chapter 61: Khilil

332 33 0
                                    

Alina pov:

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang buwan at bituin sa kalangitan, malalim na ang gabi at nandito pa rin ako sa harapan ng bintana. Tulog na yung dalawa,  napagod yata sa ginawang paglalaro kanina.

Kumikirot na naman.

Simula nung umiyak ako sa gabi ay palagi ko nang pinagmamasdan ang buwan at bituin sa kalangitan, ewan ko ba kung bakit kumikirot ang puso ko sa oras na matagalan ako sa pagtitig dito. Meron akong pinangungulilaan na tao at hindi ko alam kung sino.

Tuluyan ng lumandas ang mga luha ko sa mga mata, pinilit kong huwag humagulhol. Ayokong magising silang dalawa. Pinagmamasdan ko ang espada na hawak-hawak ko, minsan hindi ko na nakikilala ang sarili ko parang ibang tao na ako. Maraming mga panaginip ang hindi ko maintindihan pero alam kong may malalim na ibig sabihin, may tinatago rin sila ama sakin at ang ikatlo ay ang mga hunyango'ng iyon idagdag mo pa yung kakaibang librong kulay puti.

Ano nga na ang papel ko sa mundong 'to?

"Bakit ako na reincarnated?" Bumuntong hininga ulit ako. Ito ang pinakamalaking katanungan sa isipan ko na noon ko pa hindi masagot, ano ang dahilan kung bakit ako nabuhay muli? At bakit dito sa mundong to? At ang panghuli bakit sa katawang to ako napunta?

Kung baka sakaling hindi ako nabuhay sa katawang to, sino ang magiging Alina? At ano kaya ang ugali niya?

"Gising kapa?" Napaangat ako ng balikat sa gulat, hindi ko na siya nilingon pa kasi walang tigil pa rin ang mga luha kong bumabagsak. Agad ko itong tinago at tinakpan ng isang matamis na ngiti sa labi, tumabi siya sakin. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Bakas sa tono ang pag-aalala niya.

Nginitian ko siya.

"W-wala, nahumaling lang ako sa pagtitig sa kalangitan" palusot ko pero hindi siya kumbinsado sa sagot ko kaya naman napasandal na lang ako sa balikat niya baka kasi pumatak ulit ang mga luha ko, bigla na lang kasi itong pumapatak nang hindi ko namamalayan. "Sabihin mo nga, ayos ka lang ba?" Tanong niya sabay akbay sakin, napapikit ako nang lumalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha.

Kung aminin ko kaya sa kanya?

"A-aso, may s-sabihin ako sayo" agad siyang napahawak sa magkabila kong balikat at tinitigan ang mukha kong binalutan ng lungkot. Hindi ko na kayang pigilan ang kirot at pighating nararamdaman ko.

"Bakit ka umiiyak?!" Agad niya akong niyakap at hinihimas-himasan ang aking likuran, suminghot pa ako bago siya sinagot. Napayakap rin ako sa kanya.

"Ewan ko ba aso, kapag tinititigan ko kasi ang buwan at bituin ng matagal ay bigla na lang akong nakakaramdam ng pihati at pangungulila tapos eto tumutulo na lang ang luha ko sa walang dahilan" para akong batang nag-susumbong sa kanya ngayon, ilang beses pa akong napahingos bago siya bumitaw mula sa pagkakayakap sakin.

Hindi ko alam kung natatawa o nagtataka ba siya sa mukha niya ngayon, lokong asong 'to.

"Sino ang pinangungulilaan mo?!" Ay galit pala, masyado kasing malabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Pinahiran ko pa ang mga mata ko at saka siya tinignan ng masama. "Sinabi ko na ngang hindi ko alam, e" inirapan ko siya, wala talagang kwentang kausap to. Inayos niya ang buhok ko at saka ito hinaplos-haplos ng marahan.

"Sabihin mo, eto rin ba yung dahilan kung bakit ka umiiyak noong nakaraang araw?" Tumango ako bilang sagot, nalilito na kasi ako at sumasakit na ang ulo ko sa sobrang daming katanungan ang nasa utak ko tapos dinagdagan pa talaga siguro ay mababawasan to ng konti kapag sinabi ko kay aso ang isa.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now