92

5.4K 332 152
                                    

4-01

Squad without Goals

10:45 PM

Hirayana:

GUYS

HOW

I MEAN

PAANO

Danika:

Tinagalog mo lang haha

Hirayana:

PARA AKONG NABOBO 😭

Klax:

Ge nga kung matalino ka sagutin mo 'to

If 3x − y = 12, what is the value of 8x/2y?

Hirayana:

Magmahal

Kasi kahit kailan hindi naging mali ang magmahal

Hiiro:

HAHAHHAAHHAAH

Hirayana:

PERO GUYS

TOTOO BA 'TO

TALAGA????

Kasi parang ang surreal haha

I mean, hindi ko ma-explain.

Hindi ko kayang paniwalaan?

Danika:

Siguro kasi all this time you keep on telling yourself na friends lang kayo, hanggang doon lang.

Parang nilagyan mo na ng boundary agad.

Which I think is not wrong!

Para nga naman hindi ka mag-assume ng something more.

Hirayana:

Nakakatakot 🥺

Hiiro:

Ang alin?

Hirayana:

Ito.

Parang something's changing and I'm not sure if it will be a good or a bad change.

Klax:

O? Tapos?

Ayaw mo na?

Kasi nakakatakot?

Kasi maraming mababago?

Saan ka dadalhin ng takot mo?

Saka bakit ka matatakot, eh nandyan si Granger para samahan ka sa pagbabagong 'to.

Sabay niyong harapin 'yang takot mo.

Hirayana:

Gago Klax 😭

Klax:

Saka mo na isipin 'yang takot mo.

Maging masaya ka para sa sarili mo.

Kasi minahal ka rin ng taong mahal mo.

Hirayana:

ANO BANG GUSTO MO BESTIE IBIBIGAY KO

Klax:

Pengeng 5k

Hirayana:

Binilhan kitang Sagada orange hehe

PERO PAANO AKO MAKAKATULOG NITO

Klax:

Pumikit ka.

Hirayana:

SAKA MAG-UUSAP DAW KAMI BUKAS NI BEB

PARANG HINDI KO KAYANG HUMARAP KAY BEB

Klax:

Edi tumalikod ka.

Hirayana:

Bakit ba ang init ng ulo mo nuno

Danika:

Talo sa pusta hahaha

Hirayana:

Anong pusta?

Hiiro:

HAHAHAAHAHAHHA

Big brain idea ka pa ha

HAHAHAHAHHAHA

Klax:

Tangina niyo!

Limitless (Bump, Set, Spike #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon