42

9.6K 303 307
                                    


--

Sa pagdaan ng bawat araw ay nagiging excited ako dahil pauwi na si Mama. Sandro and I built a better relationship as a friend. I still love him and I always do...hindi ko na nga siguro kayang magmahal ng iba pero isinasantabi ko ang nararamdaman ko sa ngayon dahil hindi ito naaayon sa sitwasyon namin.

"Malabo na talaga mata mo?" Allysa asked. papunta kami ngayon sa pagawaan ng salamin dito sa mall dahil ramdam ko na ang paglabo ng mata ko.

"Oo teh, obvious ba? alangang magpasalamin ako ng trip lang diba?" tugon ko.

"Sabagay, gaga ka kapag ako sumweldo ipapa Lasik kita..." usal niya.

"Diba ayon yung ginawa sa'yo? ang mahal nun ah?" tanong ko.

"Oo pero worth it naman kasi less hassle sa paggamit ng salamin" sagot niya.

Agad kaming nagtungo sa tindahan ng salamin at inasikaso na ako ng Optometrist. "You have this gray eyes hija...are they real or you're wearing contacts?" tanong ng Doctor.

"Totoo po yan" tugon ko.

"You're pretty ah, what's your work?" tanong ulit ng Doctor.

"Secretary po" sagot ko at tumango tango siya.

"Okay we'll let's go to this room to check your eye grade" tugon niya. pinahawak ko muna kay Allysa ang sling bag ko at nagtungo na kami sa loob. nakaupo ako sa isang upuan at may inilagay na metal na salamin sa akin. "Dito natin susukatin ang grado mo, sige tingnan mo iyong nakasulat sa board...anong nababasa mo?" tanong ng Doctor.

"W-Wala po akong mabasa, malabo po" tugon ko at pinasukan niya ng isang lens ang metal na suot ko.

"Ayan?" tanong niya ulit.

"Malabo pa rin po" tugon ko, paulit ulit niya iyong ginawa hanggang sa makuha ko ang grado ko.

Umiling iling si Doktora habang may inililista. "You really have a poor eyesight, well ang work mo naman is Secretary normal lang na manlabo ang ating mata...so ang grado ng isang mata mo is 500 at ang isa ay 350." paliwanag niya. "Is it your first time to check up your eyes?" tanong niya at tumango ako. "Okay, makakaramdam ka ng pagkahilo sa unang pagsuot mo, pero masasanay ka rin" tugon niya pa.

Matapos non ay pumili na ako ng frame. "Huwag yan, para kang si Harry Potter" aniya. "Huwag rin yan, may kamukha kang corn star" napatingin tuloy ako ng nagkakatakang tingin sa kaniya. anong corn star?

I choose the clear one. "Ito?" I asked.

"Perfect!" sagot niya. ibinigay ko ang frame sa doctora at inintay iyon magawa. "Alam mo teh, kaya siguro hindi mo makitang mahal ka rin ni Sandro kasi malabo yang mata mo" ito nanaman kami sa mga imagination ni Allysa.

"Baliw! kung mahal niya ko, dapat sinabi niya na kaagad" tugon ko.

"Eh pano hindi mo siya pinatapos sa sasabihin niya, malay mo ang kasunod pala nung sasabihin niya is...Mahal kita pero manhid ka kasi kaya hindi mo dama" umacting pa siya na medyo bulol sa tagalog at natawa ako.

"Hindi! hindi niya sasabihin yon" tugon ko.

"Ito napaka negative, jusko teh pinaglihi ka ba sa minus? gaga ka ang nega mo" asik niya, at nagkibit balikat nalang ako. "Sure ka bang okay lang sa'yo yung ganito? yung...hindi na kayo kagaya ng dati" tanong niya at pilit akong ngumiti.

"O-Oo" I lied.

"Eh si Sandro? aware ka ba sa nararamdaman niya ngayon?" natigilan ako sa tanong ni Ally.

"E-Eh sabi niya okay lang daw, nirerespeto niya yung desisyon ko" tugon ko.

"Ang tanong ko yung nararamdaman niya, malay mo sinabi niya lang na ganon pero deep inside...ayaw niya at nasasaktan siya ng sobra" paliwanag ni Allysa at napaisip ako. "Kasi teh, ang mga babae diba overthinker? ang mga lalaki mas overthinker yang mga yan, kaya yan si Sandro sigurado akong ayaw niyan pumayag sa ganito pero umoo nalang kasi wala siyang choice" kwento niya at natahimik nalang ako.

HTDOSMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora