiting tumango ako sa kanya at saka sumunod sa kanya. Sana lang talaga ay magawa kong pigilan ang magaganap sa hinaharap, matagal na ring hindi nag-papakita ang mga hunyango, ano na kaya ang pinag-gagawa ng mga yun?

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now