Pinagpagan ko ang kamay ko at gano'n din siya, matapos ay muli niyang inilabas ang cellphone niya sabay tapat sa akin.

"Smile, Samantha," napanguso ako dahil panay ang picture niya ngayong araw.

"Ayoko nga," sabi ko at tinulak siya at dali daling tumakbo.

"What the?!" gulat na sabi niya kaya mas lalo akong natawa at binilisan ang takbo ko ng tumakbo rin siya para mahabol ako.

"Damn it, Samantha! Hindi mo sinabing gusto mo pala nang habulan."

Sabay tawa niya at napasigaw ako sa gulat nang agad niya akong mahuli at binuhat na parang bata.

Tawang tawa ako dahil nagmumukha kaming bata sa ginagawa namin, buti nalang ay walang ibang tao dito ngayon. Hanggang sa mapagod kami sa kakatakbo kaya naisipan na namin bumalik ng resthouse.

Pagdating namin ay marami nang nakahandang pagkain para sa tanghalian. Ramdam ko agad ang gutom ko kaya imbes na magpalit dahil sa buhangin na kumapit sa aking suot na damit ay  diretso na ang upo ko at nakita ang ngisi ni Jacob at napailing iling.

Inirapan ko siya at tumingin kay Manang Tessa na siyang naghanda ng lahat ng ito.

"Maraming salamat po, kain na po tayo Manang," sabi ko at tumabi na rin sa akin si Jacob matapos niyang maghugas ng kamay.

"Maraming salamat iha, pero kumain na ako. Kumain na rin kayo at sabihin niyo lang sa akin kung may gusto pa kayong kainin at ipagluluto ko kayo."

"Naku Manang, napakarami na po nito, maraming salamat po talaga."

Natawa sila sa akin at napatango tango.

"Oh siya maiiwan ko na ulit kayo at maglilinis pa ako."

Ngumiti ako pabalik at tumalikod na rin sila. Kinagat ko ang labi ko habang tinitignan lahat ng mga niluto nila, sa tingin palang ay alam kung mabubusog agad ako.

"Let's eat," sabi ni Jacob kaya agad akong sumandok ng kanin.

"Slowly Samantha, hindi ka mauubusan,"  natatawang sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa matapos ay napagpasyahan namin na magpahinga na muna at lalabas ulit mamayang hapon para pagmasdan ang paglubog ng araw. Gusto niya pa sanang libutin namin ang lugar kaso ay hindi ako pumayag dahil mataas na ang sikat ng araw.

Nakatulog din agad ako nang mga bandang ala una at nagising ng alasais ng hapon. Napahaba ang tulog ko dahil na rin sa ilang araw akong puyat at hindi makatulog. Napanguso ako habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin, suot ang puting bestida, sa pagkakatanda ko ay wala akong biniling ganito, pero nagustuhan ko ito kaya ito nalang ang isinuot ko, napatingin ako sa pinto ng kumatok na si Jacob.

Inipit ko sandali ang buhok upang hindi ulit ito magulo dulot ng hangin bago tuluyang lumabas. Nang mapatitig ako sa kan'ya pagbukas ko ng pinto ay ramdam kung may kakaiba sa kan'yang mata habang nakatitig din sa akin.

Ngumiti ako ng tipid at naunang naglakad, bahagyang nililipad na rin ang suot kung bestida. Inilibot ko ang tingin ko at medyo dumidilim na rin, para sa akin ay naging masaya ang araw na ito dahil tila nakalimutan ko ang nangyari.

Tumigil na ako sa paglalakad at bahagyang yinakap ang sarili nang biglang lumamig.

"Samantha," tawag niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmm?"

"Thank you," marahan niyang sabi.

Kumunot noo ako. "Para saan? Hindi ba dapat ako ang magpasalamat dahil dinala mo ako rito at kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko," sabay ngiti.

Ngumiti siya pabalik at muli akong napatitig sa kan'yang mata, ramdam ko ang lungkot doon.

"May problema ba?" mahinang tanong ko na agad niyang inilingan.

Nanlaki ang mga mata ko nang ginuyod niya ang pulsuhan ko at mahigpit na yinakap, namanhid ako dahil sa biglaang pagyakap niya, halos hindi rin ako makahinga ng maayos na tila mawawala ako ng wala sa oras dahil sa higpit nang yakap niya.

"Ayos ka lang ba Jacob?" tanong kung muli at hinayaan siya na yakapin ako.

"Always keep in mind that I'm always here for you. Whatever decision you choose, I will respect it."

Haharapin ko sana siya pero pinigilan niya ako.

"For five years, I know that you have always waited for the right to see him," huminto siya at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hinarap niya ako at ramdam ko ang lakas ng tibok nang puso ko.

Tila alam ko na kung bakit ganito siya ngayon, umiling ako dahil nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Pilit siyang ngumiti at kita ko ang pamumula ng kan'yang mga mata.

"Thank you for coming into my life, Samantha. I still wish the best for you. He's now in front of us. He wants to talk to you.." sabay hawak sa aking balikat at muling hinirap pakanan.

Nanginginig ang buong katawan ko at natutop ang aking bibig ng makita kung sino ang nasa harapan namin ngayon.

Muling nagtama ang aming mga mata.

"Ma..mateo."

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon