32

11.9K 402 449
                                    


--

Sandro and I decided to stay here in their house sa Manila, sinabi ko iyon dahil baka masyado nang magastos ang biyahe at baka napapagod na siya ng sobra. well, I think it's a good choice dahil mas malapit ito sa House of Representatives at sa Malacañang. We're here for almost a week.

Tomorrow is the day that I will start selling, marami kaagad ang umorder kabilang na ang tito ni Sandro na si Majority floor leader Martin Romualdez na umorder ng lunch for his team, at pastries for his family dahil uuwi daw siya sa Leyte bukas after ng trabaho.

Si Sandro ay busy at nasa kwarto lang namin siya ngayon, kaya't heto busy rin ako sa pagbebake. I already baked cookies na may umorder ng 7 box at Crinkles na may umorder ng 5 box. 3 cake at 10 box ng cupcake nalang ang ibebake ko at madali na iyon sa akin.

Bukas na ako magluluto ng lunch at gusto nila ng Kare-Kare kaya iyon ang iluluto ko. namalengke na rin ako ng Ingredients para iluto nalang bukas, kayang kaya 'to! halos ang buong kitchen nila ay ako na ang gumagalaw, may mga stocks na rin ako dito ng Baked cookies at crinkles para cupcake at cake nalang ang gagawin ko.

"Babe, can I eat your cookie?" halos mapatalon ako sa gulat habang nagawa ng fondant nang bumaba si Sandro.

"Get that jar of cookie para hindi ka na bumaba" turo ko sa isang Jar na binake ko for us.

He kissed my cheek. "Thank you..." sambit niya at kinuha ang Jar at Milk sa ref.

"Message mo nalang ako kung may ipapakuha ka para hindi ka na bumababa, may ginagawa ka pa diba?" usal ko.

"May ginagawa ka rin" tugon niya.

"Y-Yeah, but that doesn't bother what I'm doing right now. ikaw kasi kailangan mo talaga gawin yun kaya kung may ipapakuha ka just message me okay?" sambit ko at tumango siya.

"Okay, Madam" aniya. "Thank you" he kissed my cheeks again before going upstairs. it's almost dinner 6:30 P.M kaya't binilisan ko na ang ginagawa kong fondant, mabilis naman itong natapos at nagluto agad ako ng dinner namin ni Sandro. I just cook steak for us, while baking. nang matapos ako mag bake ay ini-rest ko ang mga cakes at inakyat ko na ang pagkain ni Sandro.

I knocked. "Sandro let's eat" usal ko at pinagbuksan niya ako.

"Wow, what's that?" tanong niya at kinuha ang dala kong tray.

"Steak with mashed potato" sagot ko.

Inilapag niya iyon sa may table sa veranda ng kwarto namin at doon kami nagsimulang kumain. "Medium rare"sambit niya at kumain.

"Marami ka pa bang papers na ginagawa?" tanong ko.

"Uh...actually hindi na ganon kadami but I can finish it tonight" sagot niya.

"Just call me if you need help" sambit ko.

"I will" aniya. "How are you? and those pastries that you're baking?" tanong niya.

"Okay lang ako kasi sanay naman ako sa pagbebake, malapit na rin ako matapos lalagyan ko nalang ng fondant at icing yung mga cakes at cupcakes" sagot ko.

"Are you enjoying what you're doing?" he asked at nakangiti akong tumango.

"Yeah, of course...nag-eenjoy ako kasi sa simpleng Thank you at pag sabi ng maganda sa binebenta ko eh, napapasaya ako non. sobra sobrang tuwa ang nadudulot sa akin non" sagot ko.

"That's good, sana mas marami pa ang umorder sa'yo" aniya.

"Sana nga..." tugon ko. nang matapos kami kumain ay agad kong nilinis at inayos ang lamesa bago bumaba at hugasan iyon. gusto ni Sandro na siya ang gumawa pero alam kong mas importante ang mga papeles na ginagawa niya kaya ako nalang.

HTDOSMWhere stories live. Discover now