65

10.7K 394 1K
                                    


--

"Sabi ko naman sa'yo tanggapin mo ang magiging sagot teh, ayan tuloy iyak ka nanaman ng iyak!" sambit ni Allysa habang nagsasampay kami. "Tumahan ka na, baka makita ka pa ni Lexia na umiiyak nako! panigurado iiyak din yon" aniya.

Why does it hurt like this? I'm the one who left him...karma ko lang siguro 'to.

"Bakla, tahan na. pwede mo namang pagkitain yung mag-ama kahit may girlfriend na si Sandro, tsaka...girlfriend lang naman yon! pwede pang mag break hehe" sambit ni Allysa.

"Ayokong makasira pa sa relasyon nila kaya, sana patawarin ako ng Diyos at sana patawarin ako ni Lexia kung hindi ko maipapakita ang daddy niya sa kaniya" pinunasan ko ang luha ko matapos na sabihin iyon.

"Teh, hindi ka ba naaawa sa anak mo? araw araw niyang hinahanap ang tatay niya, ayaw niyang maging malungkot kasi sabi mo daw na maging masaya siya para mabilis siyang lumaki kaya...Laine, hindi pa huli ang lahat...bata pa si Lexia at hindi pa kasal si Sandro pwede pa yan" aniya.

"Napaka selfish kong nanay 'no? akala ko hindi mararanasan ni Lexia lahat ng dinanas ko noon pero...mukhang mas grabe ang ginagawa ko ngayon"

"Huwag mong sabihin yan. hindi ka selfish. iniisip mo lang ang kapakanan ninyong lahat, though maraming paraan pero mas pinili mo yung pinakamadali para sa'yo. nasa huli ang pagsisisi Lallaina, kung hindi ka kikilos sino ang kikilos?" tanong niya.

"Tadhana na ang bahala, pero sa ngayon poprotektahan ko pa rin ang anak ko" sagot ko. I can only feel the comfort in my daughter, she's the piece of me.

Kinabukasan ay dating gawi. maaga akong pumasok at nag trabaho para maagang makauwi. sana lang ay hindi na kami magkita ulit ni Sandro dahil sobrang awkward lang non para sa amin lalo na't may gf pala siya.

Masakit para sa akin dahil may anak kami. ayokong makasira ng relasyon kung maari dahil sinira ko na ang relasyon namin noon. hindi na ako naghahangad na balikan ako ni Sandro, gusto ko lang na maging masaya siya.

"Ma'am Hudson, pinapatawag po kayo ni Mr. Ly" sambit ng isang empleyado. kasalukuyang akong nagchecheck ng mga supplies dito sa hotel.

"Sige susunod nalang ako, tatapusin ko lang 'to" sambit ko. laking pasasalamat ko dahil hindi ako namumukhaan ng mga tao dahil alam naman ng lahat na ako ang nagdulot ng mga issue na yon kay Sandro.

Kapag nagkita kami ulit, ako na mismo ang lalayo. tutal mukhang galit siya sa akin at ayaw niya akong makita edi ako na ang mag-aadjust. and as if naman na magkita ulit kami dito diba? siguro ay babalik na din yon sa London bukas o sa makalawa.

Reason? anong reason ang hinahanap niya? wala naman na sigurong rason para manatili siya dito kasi nandoon ang trabaho niya, nandoon din siguro ang girlfriend niya at alam kong uuwi at uuwi din siya doon.

"Pakilagay nalang sa bawat rooms ah? tapos pakilinis yung mga Executive rooms natin kasi masyadong malaki yon at mahirap linisin ng mabilisan" usal ko matapos icheck ang supplies.

"Okay po Ma'am" tugon nila. nagpaalam lang ako sa kanila bago magtungo sa office ni Mr. Ly.

Pero bakit puro si Sandro ang nasa isip ko? focus nga muna sa trabaho Laine!

"Ms. Hudson, as the Manager of C. Ly group of company I want you to come with me sa meeting with the Zobel de Ayala's" narinig ko palang ang pangalan na iyon ay napalunok na kaagad ako. alam ko ang koneksyon nila sa mga Marcos!

"Uh...n-need ba talagang sumama ako?" bulong ko kay Chaser.

"Oo, kasi yung mga share holders kasama nila ang Managers ng company nila" sagot ni Chase. "Is there any problem?" tanong niya.

HTDOSMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon