7

11.5K 356 190
                                    

--

Pagkagising ko ay agad kong chineck ang cellphone ko, umaasang mayroong kahit isang message lang mula sa kaniya ngunit hindi ako nagkamali.

From : Sir Sandro Marcos

Just got home. Sleep na ko Laine good night

He sent that at 2 A.M with a picture of himself. super cute niya kahit fierce lang.

I think he's still sleeping right now so I don't reply muna. I went to the kitchen to prepare breakfast. ako ang unang nagising kaya ako dapat ang magluto.

Habang naghahain ako ay nagising na si Allysa. "Inlove yarn?" aniya.

"Baliw hindi!" asik ko.

"Anong hindi, yang mga ganyang ngiti alam ko na yan Laine jusko huwag mo nang i-deny!" saad ni Ally. nagdasal muna at kumain na kami. habang nakain kami ay may kumatok sa pintuan. "Ako na" tumayo si Ally at nagtungo sa pintuan.

"W-Where's Laine?" its Chaser. napatigil tuloy ako sa pagkain.

"Nakain kami Chuseng tara sumalo ka na kawawa ka naman parang di ka pa nakain payat payat mo na" pang-aasar ni Allysa at pinapasok si Chaser sa kusina.

He's holding a bouquet of Sunflowers and a paper bag of Jewelry. "L-Laine" iniabot niya sa akin ang gift niya at tinanggap ko iyon.

"Salamat. tara kain ka muna" sambit ko at sinandukan siya ng pagkain.

"T-Thanks" aniya at sumabay sa amin.

"Bakit ka nga pala naparito? aga natin ah? baka dalasan ang pagpunta nako baka sampalin ko utak mo!" iling iling na sambit ni Allysa matapos namin kumain.

"Actually I came here to say Goodbye" usal ni Chaser at nagulat kami ni Allysa.

"Anong Goodbye? aalis ka?" tanong nanaman ni Ally at tumango si Chaser.

"Im going to states. doon ako magtatrabaho, si Dad ang may gusto non kaya wala akong magagawa" sagot niya at nakampante ako. buti nalang at wala nang makulit na Chaser! pero...nakakamiss rin.

"H-Hindi ba mas maganda yon? malay mo doon mo na makita ang Forever mo" usal ni Ally at sinipa ang paa ko sa ilalim ng mesa.

Chaser laughed. "I hope so" aniya at bumaling sa akin. "Isang oras pa bago ang flight ko, at ikaw ang gusto kong makita Laine bago ako umalis ng bansa." he held my hand. "Ingatan mo ang sarili mo ah? just message me if you need anything, uuwi ako ng bansa kung kailangan mo ko. s-sige na, hinihintay na ko nila Daddy sa ibaba" aalis na sana siya pero.

"Chase" I called him for the last moment.

"Y-Yes?" naiiyak niyang usal at lumapit ako sa kaniya.

I hugged him. "Ingatan mo sarili mo don, huwag ka nang pasaway sa Daddy at Mommy mo para hindi ka na mapagalitan. huwag ka na rin mangbabae masama yon, joke." I laughed. "Ingatan mo nalang sarili mo at sana mahanap mo doon ang babaeng para sa'yo, alam kong ilang taon kang mananatili doon kaya...sana huwag mo kaming kalimutan ni Ally. sige na, ingat ka nalang at mamimiss ka namin" usal ko at bumitaw sa yakap. He kissed my forehead before going out of our unit.

"Grabe si Chuseng ano? ganiyan yung iyak niya nung nag break kayo eh, pero totoo mamimiss mo siya?" tanong ni Ally.

"Oo naman, kahit nakukulitan ako sa kaniya mamimiss ko pa rin siya" sagot ko.

"Hays, ako din...mabait naman yon kahit ganong mukhang kulang sa buwan" sambit ni Ally at niligpit na namin ang pinagkainan namin. lahat ng nagreregalo sa akin ng flowers ay pinepreserve ko at inilalagay sa vase, ngunit karamihan noon ay si Chaser lamang ang nagbibigay.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon