86

13.2K 570 1.7K
                                    

--

Ilang araw ang lumipas na walang paramdam si Sandro. did he just ghosted me? as the days passed, ginugugol ko lang ang oras ko dito sa bahay. being a mother was not as easy as you think cause it's a huge responsibility pero hindi naman ako nagsisisi cause Lexia gives me so much joy in life dahil hindi naman siya sobrang hirap alagaan.

Kakauwi ko lang galing sa palengke at inaayos ang mga pinamili kong handa ni Lexia. it's her 4th birthday at binilhan ko lang ito ng Ukelele as my gift for her...well, yung wish niya ewan ko lang kung dadating ngayong araw dahil ilang araw nang walang paramdam.

"Tulog pa din?" tanong ko kay Allysa nang umagang makauwi ako.

"Aba'y oo, plakdang plakda dahil sagad sa buto yata ang practice kagabi" tugon niya. she help me to get the things that I bought at tinulungan niya akong mag-asikaso ng lahat ng ibinili ko.

"Para saan ba kasi yung performance?" tanong ko kay Ally.

"Ay hindi ko alam teh, kita mong hatid sundo lang ako at hindi ako natambay sa loob dahil need ko din gumala ano?" aniya.

"Saan ka naman napunta?" tanong ko.

"Sa BGC, nasimoy ako" sagot niya.

"Huh, kanino?" takang tanong ko.

"Ay teh, di pa ba obvious?" tanong niya pabalik.

"Hindi halatang kay Simon 'no?" tanong ko at ngumiti nalang siya na parang kinikilig.

I sighed. "Oh, problemado ka 'no? sabi sa'yo eh baka di ka na balikan non" aniya at sumiring ako dito.

"Babalik yon" positibo kong tugon.

"Sige isang linggo ka nang naniniwala na babalik siya pero ano? ni anino at hininga wala kang nararamdaman" aniya at napaisip ako. babalik yon...

"Bahala ka nga dyan, ayusin mo nalang yung pinamili ko. basta babalik yon, kung hindi man siya bumalik eh...dadalhin ko sa kanila si Lexia, ipaglalaban ko, ipapakilala ko at gagawin ko lahat" usal ko.

"Tapos nakita mo sila Madam Liza? este, Mom Liza 'no? urong yang tumbong mo" hinampas niya ang pwet ko kaya't tinapik ko siya.

"Ewan ko talaga sa'yo, kahit kailan hindi ka talaga matinong kausap!" asik ko at tahimik na inayos lahat ng lulutuin.

Mamaya na ang performance ni Lexia at tamang tama iyon sa birthday niya. sa mall daw ang performance nila at natuwa lang ako dahil doon yung mall na nagkita kami ni Sandro nung na ospital ako.

Bale ang handaan ay gaganapin sa stadium, babalik nalang sila doon after ng performance at pumayag naman halos ng mga magulang na katulad ko. pero...dadating nga kaya si Sandro?

"Dadating yon" I said unconsciously.

"Oh diba? pati ikaw nag ooverthink na, hindi na nga dadating yon!" dinunggol niya ko habang naghihiwa ng gulay, pero hindi ko nalang siya pinansin.

Matapos mahiwa ng mga sangkap ay nagtungo na ako sa kwarto at dinala ang regalo kong ukelele sa kaniya. "Wake up my sunshine!" bungad ko at ngumiti kagad siya nang makita ako. "Good Morning baby!" I kissed her cheek habang nakatago sa likuran ang Ukelele.

"Good Morning mommy" she yawned but she kissed me also.

"Happy 4th birthday my love!" I whispered at tinabihan siya sa higaan.

"Thank you mommy!" masayang tugon niya.

"Happy Birthday baby!" halos magulat ako nang patalon na pumasok si Allysa sa loob ng kwarto.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon