62

9.2K 361 912
                                    


--

Maaga akong nag-out at umuwi ng bahay upang tuparin ang hiling ni Lexia na dumalaw sa Lola niya. it's 4 P.M, tamang oras lang para hindi na mainit dahil lagi kaming nagpipicnic kapag nagpupunta doon.

Nang makarating sa bahay ay nasa labas na si Allysa at Lexia. my daughter was wearing a purple dress and purple doll shoes, as always ay mayroon siyang dala dalang bag na may mga essentials niya. naka pigtail lang ang buhok niya at sobrang cute.

Pumasok nalang sila kaagad sa sasakyan nang bumusina ako. "Mommy!" masayang bungad ni Lexia nang makapasok sa kotse.

"Hi baby!" sambit ko. she kissed me at naupo sa tabi ng ninang niya, she tell me many stories again. yung iba ay paulit ulit pero karamihan ay ang mga ginawa niya ngayong araw. we just stopped to buy some fresh flowers at mabilis naman kaming nakarating sa puntod ni mama.

Lexia put the flower on her lola's grave. "Hello Lola" bungad niya at nilinis ang mga dumi sa lapida ni mama. "Your gravestone has a lot of dirt na po, sorry lola...mom's busy at work and we cannot visit you sometimes" aniya.

Habang kinakausap niya si mama ay naglatag na kami ni Ally ng blanket at inayos ang mga pagkain. "Lola you know what? mommy told me that she's very proud of me because I did a good job in my performance and I'm so very, very, happy! but...I don't like to see her crying lola, it also makes me cry" sambit niya pa.

"Hirap talagang ipakita sa kaniya kapag umiiyak ako, napaka concern niya" sambit ko kay Allysa.

"Ganyan talaga siya bakla, alam mo namang pinalaki natin si Lexia na napapalibutan natin ng mga positibong tao tsaka pagmamahal, at mabuting pag-aalaga kaya ganiyan nalang kabait ang anak mo" tugon niya.

"Sobrang bait nga niya kung tutuusin pero...grabe lang talaga yung sakit kapag tinatanong niya yung daddy niya" usal ko.

"Teh sabi ko na sa'yo dati diba? na dadating at dadating ang araw na maghahanap si Lexia ng tatay, hindi natin pwedeng pigilan ang tadhana Laine. lalo na't nanalo ulit bilang Presidente sa ikalawang termino ang lolo niya." aniya.

"Hindi pa sa ngayon yon Allysa, ano nalang ang kumento ng media sa anak ko? anak ng malanding sekretarya na nagpabuntis sa bos--"

"Ay! malaman ko lang magsabi niyan sisilaban ko sila pareho ni Chuseng!" asik niya kaagad.

"Pero alam kong iyon ang sasabihin nila, baka nga mas grabe pa kaya nag-iingat ako. may tamang oras para rito--"

"Kailan pa? kapag may pamilya na si Sandro? kapag tuluyan ka nang kinalimutan ni Sandro? Laine kung hindi ka gagawa ng paraan para magkita yung mag-ama kawawa ang anak mo. iba pa rin ang pagmamahal ng ama Laine" sambit ni Allysa.

"Alam ko naman. lagi kong sinasabi dati na hindi ko ipaparanas sa anak ko na mawalan ng ama...na hindi ko ipaparanas sa kaniya ang mga sakit na naranasan ko pero ito, hindi ko tinotoo." tugon ko.

"Hindi pa huli ang lahat bakla, bata pa si Lexia. kung dadating man ang tamang oras para magkita yung mag-ama, sana bilisan ng oras...hindi mo mapipigilan ang tadhana Laine at ang dapat mong gawin ay sumabay sa agos--"

"Patay na isda lang ang sumasabay sa agos Allysa. I need to be stronger enough for my daughter, I'll do the best for us pero katulad nga ng sinabi mo...if it is God's will, then it will be" tugon ko at mapait na ngumiti.

Nililinis pa rin ni Lexia ang puntod ni mama dahil medyo maalikabok na iyon. "Alright lola, it's already clean!" aniya at pinagpag ang kamay.

"Alcohol and wipes anak" sambit ko at lumapit siya sa akin. I wipe her hands with the wipes and put some alcohol in it.

HTDOSMWhere stories live. Discover now