43

9.8K 302 489
                                    

---

"W-Wala, m-media lang siguro" sagot ni Sandro.

"S-Sigurado ka ah? baka kung ano na yon?" sambit ko.

"N-No, no, media...m-media lang yun" halatang halata ang pagiging utal niya. nagkibit balikat nalang ako at nanatiling tahimik.

Nang makauwi ay dumiretso kaagad ako sa kusina upang magluto. I cooked chicken curry and I also checked the Chocolate mousse cake that I've made last night, ito ang Valentines gift ko sa aking boss na si Sandro.

"Happy Valentine's day Sandro..." bungad ko nang lumabas siya galing sa office.

Halatang gulat siya at napangiti. he wants to hug me kaya't ako na ang gumawa non. "Happy Valentines Lallaina" tugon niya. I missed that hug! hindi man kasing higpit ng dati at hindi man kasing sinsero tulad ng dati ay halata mo ang pananabik sa yakap na iyon.

"Tara na, kumain na tayo" agad ko siyang inaya sa dining area at hinainan ko siya.

"You're turning 31 what's your plan?" I asked.

"Well same as my old plan" tugon niya.

"Na tumulong sa tao?" tanong ko at tumango siya.

"Yeah, pero kung hindi na nila kailangan ng tulong ko edi hindi na." tugon niya.

"Tatakbo ka pa ba next Election?" I asked again.

"Hindi na, pahinga muna then work ulit" aniya.

Buti naman at kahit papaano ay naiibsan ang lungkot namin ni Sandro, dahil nagiging mabuti ulit kami sa isat isa. we're sharing stories again, malapit ulit kami pero hindi kagaya ng dati, pero...ayos na ito basta nagkakaroon ng improvements.

"What's your plan next year Laine?" he asked.

"Nandito na naman si Mama nun, so...trabaho lang..." tugon ko.

"Next month is my birthday, y-you wanna come with me? i-in London?" he asked.

"Of course!" tuwang sambit ko.

Ilang taon na rin buhat nang umalis kami ng bansa kaya't pumayag na ako. naging abala naman kami ni Sandro sa trabaho, ito na ang huli niyang termino at sa May na ang botohan.

"Ayan! nakaka excite naman tumira dito, dito ka na rin ba titira bakla? o dun ka pa rin kay Sandro?" tanong ni Allysa nang araw na magtungo kami sa bahay.

"Uh...I decided na kapag may trabaho doon muna ako, at kapag wala uuwi ako dito" sagot ko.

"Ay oo tama yon, yung condo natin ipapa-rent ko nalang para dagdag income din pang bayad dito sa bills" tugon niya.

"Oo nga pala, sige na papayag na ako na ikaw ang magbabayad ng kuryente--"

"Pati tubig!"

"Pati tubig" pag-uulit ko.

"Sis huwag ka na mag-inarte, kita mong ang mura na ng kuryente ngayon mag-iinarte ka pa ba?" aniya.

"Oo na nga pumapayag na!" asik ko. naglinis lang kami at nagsimulang maglagay ng mga halaman, paniguradong magugustuhan 'to ni Mama!

"Ay teh nakita ko ang Chuseng sa Amerika! hindi ka maniniwala sa nakita ko!" chika niya. kakagaling niya lang pala sa Amerika nung isang linggo.

"Oh anong nakita mo?" tanong ko. nandito nga pala kami sa Starbucks, nagmemeryenda lang.

"Gaga ang Chuseng mukhang santo na ngayon!" aniya at natawa ako.

"A-Anong mukhang santo?" takang tanong ko.

HTDOSMWhere stories live. Discover now