10 THOUSAND SWORDS

Start from the beginning
                                    

"A-Ah ang laki ng bahay!" hindi makapaniwala at namamanghang usal nito

si Laura ang nagbukas ng tarangkahan at pinauna niyang pumasok si Vermillion Blade pero hindi agad pumasok si Vermillion Blade sa kadahilanang bigla na lamang niya nakita sa isip niya ang tatlong pares na magkakaibang mga mata.

"Ano yun? Bakit nakakita ako sa isip ko ng Yellow, Green at Blue na mata? Gutom lang ba ako?"

'Nandito sila!' biglang sabi ni Escanor

"Sino?"

'Nandito sila Zeldries, Chiharu at Sukuna nararamdaman ko!'

"Pero bakit sila nandito?"

'Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may hindi tama.' nagdududang saad ni Escanor

Batid ng binata ang nais iparating ni Escanor sa kanya, kaya naman nagdesisyon siyang huwag na magpatuloy na pumasok duon.

"Sorry Laura, hindi na lang ako tutuloy sumama kasi ang pakiramdam ko."

Nagiba ang ekspresyon ni Laura sa kanya, kung kanina ay parang sweet ito ngayon ay hindi na. Taas ang kilay nitong nakatingin sa kanya.

"Ah ganun ba? Sayang naman."

"Pasensya na talaga, sa susunod na lang."

Walang nakapansin, kahit si escanor na may pinaka malinaw na mata ay hindi nakita na idinikit pala ni Laura ang isang talisman mula sa likod ni Vermillion, isang talisman na magpapawalang bisa sa phoenix robe.

"Wala ng susunod Blade." malamig na sagot ni Laura

"H-Huh? Anong--" umalingaw ngaw ang malakas na putok

At nanghawakan ni Vermillion ang kanyang tagiliran ay madaming dugo ang umaagos, nakaramdam siya ng agarang antok at bumagsak sa lupa.

Bago ipikit ang mga mata ay nakita niya si Laura, hawak nito ang baril na may balang hinaluan ng pampatulog at nakita niya rin ang mga luhang tumutulo sa mga mata nito.

"B-Bakit L-Laura...?" nanghihina nitong tanong sa babaeng mahal niya. "Paano mo-nagawa sa akin ito."

Niisang sagot ay wala siyang narinig kay Laura, hindi makapaniwala pareho sila Vermillion at Escanor dahil ang babaeng pinagkatiwalaan nila ay nagawang pagtaksilan sila.

                          *** ***

Present time...

Gino POV

"Blade, hindi ko hahayaang maging halimaw ka." usal ko kay blade  na alam kong kinokontro ng itim ng Phoenix

I Slightly moved away because I knew that even if I stopped him with my arms, he would not return to normal. Kaya't isa na lang ang naiisip kong paraan...

'Anong gagawin mo?! Bakit ka lumayo?' Dinig kong sabi ng halimaw sa loob ko

Hindi ako nag salita pero ginawa ko ang isang bagay na kaya ko para subukan ibalik ang anak ko.

"It's been 10 years mula ng gawin ko ito para iligtas ang napakaraming taong nadamay sa digmaan ng sundalo't rebelde, pero ngayon ay gagawin ko ito para sa anak ko."

'MANGMANG! KAPAG GINAWA MO YAN-'

"Alam ko ang mangyayari kapag ginawa ko ito, mabubulag ako ng isang buwan or worst ay habang buhay." sagot ko saka ngumiti ng mapait. "Eye's sacrifice, blood contro! Blood blood puppeteer!"

"Iron maiden." wika ng black phoenix "10, 000 swords!"

Nakita ko ang pagdilim ng kalangitan at mula sa kalangitan ay lumitaw ang napaka daming espada!

I chuckled, this is bad!

                         

                      *** ***

Olivia POV

Namamalengke ako ng marinig kong madaming tao ang nagulat sa pagdilim ng langitan.

"Ano yun? Uulan ba? Pero bakit sobrang kulay itim ang langit-" nagtatakang tanong ko pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ang napakaraming Esdapa mula sa itaas

"Tignan niyo, ano yun?!"

"Espada ba yun?"

"Ang lalaking espada!"

"Huwag mong sabihing uulan ng napakaraming espada?!"

"Naku katapusan na ng mundo!"

Napawak ako sa tiyan ko dahil sa takot at kaba sa aking nakikita. Tapos biglang sumagi sa isip ko si blade, nagaalala ako sa kanya baka
anong mangyari sa kanya.

"Blade sana ayos ka lang."

                          *** ***

Gino POV

"Iron Maiden, 10,000 sword!" sapagbanggit ni Blade nun ay ikinampay niya ang kanyang kamay na siyang dahilan para bumulusok sa pagbagsak ang mga espada

Pero hindi siya nagtagumpay...

Huminto ang mga espada na ikinagulat niya

"Anong nangyari? paano mo- naglaho bigla ang mga espada?"

"Blood puppeteer!" sabi ko. "Erase them all!"

"Ano?!"

"Hindi mo makokonrol ang isang bagay kapag walang tulong ng mga dugo mo, kaya pag kinontrol ko ito ako ang susundin nito!"

"KINOKONTROL AKO?!" nanlaki ang mga mata niya at kita ko ang sobrang galit niya sa sinabi ko. "NO!NNNNOOOO!"

Bakit galit siya?

"CHAIN OF THE IRON MAIDEN!"

"Huh?" naglitawan ang mga malalaking kadena at pumulupot sa buong katawan ko "Erase!" utos ko

Kinabahan ako ng makita kong hindi yun naalis ang mga kadena kahit na inutos ko na saka mabilis ako nitong pinasok sa loob ng iron maiden."

"Kung ganun hindi ko kayang kontrolin ang dugo niya." natawa ako dahil pakiramdam ko'y ito na ang huling araw na mabubuhay ako dahil nakita ko muli sa loob ng iron maiden ang tila malalaki at matatalas na...


MGA ESPADA.

"10,000 sword of Iron maiden, Kill him!"

"Kung ganun ito na nga ang oras ko." mahinang sambit ko na bahagyang nagbigay ng ngiti

Alam kong katapusan ko na pero masmahalaga sa akin ang anak ko kaya naman,

"Eye's sacrifice, Blood of the tiger king, bloody arts, blood cocoon."

SUNOD-SUNOD NA TUMUSOK ANG HALOS SAMPUNG LIBONG ESPADA SA KATAWAN KO.

Tumulo ang dugo sa aking bibig at dahan dahan ng pumikit ang aking mga mata at ang laman lamang ng aking isip ay pagsisi ko na "Sana pala naging mabuti ako ama at asawa sa babaeng mahal ko at sa anak ko, sanay naging masaya kami noon pero huli na ako."

Patawarin mo ako Blade.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now