66

11.1K 444 1.3K
                                    

--

"I forgot to tell you yesterday, Ms. Hudson. but yeah, Mr. Sandro will work with us starting for today" I was literally shocked while staring at Sandro. he looks at me with that sarcastic face kaya napalunok muna ako bago mag-isip ng sasabihin.

Hindi ba natatandaan ni Sandro? na binabanggit ko si Chaser sa kaniya noon?

"Ms. Hudson are you okay?" tanong ni Mr. Ly at napalunok ulit ako.

"Mukhang nakakakita yata ng multo si Ms. Hudson, Mr. Ly" tugon ni Sandro tuluyan na akong pumasok.

"G-Good Morning" bati ko sa kanilang lahat at pilit na ngumiti.

"Good Morning Ms. Hudson" diniinan niya ang pagkakabanggit sa apelyido ko.

"G-Good Morning, M-Mr. Sandro" sa sobrang utal ko ay nakikita kong natatawa na si Sandro. nang-aasar ba siya?

"I hope you enjoy your working days here, Mr. Sandro. tayo tayong apat lang naman ang palaging magkasama, Ms. Hudson, ikaw, ako at si Anne. ang secretary ko" sambit ni Mr. Ly.

"That'll be fun, Mr. Ly. I'm expecting to have a strong bond with all of you. sana hindi ninyo ako iwan" Sandro emphasized the last word, again.

"Of course! hindi namin gawain ang mang-iwan, right Ms. Hudson?" tanong ni Mr. Ly.

"P-Po? o-opo..." utal kong sagot at nagpapalit palit pa ng tingin sa kanila, at itong si Sandro naubo pa kunwari!

"I see" natatawa niyang sagot. "Do we have an appointment for today?" tanong ni Sandro. nananatili akong gulat at nagpapalit palit lang ng tingin sa kanilang dalawa. ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko dahil isang metro lang ang layo ko kay Sandro.

"Yes, we're gonna go to the business meeting later, but I need to go first to the Ayala Corporation." sagot ni Mr. Ly

"Mmm, okay" tugon ni Sandro.

"Ms. Hudson is there anything wrong?" Mr. Ly asked napalunok nanaman ako.

"W-Wala po" sagot ko.

"Are you sure?" he asked at pilit akong tumango. "Okay, well I guess let's start this day with a smile" sambit ni Mr. Ly at ngumiti. "Ms. Hudson, why are you ain't smiling?" he asked at balisa akong nag pilit ngumiti. "Let's tour Mr. Sandro Marcos to the hotel and to his office" sambit ni Chaser at pilit akong sumunod sa kanila.

Magkatabi silang tatlo sa unahan at ako'y nasa likuran lang nila habang naglalakad. punong puno ng tanong ang isip ko na...diba may girlfriend siya? anong rason naman ang nakita niya para mag-stay dito? akala ko ba babalik din siya sa London? and what's worst, dito pa talaga siya nag-trabaho.

Si Mr. Ly at ang secretary niya ang ang totour kay Sandro at nakikinig lamang ako sa kanila. hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring nararamdaman ang panginginig ng mga binti ko dahil ang tinaguan ko ng ilang taon ay nandito sa harapan ko.

Nahihiya ako sa kaniya. sobrang nakakahiya ang ginawa kong pag-alis pero...kung galit siya sa akin bakit dito pa siya nag trabaho?

"This hotel was very, very nice. one of the world class hotel here in the country that I've ever seen" sambit ni Sandro nang makarating kami sa rooftop.

"Well the design was very modern, that's why it is the 5-star hotel here in the Philippines na kadalasang dinudumog. we have the most accomodating employees, we have the best service and we have the best manager" nagulat pa ako ng marinig ko iyon. binaling tuloy nila ang tingin sa akin.

"The best yan si Ms. Hudson sir! maganda na mabait pa" sabat ng secretary ni Mr.Ly

Sarkastiko namang ngumisi si Sandro. "Halata nga" tugon ni Sandro at pilit akong ngumiti sa sobrang awkward. para lang akong nagpapakain sa kinatatayuan ko.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon