14

12.4K 361 328
                                    


(Imagine that Laine Hudson was the one who is singing and Simon Marcos as the one that plays Guitar)

---

Kinagabihan matapos namin kumain ng hapunan ay nagtungo kami ni Simon sa Garden. Vinny's in his room, dahil may katawagan raw ito.

"Uso pa ba ang harana? marahil ikaw ay nagtataka...Sino ba 'tong mukhang gago, nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba...meron pang dalang mga rosas... suot nama'y maong na kupas...at nariyan pa ang barkada nakaporma naka barong, sa awiting daig pa minus one at sing along" kumakanta ako habang tumutugtog si Simon. Harana, by Parokya ni Edgar.

"Continue" sambit ni Simon, at pinagpatuloy ang pagtugtog while staring at me.

"Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin...sa'yong tingin akoy nababaliw giliw" I looked at Simon and I smiled while singing. he looked away. "At sa awitin kong ito sana'y maibigan mo...ibubuhos ko ang buong puso ko...sa isang munting harana...para sa'yo" I also looked away after singing.

"You really have an angelic voice Laine, ang ganda ng boses mo" sambit niya.

"Huy shh ka lang! baka mamaya kuhanin akong singer nako, wala ka nang magandang Bestfriend!" tugon ko at natawa siya.

"Come on, let's continue the song till the end" usal ni Simon at muling tumugtog.

"Hindi ba't parang... isang sine... isang pelikulang romantiko, hindi ba't ikaw ang bidang artista? at ako ay iyong leading-man sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas..."

"Go..." usal pa ni Simon na akalang titigil ako.

"Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin...sa'yong tingin akoy nababaliw giliw at sa awitin kong ito sana'y maibigan mo...ibubuhos ko ang buong puso ko...sa isang munting harana...para sa'yo" pagkanta ko.

"Great!" si Simon matapos tumugtog.

"Shh ka lang sa boses ko Si! dalawa palang kayong nakakarinig niyan, ikaw pati Bestfriend kong si Ally palang" sambit ko at sumenyas ng shh.

He laughed. "Of course, its not recorded I promise" aniya.

"Hmmm, buti naman" sambit ko. "Ano kumusta na yung babaeng gusto mo?" I asked.

"I think she's doing fine today, she ate 3 times today...and I think she's happy" sagot niya.

"Wow naman, nag-uusap pala kayo?" tanong ko.

"Of course, I always talk to her" sagot niya.

"Naks! kinikilig ako sa inyo, swerte niya sa'yo!" sambit ko at umakto na kinikilig pa. nakakakilig naman talaga kasi.

He laughed. "Why are you kinikilig?" tanong niya.

"Nako Si, tignan mo full package ka na! kayong magkakapatid. matalino, talented, tapos ang gwapo mo tapos...tapos mabait ka, at marami ka pang mabuting characteristics oh diba?" paliwanag ko.

"You think she'll like me too?" he asked.

"Jusko oo naman! kahit sinong babae Simon magugustuhan ka" sagot ko, at ngumiti siya.

Natulog na kami pagkatapos magkuwentuhan. I'm thinking about Sir Sandro...medyo naiilang tuloy ako dahil sa ipinakita ko kahapon. baka mamaya sisantihin niya ako! kinabukasan ay normal na araw lang, more on pahinga lang sila Tita at Tito dahil malapit na ang Oath taking ni Tito sa Manila at bukas daw ay dadating na ang mga pinagawa naming Filipiniana at Barong.

"You'll meet Mama Meldy Laine, my Mom" usal ni Tito Bong.

"Hala! what an honor Tito!" tugon ko sa gitna ng pagrerelax namin sa Garden. nakaupo si Tito sa Sofa roon at kami ni Simon at Vinny ay nag gigitara. Sir Sandro as usual he's using his phone, kausap siguro ang girlfriend. hindi ako tumitingin sa gawi ni Sir Sandro dahil hindi ko alam! n-nagseselos ba ako?

HTDOSMWhere stories live. Discover now