54

9.2K 370 667
                                    

--

He's wearing a formal attire, blue dress shirt, eyeglasses black slacks at may dalang envelope. nagulat pa ako nang saglit kaming nagkatinginan sa isa't isa bago may magsalita.

"I didn't expect you to see here and, y-you're pregnant?" nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita ang tiyan ko.

"Hindi obvious na buntis siya 'no?" sarkastikong usal ni Allysa.

"Hindi ikaw ang kausap ko Aleng huwag kang papansin" tugon ni Chaser, at bumaling ulit sa akin. "H-How are you?" halata sa mga mukha niya na napipilitan lang siyang ngumiti.

"I'm good, ikaw?" I asked.

"Sobrang busy, pero next year uuwi na ako sa Philippines" sagot niya. "Hindi kita mamessage Laine, you deactivated your accounts" sambit niya.

"Oo, some problems came" mapait akong ngumiti at tumingin sa ibang gawi.

"Anong some? marami kamo, many problems" sabat ni Allysa.

"What? w-what happened Laine?" tanong ni Chaser.

"Hayaan mo na tapos na yun" pag-iiba ko nang usapan.

"Anong nangyari?" tanong niya ulit.

"Wala na si mama, ilang buwan na din" sagot ko.

"W-What?! S-Sorry Laine, and condolence..." sambit niya at humawak pa sa kamay ko.

"S-Salamat" tugon ko.

"Sana hindi galit si Tita sa akin--"

"As if may pake si Tita sa'yo" bulong ni Ally.

"Hindi yon, mabait si mama naiintindihan ka niya" sambit ko pa.

"At...ano nga ulit ang ginagawa niyo dito sa U.S?" tanong niya ulit.

"Hindi obvious na dito na kami nakatira 'no? ganon ba kahirap tingin mo sa amin para hindi ma-reach ang California Life?" asik ni Allysa, tumango tango si Chaser.

"I'm just here because of some training programs, uuwi na rin siguro ako next year sa bansa to establish some business there. kayo ba?" tanong niya.

"Wala pang plano" sagot ko. "Hindi ko pa sure kung kailan uuwi" dagdag ko pa.

"Oh, I see...s-sorry hindi ko kayo maihahatid pauwi kasi nandito yung mga business partners ni Daddy." aniya.

"Okay lang, may car kaya kami...hirap naman ng tingin mo samin" asik ni Ally.

He sighed. "Okay" tumingin siya muli sa tiyan ko. "Who's the father of your child?" tanong niya.

"Secret, mas pogi pa sa'yo" si Allysa ang sumagot.

"Aleng, can you please shut up for a while? hindi naman pipe si Laine!" asik ni Chaser at sumiring nalang si Allysa.

"Basta" sagot ko, he sighed.

"If you need anything huwag kang magdalawang isip na tumawag sa akin, here" may kinuha siya sa pitaka niya at inabot sa akin ang calling card niya. "Here's my calling card, feel free to message me okay?" sambit ko at tumango tango nalang ako. "C-Can I have your number?" he asked at siniko ako ni Allysa.

"U-Uh, hindi ko saulo itetext nalang kita if ever" sambit ko.

"Aasahan ko yan." aniya. "Sa Los Angeles din ako naka based ngayon, kayo saan kayo dito sa L.A?" tanong ni Chaser.

"Sa Sundale Avenue" tugon ko.

"Bibisita nalang ako kung may time--"

"Ay huwag na, hindi ka naman kailangan don!" singit nanaman ni Allysa.

HTDOSMWhere stories live. Discover now