61

8.7K 349 653
                                    

--

I feel relieved when Lexia said those words to me, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. dagdagan pa ni Allysa na siyang pagpapalakas ng loob ko, silang dalawa ang naging pundasyon ko mula nang masira ako.

"Bakla okay ka na?" tanong ni Allysa habang naglalakad kami. si Lexia naman ay nagmamasid lang sa mall.

"O-Oo, okay na...salamat" tugon ko.

"Wala na yan teh, ilang taon na ang nakalipas" sambit niya, she smiled for assurance.

Habang naglalakad kami ay nakatingin lang sila sa anak ko, ang ilan ay sinasabihan siyang cute, maganda, at tinatanong kung may lahi daw at sinasagot niya naman ito.

"I'm a filipina po" sagot niya palagi.

Paano ba naman, ang kulay ng mata niya ay katulad ng sa akin. hugis ng mukha at ilong ang nakuha niya sa ama at ang iba pa ay magkahalo na kami.

Habang naglalakad sa mall ay may nakasalubong kaming isang pamilyar na lalaki at agad siyang itinuro ni Lexia. "Ninong Chase, mommy!" turo niya kay Mr.Ly oo si Chaser.

Buhat kasi ng manganak ako ay lagi siyang dumadalaw sa akin, at nang nagtayo siya ng negosyo dito sa bansa ay kinuha na niya ako agad bilang empleyado. ang dami niyang naitulong sa akin kaya't kinuha ko siyang bilang ninong ni Lexia.

Kasalukuyang nakatayo si Chaser at may tinatawagan nang biglang tumakbo si Lexia papalapit at yakapin siya sa may hita. "Ninong!" sambit ni Lexia, at tila nagulat pa si Chase.

"Lexia, I missed you" binaba niya kaagad ang tawag at binuhat ang anak ko. "Where's mommy?"tanong niya at tinuro kami ni Lexia.

"Oh anong ginagawa mo dito?" tanong kaagad ni Allysa. huwag naman sana silang magbardagulan sa harap ng anak ko.

"Aleng, hindi ba halata? may shares ako sa mall na 'to" sagot niya. oo nga pala, may shares rin pala siya sa mall's ng mga Zobel De Ayala.

"Hoy huwag mo kong mayabang yabangan Chuseng baka sapakin kit--"

"Ninang don't away ninong chase po" awat ng anak ko at yumakap kay Chaser.

"Oh see? huwag mong ipakita ugali mo kay Lexia" asik pa ni Chase at kinumusta ang anak ko. "How are you?" he asked.

"I'm fine ninong! mommy, ninang and I just went to the Parent's day and mommy cried" nakangusong kwento ng anak ko.

"Really? why?" tanong ni Chaser sa anak ko.

"She told me that she's proud and happy for me" sagot ni Lexia.

"Yes, your mommy, ninang and I are very proud of you! sana nanood ako kanina" sambit ni Chase.

"It's okay ninong, I wish next time you'll watch me na" tugon ng anak ko.

"U-Uh, Lexia baba ka muna kay Ninong baka nabibigatan na siya" usal ko dahil nakakahiya kay Chase, bumigat kasi si Lexia tapos naka coat pa siya at halatang busy.

"No Laine, it's okay. kumain na ba kayo?" tanong niya.

"Nawalan kami ng gana nung nakita ka namin" sagot ni Allysa.

"Kami nalang tatlo kakain kung ayaw mo" sambit ni Chaser sa kaniya. "Tara Laine kain muna tayo, treat ko kayo" aniya. wala na akong nagawa kundi pumayag nalang.

"Ang malas naman nakita pa natin yan!" asik ni Allysa.

"Hayaan mo na, masaya naman si Lexia kasi nakita niya ninong niya eh" tugon ko.

Chase ordered a lot of foods halos lahat ay paborito ni Lexia. "Wow!" humahangang sambit ng anak ko nang makita ang mga nakahain.

"Eat all you want Lexia, it's all your favorite right?" usal ni Chaser.

HTDOSMWhere stories live. Discover now