chapter 43

389 26 1
                                    

Radik pov:



"Anak ng! Paano tayo makaka-uwi nito?!" Nangangambang tanong ko sa kanila.

Kasulukuyan na kaming naglalakad sa kung saan at panay ako ng kati ng kati sa balat dahil sa mga makakating dahon na dumadaplis sa balat ko. Nangungunang maglakad si Karex at kasunod niya ay si Alina habang ako ang nasa pinaka-hulihan at nasa harapan ko si Kramiya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Kramiya kay Karex.

"Sa bayan" sagot sa kanya ni Karex na abala ngayon sa pagpuputol sa mga matitinik na halamang nadadaanan namin.

"Bayan? Paano mo nalamang may bayan dito?" Nagdududang tanong ni Alina sa kanya, napatingin naman din ako kay Karex at nag-aabang sa isasagot niya.

"Kaya nga naglalakad tayo para makahanap, e" napakunot ako ng noo sa isinagot niya kay Alina. 

Saan naman din namin hahanapin yang Bayan na yan?! King ina naman to oh!

"Eh paano kung wala tayong mahanap?" Kuryusong tanong ni Kramiya kay Karex.

"Ewan" napasigaw ako sa inis nang marinig ang isinagot ni Karex, aambaging babatohin ko pa sana siya nang bato ngunit naunahan niya ako at ang halamang makakati pa talaga ang ibinato niya sakin sa mismong mukha ko kaya naman panay ang pagkakamot ko sa mukha ko.

"Ba't moko binato?!" Naiinis na sigaw ko sa kanya habang panay parin sa pagkakamot ng mukha.

"Nadulas lang ang kamay ko" halos magsiputukan na ang mga ugat ko sa noo sa isinagot niya sakin, balak ko pa sanang sapakin siya pero masyadong makati pa ang mukha ko para gawin yun.

Babawian talaga kita Aso!

"Radik, ipahid moto sa mukha mo para mawala yung kati" saad ni Kramiya sabay inabotan ako ng isang dahon na kulay dilaw, mabilis ko naman din iyong inabot at pinunasan ang mukha gamit ang dahon na ibinigay niya sakin. Gaya ng ng sinabi niya at nawala ang pangangati ko sa mukha.

"Salamat" nabigla ako nang wala sa sarili kong nahawakan ang kamay niya kaya naman agad ko iyong binitawan at umiwas ng tingin. Tahimik lang naman din siyang tumango sakin at humarap muli sa dinaanan. Nakuyom ko naman din ang dahon na hawak-hawak ko nang tinignan ang likuran niya.

"Kramiya, saan mo yun nakuha?"   Nakahinga ako ng maluwag nang basagin ni Alina ang pagkakailang na namamagitan samin ni Kramiya.

Mabuti na lang talaga at maingay tong si Alina.

"Kanina noong nililibot natin ang buong kagubatan, marami pa nga akong nakuha, e" masaganang sagot ni Kramiya kay Alina sabay ipinakita samin ang kanina pa niyang dala-dala na basket na napupuno ng mga halamang gamot. Napahanga naman ako sa dami ng halamang dahon na nakuha niya pero ang mas ikinahanga ko ay ang matuklasan na may alam pala si Kramiya tungkol sa pag-gagamot.

"Paano mo nalaman ang mga bagay na yan?" Pag-hahangang tanong ni Alina kay Kramiya, napalapit naman din si Karex saming tatlo.

"Tsh! Kakayahan ng mga Mackrara yan, ang kakayahang magpagamot at mapanuri sa kahit na anong uri ng mga halaman, pati ba naman tungkol doon ay wala kang alam?" sagot sa kanya ni Karex. Napaiwas na naman ulit ako ng tingin dahil sa wala akong alam tungkol sa bagay na yun.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now