44

12.3K 355 959
                                    

---

Dumating ang ilang araw at puro selosan lang ang nagaganap sa pagitan namin ni Sandro. halatang medyo pikon na siya but he started this, I'm just going with the flow.

"We can meet up on my birthday right? I have a companion yeah, my secretary" rinig kong usal ni Sandro sa kausap niya.

I laughed and looked away. "Selosan pala gusto mo ah..." bulong ko sa sarili.

Kinagabihan ay kausap ko si Allysa. "Ang sarap dito sa bahay, ang tahimik at sobrang chillax" aniya.

"Enjoy ka na muna dyan--" biglang sumulpot si Sandro na papunta sa gawi ko kaya't umacting na ako. "Kumain ka na ba? pag nagkita tayo ipapatikim ko sa'yo ang cookie ko!"

"Gaga ka anong sinasabi mo?" si Ally. gusto kong matawa lalo na't nakita ko sa gilid ng mga mata ko na natigilan si Sandro at nakikinig sa amin.

"Oo masarap ang cookie ko, special" sambit ko.

"Si ano palang nakakatikim ng cookie na yan, di tayo talo bakla!" sigaw niya, gusto kong tumawa ng sobrang lakas.

"Huh? oo, ingat ka dyan ah? i-kumusta mo ako kala Tito at Tita..." pang-aasar ko.

"Ano bang sinasabi mo? baliw ka na ba?" asik niya.

"Oo magkikita tayo pag-uwi ko dyan sa Philippines..." tugon ko.

"Ewan ko sa'yo Lallaina! hindi ka naman kulang sa buwan, wala ka namang ubo sa utak pero anong trip 'to?" asik niya.

"Ano dyan sa house mo? tayong dalawa lang--"

"Who's that?" hindi na nakatiis si Mr. Seloso.

"Ayan tanga ka yari ka kay Sandro" asik nanaman ni Ally at sobrang pula ko na siguro sa kakapigil ng tawa.

"Ah iyon? boss ko lang yon, huwag kang mag-alala mabait yon...hindi siya nangangagat" humaglpak ng tawa si Allysa at natawa na rin ako.

"Gaga ka talaga!" aniya.

"Sige, sige...bye...ingat!" sambit ko at pigil tawang ibinaba ang tawag.

"Who's that?" taas kilay na tanong ni Sandro.

"Uh...secret" sagot ko at bumuntong hininga siya.

"Aalis ako" sambit niya bigla.

"Ah okay, ingat!" nakangiti kong tugon.

"Are you not gonna ask me where I am going?" he asked.

"Uh...hindi sana pero saan ka ba pupunta?" I asked, pigil tawa. halatang inis na! bumuntong hininga ulit siya.

"Sa kausap ko!" sagot niya.

"Ah, sige ingat" tugon ko at umalis.

Agad akong pumasok sa kwarto at humagalpak ng tawa. kung makikita niyo lang ang reaksyon niya kanina, parang gusto na niyang agawin ang phone ko! tinawagan ko nalang si Allysa at ipinaliwanag ang ginawa ko.

"Gaga ka, anong trip yon?" natatawa niyang tanong.

"Pano pinagseselos niya ko sa kausap niya edi binawian ko" sagot ko.

"Gaga kayo lalakas ng topak niyo sa buhay!" asik niya at natawa ako. "Bakla malay mo totoo pala yon tapos hindi ka pinagseselos?" natigilan ako. "Ayun oh natigilan siya ih" asar niya.

"Edi...edi totoo" sagot ko.

"Sus! kunwari hindi nagseselos pero deep inside..."

"Ah basta! kung may girlfriend siyang iba edi bahala siya" tugon ko nalang.

"Tapos ininvite pa sa birthday party niya 'no? baka magwala ka don ah? easyhan mo lang" pang-aasar pa nitong bestfriend kong mabait.

"Luh, bakit naman ako magwawala? hahayaan ko nalang sila at uuwi ako ng pilipina--"

HTDOSMWhere stories live. Discover now