"Tama na!"

Napatingin ako sa uniporme niya at namantsahan iyon ng juice dahil sa pagkakatulak nila sa akin kaya dumikit ang mantsa mula sa damit niya.

"Anong tama na! Napakamahal nito tapos dudumihan mo lang!" napapikit ako dahil sa muling paghila niya ng buhok ko.

Tuluyan nang bumuhos ang luha ko.

"Ayoko ko ng gulo," nanghihina kung sabi at muli niya akong itinulak.

Mateo..I'm sorry.

Napahawak ako sa aking ulo at tuluyan bumagsak sa semento, ramdam ko ulit ang pagbuhos sa akin ng juice at may kasama na iyon ng harina.

Panay ang tawanan nila habang kinukuhanan nila ako ng video.

Hinawakan nang babae ang panga ko ng mariin kaya napapikit ako sa sakit na tila bumabaon ang kuko niya sa pisngi ko dahil sa higpit  ng pagkakahawak niya.

"Ano ka ngayon! Iiyak ka nalang diyan! Come on Samantha! Malandi kang babae ka kung hindi mo sana nilandi si Mateo hindi ka mapupunta sa ganitong situwasyon---" napatigil siya sa pagsasalita dahil sa isang sigaw na aming narinig.

"Samantha!" tila kulog na sigaw na dahilan ng pagtahimik ng paligid at unti unting tinanggal nang babae ang kamay niya sa aking pisngi.

Napayuko ako at parang gripo ang luha ko dahil sa sunod sunod na paglandas nito.

"Anong ginawa niyo kay Samantha!?" galit niyang sambit na animo'y ano mang oras ay makakapatay siya ng tao dahil sa galit niya.

Hindi ko na kailangan mag angat ng tingin dahil sa boses na iyon.

"Jacob dapat lang sa kaniya 'yan! Kung hindi dahil sa kaniya hindi maaksidente si Mateo!" sagot ng babae.

"Hindi ako nanakit nang babae pero ang ginawa mo kay Samantha hinding hindi ko iyon palalagpasin!" napatalon ako sa gulat dahil sa muling pagsigaw niya.

"Ja..jacob," nauutal na sabi ng babae kaya nag angat na ako nang tingin sa kan'ya at nanlaki ang mga mata ko nang tila ano mang oras ay makakasakit talaga siya.

"Jacob!" sambit ko dahil ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.

Lahat sila ay palipat lipat ang tingin sa aming dalawa, sa pagtawag ko sa kan'ya ay agad siyang lumuhod at nang titigan ko siya sa mata ay nawala ang galit doon, kita ko na ang pag alala habang inilibot ang tingin sa aking katawan.

Pinunasan ko ang luha ko at nang aakmang tutulungan niya akong tumayo ay agad akong umiwas.

Mas lalaki ang gulo at alam ko ang iisipin nila na dahil wala si Mateo ay si Jacob ang sinusunod kung landiin.

Pilit ko ulit tumayo mag isa at muli siyang sinulyapan, titig na titig siya sa akin at muling umusbong ang galit niya nang makitang lumandas muli ang luha ko.

"Kaya ko ang sarili ko," mahinang sabi ko at tumalikod.

Napaatras ang ilan at kusa silang gumilid para makaraan ako. Muli kung pinunasan ang luha ko at walang narinig na kung ano habang paalis dun.

Mas lalong dumami ang napapatingin sa akin dahil sa itsura ko ngayon basang basa ang uniporme pati ang buhok ko, dumiretso ako ng locker para kunin ang p.e uniform ko at iyon nalang ang ipalit.

Sinarado ko ang pinto ng cr at napasandal sa dingding. Gawin nila ang gusto nilang gawin sa akin dahil alam kung hindi pa iyon sapat dahil sa nangyari kay Mateo.

Yinakap ko ang tuhod ko at napansin na namaga na ang dugo sa sugat ko. Tila naging miserable ang buhay ko dahil sa nangyari, kagabi ay hindi ako makatulog dahil sa paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang pagligtas sa akin ni Mateo. Lagi kung sinasabi sa sarili ko na dapat hindi niya nalang ako iniligtas para hindi nangyari ang lahat nang ito.

"Samantha! Open the door!" napaangat ako ng tingin at napatingin sa pinto ng sunod sunod ang katok dito.

"Umalis ka na Jacob, hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw ko.

"Samantha please, open this goddamn door!" ulit niya at panay ang katok lang dito na tila masisira na ang pinto dahil sa lakas ng pagkatok niya.

Yinakap ko lamang ang sarili ko at hindi siya inantala.

"Samantha!"

Impit lamang akong napaiyak at ramdam na ang sakit sa buong katawan ko mula sa pagkakasubsob mula sa semento.

Natatakot akong malaman ito ni Mommy. Napatalon ako sa gulat ng puwersahang binuksan ang pinto at agad na lumapit sa akin si Jacob at yinakap ako.

"Fuck! Fuck!" Paulit ulit niyang mura, gusto ko siyang itulak pero wala na akong lakas para gawin iyon.

Patuloy lamang ako sa pag iyak at ramdam ko ang pag iingat niya sa paghagod  nang aking likod habang siya ay nakaluhod.

"I'm sorry, I'm late. I will make sure that they rot in hell. I'll make their lives miserable for what they did to you," galit niyang sabi.

Umiling ako.

Hinarap niya ako at inayos ang buhok kung kumapit sa aking pisngi. "You need to change okay? And then we will go to the clinic."

Inalalayan niya akong tumayo, napayuko ako dahil sa muling kahihiyan, nakita niya ulit akong umiiyak.

Ngayon lang din pumasok sa isip ko na nasa cr kami ng babae at pumasok pa siya, buti na lang at walang mga babaeng pumunta dito at hindi siya nakita.

Matapos kung magbihis ay lumabas na ako at napatingin sa pinto nang makitang nakasara na iyon. Humarap na ako sa salamin at nakitang may maliit na sugat sa aking pisngi.Kailangan kung mag isip ng paraan kung paano ito itatago kay Mommy.

Inayos ko na ang mga gamit ko at binuksan na ang pinto sa pag aakalang umalis na siya ay nakita ko siyang nakasandal sa dingding pero ng makita ako ay agad siyang umayos ng tayo at muling tumitig sa akin.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa titig na iyon.

"Pumasok ka na, kaya ko naman pumunta ng clinic nang mag isa," sabi ko at nagsimula nang maglakad.

"No, I'm going with you."

Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, galit parin ako sa kaniya at hinding hindi ko kailangan ng tulong niya.

Sinira nila ang tiwala ko.

"Puwede bang sa susunod ay 'wag mo na akong lapitan? 'Yung sinabi ko sa'yo na gusto kitang maging kaibigan, kalimutan mo na 'yun dahil nagsisisi akong sabihin iyon," malamig kung sabi at iniwan siya.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now