69

11.5K 440 1.1K
                                    

--

We went to the restaurant at nandoon si Chaser at Anne, magkaharap sila ng upuan kaya't pinag-iisipan ko kung saan ako uupo.

"Seat beside her secretary" bulong ni Sandro, at hindi ko alam kung bakit tumango ako at doon naupo. napangisi si Sandro nang makita ang nawalang ngiti ni Mr.Ly nang maupo ako sa tabi ni Anne, ang secretary niya.

"G-Good Afternoon, how's the meeting?" I asked. trying to be casual kahit medyo awkward ng mga reaksyon nila.

"Ayon ma'am, thank god sa blessings! grabe isa ang company natin sa isa sa mga highest earning company sa buong bansa, at I believe na dahil sa'yo yon Ma'am Hudson!" tuwang aniya.

Mr. Ly faked his cough. "Yeah, Anne was right Laine. well I can say that you are one of the reasons behind that. ikaw talaga ang swerte sa company natin, lalo na sa buhay ko" taas noong usal niya at pilit nalang akong ngumiti at lumingon kay Sandro na napaka sarkastiko ng emosyon ngayon.

"Yie!" kinikilig na sambit ng secretary niya.

"She's my lucky charm, ever since" sambit pa ni Chaser.

"Saan ka makakabili ng ganiyang lucky charm Mr. Ly? baka pwedeng makabili din ako" biro ni Sandro.

"Nako Sir nag-iisa lang yan si Ma'am Hudson! perfect yan sa totoo lang" sabat ni Anne.

"Yeah that's true and by the way let's just wait for the orders, mamaya ihahatid din yon dito sa table" sambit pa ni Chase. "Mr. Sandro Marcos matanong ko lang kumusta ang gf mo sa London? hindi ba siya magagalit na lumalapit ka kay Ms. Hudson?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Chaser.

Sandro lick his lower lip at at tumingin muna sa akin bago magbaling ng tingin kay Mr. Ly at muling ibalik ang tingin sa akin.

"Ano bang mararamdaman mo Ms. Hudson?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Sandro.

"H-Huh?" takang tanong ko.

"I mean ikaw? kung ikaw ang nasa posisyon ng girlfriend ko, anong gagawin mo?" he asked. kinabahan ako don ah!

"W-Wala naman tayong ginagawang masama, we're just working lang naman so...wala akong mararamdaman" sagot ko.

"Sabagay, itong si Laine kasi ay hindi talaga siya selosa--" kinakabahan ako sa bawat reaksyon ni Sandro.

Hindi ako nagseselos kay Chaser kasi hindi naman nakakaselos. pero selosa talaga ako, lalo na kay Sandro dahil iba talaga siya. he really is a womanizer. for sure 50% sa lahat ng babaeng tinitigan niya ng eye to eye ay na fall at ako yung pinakauna sa pursyento na yon.

"Naging kayo pala?" tanong ni Sandro kay Mr. Ly at proud na proud siyang tumango. hindi ko alam kung ano ang tawag sa itsura ni Sandro. para siyang natatawa na tumatango na hindi ko maintindihan.

"Ang tagal din namin, 3 years? 4 years?" sambit ni Chase at bumaling sa akin. "Ilan nga ba Laine?" tanong niya bigla.

"Ewan ko limot ko na" diretsahang sagot ko. eh, totoo namang hindi ko na matandaan. sa dami ba naman ng isipin ko sa buhay aalalahanin ko pa ba yun?

Natigilan si Chaser at pilit na ngumiti. "Y-Yeah, matagal na yon kaya siguro hindi matandaan ni Laine" sambit niya. "Pero ngayon, friends nalang kami" dagdag pa niya at nakita ko ang paghinga ng maluwag ni Sandro.

"I think that's much better Mr. Ly" tugon ni Sandro at ako ang kinakabahan sa bawat sagot niya. "Atleast you're both close to each other, diba?" aniya.

"Yeah, mabait kasi talaga si Laine. kapag nakilala mo siya for sure grabe!" saad ni Chase at natatawa nalang si Sandro. buti nalang talaga at dumating na ang order na pagkain at natigil na ang diskusyon tungkol sa nakaraan namin ni Chaser. baka mamaya kasi ay magselos nanaman itong si Sandro.

HTDOSMWhere stories live. Discover now