46

9.1K 315 243
                                    

---

Nakausap ko na ang doktor na sumusuri kay sa aking ina. ayon sa kaniya ay malala na ang breast cancer ni Mama at kailangan na siyang operahan, wala na daw akong kailangang intindihan sa hospital bills maliban sa gamot.

"Kaya mo na yan teh, nandito ako willing ako mag-abot kahit magkan--"

"Hindi, ako na...kaya ko 'to may natitira pa naman akong ipon" sambit ko.

"Nako sis para sure hingi tayo ng help kila Sandr--"

"Marami na silang naitulong Ally, kaya ko 'to" I cut her off again.

"Ang taas ng pride ah? hoy kita mong politiko ang jowa mo, kung ibang tao natutulungan malamang sa malamang ikaw na girlfriend tutulungan din!" asik niya.

"Mas maganda kung itulong niya sa ibang mas nangangailangan kaysa sakin." tugon ko at nasapo niya ang noo.

"Ewan ko sa'yo! masyado kang mabait!" singhal niya at nagtungo na kami sa pharmacy ng ospital para bumili ng mga gamot.

"Ma'am kulang pa ng 500 ang bayad niy--"

"Ito na po" naglabas si Allysa ng limang daan.

"Hindi sis ako n--"

"Magtigil ka Lallaina kukurutin ko singit mo" bulong niya at inabot ang 500 sa pharmacist.

Oo aaminin ko, sobrang mahal ng gamot ni Mama. handa ko namang galawin ang naiipon kong pera para dito pero hindi sa ganitong klase ng sitwasyon. inipon ko iyong pera upang ipasyal si mama sa iba't ibang lugar dito sa mundo pero alam kong mas kailangan ni mama gumaling ngayon. kikitain ko naman ang pera.

"Kumain ka na ba bakla? tara bili muna tayong pagkain" si Allysa.

"B-Busog ako" tugon ko.

"Bumili pa rin tayo para sigurado, baka mamaya magutom ka eh" aniya. wala akong nagagawa kay Allysa. "Ano kaya yung kaso daw ni Sandro na binabanggit nung mga chikadorang marites na mga nurse na yon?" tanong ni Allysa.

"Hindi ko alam, ayaw sabihin ni Sandro." tugon ko.

"Hay nako, sana hindi totoo yon! dapat umattend na siya sa hearing para mapatunayan niyang hindi talaga totoo" sambit ni Allysa.

"Hindi yon totoo" bwelta ko.

"Oo nga teh, di ko naman sinabing truthfulness diba? oh tara na" aniya. pagkapasok namin sa kwarto ay natutulog si mama at si Sandro ay nakaiglip sa upuan. agad siyang humalik sa pisngi ko nang makita ako.

"Respeto" bulong ni Ally at natawa lang kami.

"Uwi ka muna kaya Sandro? pagod ka eh" sambit ko.

"No I'm not" agad siyang umayos ng upo upang ipakita sa akin na ayos lang siya.

"Hindi, pagod ka. sige na kaya ko na dito, nandito naman si Allys--"

"I'm also here" tugon niya.

"Oo nga pero kailangan mong magpahinga, isipin mo naman sarili mo" sambit ko, he sighed.

"I don't want to leave you and Allysa here Laine, sorry but I will stay" tugon niya nanaman. bumuntong hininga nalang ako at umiling.

"Sige, basta kapag pagod ka na umuwi ka na muna. gutom ka na ba? kakain ka?" I asked.

"Sa dami ng pinakain mo kanina tatanungin mo ko na gutom" aniya at natawa ako.

"Oh sige na, matulog ka muna sa couch" sambit ko. hinintay ko muna siyang makatulog bago kami magsalo ni Allysa sa tapsi.

Puro chika lang siya tungkol sa trabaho niya at puro advice lang sa akin. ang sarap lang talaga sa feeling na nandito si Allysa na nagpapasaya sa akin, si Sandro na siyang pahinga ko at si Mama na siyang lahat sa akin.

HTDOSMOù les histoires vivent. Découvrez maintenant