63

8.9K 369 567
                                    


--

Kinagabihan ay nanatili lang akong gising at nag-iisip ng kung ano ano, tulog na si Lexia sa tabi ko at tulog na rin siguro si Allysa. pilit kong pinapatulog ang sarili dahil may pasok pa ako bukas. Kailangan kong magtrabaho para sa anak ko at kailangan kong maging matatag para sa kaniya ngunit hindi maalis non ang katotohanan na nandito na sa bansa si Sandro.

"We're breathing the same air" bulong ko at mapait na ngumiti. may pamilya na kaya siya? kung meron man, titiisin ko ang lahat at hindi ipapakita si Lexia sa kaniya. it was all my fault...or...was it really my fault?

All I did was the very best for us during that time. kung hindi ko tinago si Lexia siguro unti unti na akong pinapatay ng mga taong yon hindi pisikalan kundi sa emosyonal at mental na paraan.

Ang bilis ng pangyayari kanina. apat na taon buhat ng huli ko silang nakita at ang huling beses na iyon ay ang gabing umalis ako at iniwan ko sila. ano nalang kayang iisipin nila sa akin? natural ay galit sila dahil sa dami dami ng naitulong nila sa akin ay nagawa ko pa silang iwanan.

Lumabas lang ako saglit ng gabing iyon at tumingin sa kalangitan. "Sana kapag pinagtagpo niyo kami maging payapa na ang lahat, at sana kapag nagtagpo na kami ay wala nang hahadlang sa amin" lumuluha kong sambit habang nakatingin sa buwan. "Is this our next eclipse, babe?" I asked the moon, na akala mo'y sasagutin ako non.

May plano naman talaga akong ipakita ang anak ko kay Sandro pero hindi yon sa ngayon. hindi yon bukas, at hindi yon sa mga susunod na araw, may tamang oras para don at hindi ko pa alam kung kailan. sa oras siguro na hindi namin inaasahan...o...sa oras na walang nakakaalam.

"Papasok ka pa ba buk--"

"Ay lugaw!" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig si Allysa, medyo nagulat din siya.

"Gaga ka nagulat din ako sa'yo!" aniya at napahawak sa dibdib. she sat beside me. "Umiiyak ka nanaman." aniya.

"Iniisip ko lang na paano kung magtagpo si Lexia pati si Sandro, anong gagawin ko?" I asked.

"Wala kang magagawa don" tugon niya.

"Paano kung magtagpo kami tapos g-galit siya sa akin, galit sila sa akin" tanong ko ulit.

"Hindi nila maiiwasang hindi magalit lalo na sa ginawa mo Laine. sabihin na nating, sinalba mo ang sarili mo pati si baby nung mga panahon na yon pero...hindi yon sapat na dahilan para itago si Lexia at iwanan sila" aniya. "Napakaraming paraan, sadyang nagpadala ka lang sa takot" sambit niya.

"Nung nakita ko sila kanina...naalala ko lahat, lahat ng ginawa nila para sa akin...para sa amin ni mama pero, ganon ba ako kasama para iwanan sila?" tanong ko.

"Ginawa mo lang kung ang sa tingin mo ay mabuti. diyos nga nagpapatawad Laine, sila pa kaya? knowing that the Marcoses really loves you...for sure tatanggapin ka nila" aniya.

"Eh si Lexia? matatanggap kaya nila? o...baka magduda sila sa kaniy--"

"Jusko teh, kita mo ba kinikilos ng anak mo? Sandrong sandro teh, tas yung ilong kuhang kuha tas yung accent pa! hindi mo madedeny teh. kulay ng mata lang ambag mo sa itsura ni Lexia" sambit niya.

I sighed. "Basta. dadating din yung tamang panahon na magkikita kita kami...kapag wala na sa kanila ang mata ng mga tao" tugon ko.

"Eh pano yan? nakita ka kamo ni Vinny, papasok ka ba bukas?" tanong ni Ally.

"Wala na akong mapalusot kay Chase eh--"

"Jusko! utuin mo lang yan tamo!" asik niya.

"Hindi, papasok ako. hindi naman siguro ako para pag aksayahan ng oras ni Sandro tsaka...for sure busy yon at walang oras na hanapin ako dahil siguro ay galit siya sakin" tugon ko. "Sa tingin mo sis, may girlfriend na si Sandro?" tanong ko ulit.

HTDOSMWhere stories live. Discover now