5

12.1K 427 453
                                    

--

Its quarter to 4 P.M at nag-aayos na ako, ewan ko ba pero gusto kong maging maganda o presentable sa paningin ni Sir Sandro. ganito ba ang epekto ng pagka crush ko sa kaniya? hindi naman ako ganito kay Chaser noong high school kami.

"Baliw mas maganda na yan, kaysa doon sa green" sambit ni Allysa. Im wearing a black long sleeve turtle neck partnered with checkered skinny pants and Red pointed heels.

"T-Totoo ba?" tanong ko.

Napakamot pa siya sa ulo niya bago sumagot. "Hoy okay na okay na yan! semi-formal na yan oh! tsaka kahit ano namang isuot mo eh bagay sa'yo, sexy mo kaya" sambit niya habang inaayos ang pagkaka tuck in ng turtle neck ko. "Ayan perfect!" dagdag niya pa at pumalakpak. hindi naman ako nagme make up, lipstick lang or liptint minsan dahil mas confident ako dito.

"Sure kang okay na ah?" tanong ko nanaman.

"Bakla nakakailang tanong ka na ah! ano ba 'to date? gaga magpapasa ka lang ng mga requirements okay na yan!" tila pikon nang aniya. "Keri mo na ba mag-isa? ayaw mong samahan kita?" tanong niya at umiling ako.

"Dito ka nalang, ayaw kong mapagod ka love you" I kissed her cheek before going out. "Bye sis!" I waved my hand.

"Ingat bakla! hingan mo ko ng video greet, charot!" sigaw niya at nag-elevator na ko. kinakabahan ako ewan ko kung bakit, grabe naman ang epekto niya sa akin. my phone beeped and it was from Sir Sandro.

From : Sir Sandro Marcos

Good Afternoon Laine, later 5 pm. take your time.

I just walk and went to our meeting place. ayoko naman na si Sir Sandro ang mauna roon nakakahiya kaya!kaya ako na ang nauna. its 4:30 P.M and I just scroll down to my social media accounts when I smell a familiar perfume.

"Good Afternoon Laine, sorry I'm late" bungad niya.

"G-Good Afternoon din po Sir, nako hindi po ayos lang! kakarating ko lang din po eh" tugon ko.

Saglit kaming nagkatitigan bago siya maupo. may muta ba ako? may dumi ba sa mukha ko?

"I see, okay okay" he smiled awkwardly at naupo na. "Let's order, my treat. what do you want?" tanong niya.

"Okay lang ako Sir, kahit ano nalang po" sagot ko at tumawag siya ng waiter.

"Can I order a 2 tiramisu cake, 2 honey glazed donut and 2 frapuccino. please add more cream" aniya at tumango ang waiter. "Kumusta nga pala Laine?" gusto kong matawa dahil ang cute ng pagiging bulol niya sa tagalog. he's trying to speak fluently but mas fluent siya sa English at may accent pa.

"Im doing good naman po, kayo po ba?" pagbabalik ko ng tanong.

"Yeah, Im also doing good. kinda busy cause you know malapit na ang election but yeah, Im still fine" sagot niya.

"That's good Sir, iwasan niyo lang po ang magkasakit dahil naku! mahirap po yun sa panahon ngayon" sambit ko.

He smiled. "Thank you, ikaw rin iwasang mo na magkasakit" pilit niyang itinatama ang pagtatagalog.

"Ay by the way Sir, ito na po yung resume, diploma at Birth certificate at ilan pa pong requirements" inabot ko ang dala kong envelope.

He read my Birth certificate. "Maria Lallaina Elizalde-Hudson...oh, nice name" aniya. "You and my Lolo have the same birthday huh, really nice" sambit niya at dumating ang order namin. "Let's eat" akma siyang kakain na pero pinigilan ko siya.

"U-Uh, sir let's pray po muna" sambit ko, hindi kami sanay ni Allysa na hindi nagdadasal bago kumain kaya nag-pray na kami. "Amen!" nakangiti kong usal at ngumiti rin siya sa akin. kumain na kami ng tahimik hanggang sa basagin ko ang katahimikan. "Sir, saan po kaya ako mangungupahan sa Ilocos?" tanong ko.

"You can stay at our house though" sagot niya.

"Hala, nakakahiya ho yun Sir" saad ko.

"Laine, you are my secretary so you should be with me 24/7." usal niya.

"S-Sige po Sir...k-kailan po ako mag-sstart? next month pa po ano? after election?" tanong ko.

Napaisip siya at napatango. "Y-Yeah" sagot niya. paano kapag natalo si Sir?

"And if you're wondering why am I hiring employees even Im still not the elected Congressman...its because I'm number one on the surveys so...yeah" paliwanag niya at napanganga ako.

"Ah ganon po ba?"tanong ko.

Natawa siya bago sumagot. "Yeah, and sorry for my tagalog cause I've been working in London ever since at 3 years palang ako dito sa Pilipinas" tugon niya at tumango ako.

"Okay lang Sir, cute niyo nga po magsalita eh" hindi ko alam pero kusa iyon na lumabas sa bibig ko at naningkit ang mga mata ni Sir Sandro. "B-Bakit po? ayaw niyo po ba? babawiin ko nalang po yung sinabi ko" sambit ko at natawa siya.

"No, its good to hear when it comes to you" aniya. hanudaw? may mga pumasok kasi kaya hindi ko siya masyadong narinig.

"Sir may girlfriend ka na?" hindi ko nga alam kung bakit may mga salita na kusang nalabas sa bibig ko. nakakahiya tuloy!

"Wala pa nga eh, mag-aapply ka ba?"

--

HTDOSMΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα