chapter 60: Khilil

312 33 6
                                    

Proxy pov:

"May problema ka ba?" Umiling ako bilang sagot sa katanungan ni Raya. Dahil sa sobrang katulalaan ay hindi ko na namalayan na hinawakan na ni Raya ang kamay ko, wala na akong maisip na pwedeng gawin para malusotan ang sapartan na yun, sinubukan ko na kasing burahin ang marka na nasa likuran ni Alina noon pero sa tuwing ginagawa ko yun ay parang pinapaso ang kamay ko kaya naman bigo ako.

"Anong gagawin ko?"

"Anong ibig mong sabihin?" Napakagat ako ng dila nang masambit ko yun ng hindi iniisip, binigyan niya ako ng nagtatakang tingin pero nginitian ko lang siya. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol roon. "A-ang ibig kong sabihin ay ano ang ginagawa mo rito?" Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong tinalikuran, anong problema nito?

"Nakakainis ka! Bakit mo pa ako tinatanong sa bagay na yan, e ikaw lang naman ang ipinunta ko! Alam mo bang malayo pa ang nilakbay ko para lang makita ka tapos yan lang pala ang ibubungad mo sakin? Kanina pa ako salita ng salita rito tapos ikaw tulala lang at hindi nakikinig! Tapos nung yakapin kita hindi mo man lang ako niyakap pabalik ang sama mo sakin para akong baliw dito! Proxy huwag mong kalimutan na nobya mo ako kaya dapat lang ako ang pagtuunan mo ng pansin! Nakakainis ka talaga!" Para ring si Amaya to, e. Ang sobrang daldal!

Bumuntong hininga ako. "Pasensi—"

"Tapos ngayon na hinawakan ko yang kamay mo hindi mo man lang hinigpitan ang pagkakahawak sakin, tapos hindi mo man lang ako pinapakain! Nagugutom na ako rito Proxy! Gutom na gut—" hindi ko na pinatapos ang pananalita niya kasi hinawakan kona ang kamay niya at hinila papunta sa kainan.

Ako na yung nahihiya sa bibig ng babaeng to, halos pagtignan na kami ng lahat dahil sa sobrang lakas ng bunganga. Magkaibigan talaga sila ni Amaya!

"Saan mo ko dadalhin?" Reklamo niya, nilingon ko siya. "Akala ko ba nagugutom ka?" Biglang lumaki ang ngiti niya sa labi at saka ako niyakap ng mahigpit at dahil nga ayoko sa bunganga nito ay niyakap ko na lang din siya pabalik.

(っ˘̩╭╮˘̩)っ---- ayoko talagang yumayakap sa iba.

"Tara! Nagugutom na ako!" Malakas niya akong hinila sa kung saan at hindi ko na alam kung saan pupunta ang babaeng to. Bigla siyang napahinto sa paghihila sakin at nakangusong humarap sakin. "Nasaan ba yun?" Napahawak na lang ako sa batok at saka siya hinila ulit, baliw talaga. Matagal pa bago ako nakabalik sa silid, kung saan-saan pa kasi pumupunta ni Raya at mabuti na lang at umuwi na yun.

Sakit siya sa ulo.

Mag-isa lang ako na tinatahas ang daanan, malalim na kasi ang gabi at nakakasigurado ako na tulog na silang lahat. Ayoko talagang gawin to pero wala na akong magagawa, sana lang sumang-ayon samin ang tadhana ngayon.

Malapit na akong makarating sa silid at gaya nga ng inaasahan ko ay naabutan ko siya sa tapat ng pintuan, bahagya pa itong tumungo sakin pero hindu ko siya pinansin at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Nakakasigura—"

"Tulog na sila" suplado kong sagot sa kanya at saka siya iniwanan upang puntahan ang silid ni Alina. Nanginginig pa ang kamay ko na binuksan ang pintuan ni Alina pero pilit kong itong labanan nang nasa tabi ko na siya, hindi niya dapat mapansin ang panginginig ko.

Bumungad kaagad sa paningin namin si Alina na ngayon ay kayakap ang bata na natutulog, mahimbing ang pagkakatulog nila kaya kahit na sa anong gawin namin ay siguradong hindi nila mapapansin. Una akong lumapit kay Alina bago siya, hinanda ko pa ang punyal na tinatago ko sa likuran ko sa kung sakaling makita na niya ang marka.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now